Chapter XVII - #JusticeForMary

154 8 1
                                    

"Tawagan mo si Detective Tunying

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tawagan mo si Detective Tunying. Itanong mo 'yung taxi na sinakyan nila kagabi ng anak niya papuntang crime scene," utos ni Jiho kay Basco habang binabaybay nila ang corridor patungong elevator.

"Sir, maiiwan ba ako dito? Kailangan kong i-run 'yung plate number sa centralized database," tanong ni Basco habang sinasabayan ang bawat hakbang ng kanyang superior.

Sumagot si Jiho pagkasakay nila sa elevator, "Hindi na kailangan. Sigurado ako na hindi lang plate number ng taxi ang sinaulo ni Detective Tunying kagabi, pati address at pangalan ng taxi driver tanda nu'n."

Ang marinig na confident ang Kapitan sa assumption na iyon, agad na tinawagan nga ni Basco ang matandang detective habang patuloy siyang nakabuntot patungong parking area.

"Plate number ng taxi na sinakyan namin ng anak ko kagabi papunta sa crime scene?" ulit na tanong ni Tunying mula sa kabilang linya. "TXI 4537, Bobby Agustin, 246 Purok Tres, Barangay San Vicente, Aurora City."

***

"Ma'am!" bati ni Julius kay Jiwon nang makasalubong niya ito sa lobby ng FDO. "Na-swab na pala ni Rain 'yung mouthpiece ng vape pen ni Almiron bago siya nag-out kaninang umaga. Mabuti na lang nasa incubation period na 'yung swab tips, kung hindi baka abutin ng bukas ang pag-extract ng DNA."

"So, gaano pa katagal?" bakas sa boses ni Jiwon ang pagmamadali. Sinabayan niya ang paglakad ng analyst patungong laboratory.

"Pagkatapos po kasi ng incubation, dadaan pa sa Phenol-Chloroform Extraction. Tapos Purification gamit ang Silica-Based Column. Pagkatapos nu'n, DNA Quantitation naman gamit ang spectrophotometer. Kapag enough na 'yung na-obtained na DNA, ipe-prepare pa 'yung sample para sa amplification via Polymerase Chain Reaction. Thermal Cycling pa bago mag-electrophoresis at STR Profiling. And lastly, ico-compare na 'yung DNA sa database. Swerte kung may ka-match." Julius scanned his identification card in the door's security scanner. Pinagsuot niya ng face mask at gloves ang dalaga bago niya ipinakita ang vape pen na may label na:

Case No.: HCDO-0924-102

Evidence No.: 007

Item Description: Vape Pen (Half-burnt, blue with black mouthpiece)

Collected By: Analyst Rain Catacutan

Location of Collection: Victim's Body, Skirt Pocket

Special Notes: Item partially burnt, possible DNA sample on the mouthpiece. To be tested for DNA extraction. Handle with gloves.

***

Nadatnan nila Jiho at Basco si Bobby Agustin na aktong paalis pa lang sakay ng taxi. Iniharang ni Jiho ang minamanehong sasakyan sa daan na pag-uurungan ng taxi nito, kaya't agad na lumabas si Bobby at handa nang sugurin ang tila walang modong humarang sa kanya. Ngunit agad na ipinakita ni Jiho ang suot na identification card, dahilan upang kumalma ito.

LOHIKA 5: Letter from a Psychopath [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon