Isa, dalawa, tatlo. Tatlong beses nang nagpabalik-balik si Jiwon sa fourth floor ng HCDO lulan ng elevator. Tatlong beses na rin siyang bumabalik sa pangatlong palapag sa kadahilanang hindi niya magawang buuin ang loob na harapin ang Head Director para magmakaawa na hindi siya ilipat nito sa ibang unit, at kung maaari ay bigyan siya nito ng dagdag na araw upang maibalik ang fit-to-work certificate na hiniram niya. Balak niya na kumuha na lang ng panibagong kopya kapag nakabalik na sa Pinas ang kanyang Ninang Mirriam. Ngunit tila imposibleng mapakiusapan niya ang matandang superior. Ang basa niya sa ugali nito ay malinaw na istrikto itong tumutupad sa pangako at kung anong napagkasunduan. Kilala niya ang ganoong tipo ng tao kung magalit. Alam na alam niya sapagkat ganoon rin ang kanyang ama.Sa huling pagkakataon ay nilisan ni Jiwon ang elevator at nagtungo sa opisina ng SCVU. Bagsak ang dalawang mga balikat na tinungo niya ang kanyang desk. Sinimulan niyang pagpatung-patungin ang mga case files na inaaral niya. Sinunod niya ang mga case files na hindi pa niya nabibigyan ng pansin. Pagkatapos ay isinilid niya sa kanyang bag ang laptop at ilang mga personal na mga gamit. Iginala niya ang paningin sa buong opisina, naghahanap ng kahon na maaari niyang gamitin, ngunit imbis na kahon ang kanyang makita ay tumigil ang paningin niya sa detective na nakatitig sa kanya. Sandali silang nagkatitigan at kita niya ang pagtataka sa mga inosente nitong mga mata.
Hindi na napigilan ni Basco na tanungin ang katitigan na profiler, "Anong ginagawa mo, Miss Natividad? Lilipat ka na ba ng unit? 'Di ba may nai-presenta ka namang fit-to-work certificate kay Kap?" Nakatayo ito sa tapat ng desk ng kanilang Kapitan, bitbit ang isang kahon na apaw ang mga lamang dokumento.
Jiwon blinked a few times and answered, "Actually... I have no other choice-"
"Wala ka talagang choice," Jiho suddenly appeared in front of her. Ibinarog sa mesa ng dalaga ang bitbit na kahon na puno ng mga case files. At nang madako sa kanya ang nagtatanong na mga mata nito, ipinagpatuloy niya, "Binuwag ang Cold Crimes Unit. I-dinistribute ang mga pending cases sa lahat ng team. Tambak tayo ngayon, kaya magtrabaho ka na."
"How can I?" hindi makapaniwalang tanong ni Jiwon. "Sa mga oras na 'to, sigurado akong hinahanap na ng Head Director ang fit-to-work certificate ko."
"Bakit niya hahanapin ang nasa kanya na?" saad ni Jiho bago tinungo ang sariling desk.
Noon lang napagtanto ni Jiwon ang totoong sitwasyon niya. Ibinalik na ni Jiho sa Head Director ang fit-to-work certificate niya. Pero bakit? Sa pag-uusap nila noong nakaraang gabi ay tila wala itong balak na tulungan siyang manatili sa SCVU. Sinundan niya ng tingin ang binatang kapitan. Pagkatapos ay nadako ang tingin niya sa kahon na nakapatong sa mesa niya. Puno iyon ng mga cold case files. Marahan siyang umupo sa kanyang swivel chair at napabuntong hininga.
***
Hindi pa nagri-ring ang school bell sa Policarpio High School. Nagkalat pa ang mga estudyante sa school ground, canteen, at hallway ng eskwelahan, at malaya pang nakakapagkwentuhan ang mga mag-aaral katulad na lang ng fourth year na si Trina na ipinagyayabang ang bagong bili niyang official rare photocard ng OT4 ng bandang Z2N.
BINABASA MO ANG
LOHIKA 5: Letter from a Psychopath [ONGOING]
Misterio / SuspensoCriminal Profiler Jiwon Natividad is dragged from her vacation by a terrifying serial murder case. Each victim's head is wrapped in packing tape and adorned with a frightening happy face, while their hands and feet are bound with ropes as they lie e...