"Pagkatapos mong buhatin sa bathtub si Casimsim, anong sunod na ginawa mo?" hindi na nakapagpigil na magtanong ang binatang kapitan.
"Kinuha ko 'yung wallet niya, tapos tumakas na ako," nanginginig na sagot ng binata.
"Hindi mo ba alam na hawak na namin ngayon ang Ate Allison mo?" pagkumpirma ni Jiwon sa hinala.
Nanlaki ang mga bilugang mata ni Aljohn. Hindi. Hindi niya alam. Ang buong akala niya ay lumuwas pa-Maynila ang kanyang Ate Allison. Balak pa nga sana niyang sumunod sa kapatid upang makatakas sa mga pulis ng Hostaria. "Hindi... Pakawalan n'yo ang ate ko. Wala siyang kinalaman dito. Ako ang pumatay kay Casimsim. Ako ang ikulong n'yo! Pakawalan n'yo siya! hindi siya pwedeng magtagal dito!" pagmamakaawa ni Aljohn. Kung maaari nga lang ay luluhod pa siya sa harapan ng dalawa para lang pagbigyan ang hiling niya.
"Ang cause of death-" nahinto sa pagsasalita si Jiho nang maramdaman niya ang mainit na palad ni Jiwon sa kanyang braso. Bahagyang nagulat siya, ngunit hindi niya ito pinahalata. At nang tingnan niya ito sa mga mata ay isang bahagyang iling ang ginawa ng dalaga. Sinasabi sa kanya na h'wag ipaalam ang cause of death ni Casimsim kay Aljohn.
Idinetena nila ang binata sa katabing holding cell na kinaroroonan ni Allison. Hindi nila pinagsama ang dalawa upang maiwasan na makapag-usap ang mga ito.
Inabot ng alas otso y-medya ng gabi si Jiwon sa panonood sa footage ng dalawang interrogation ng magkapatid na sina Aljohn at Allison. She was trying her best to sift the truth from the lies. Mahirap, dahil kita niya na tila nagsasabi ng totoo ang dalawa at nagsisinungaling rin nang magkasabay.
"Hindi ka pa uuwi?"
Napatunghay ang dalaga sa nagsalita. Doon niya nakita na nakatayo na pala si Ranzel sa harapan ng kanyang desk. "I will. Tatapusin ko lang 'to," sagot niya, tinutukoy ang ginagawang behavioral analysis sa magkapatid na Tarduaje. Iginala niya ang paningin at noon niya lang nalaman na siya na lang pala ang naiwan sa opisina maliban sa uniformed police officer na nagbabantay sa magkapatid sa holding cell na nasa sulok ng opisina.
"Naguguluhan ka pa rin ba kung sino sa kanila ang pumatay?" tanong ni Ranzel na akala mo ay nakakabasa ng isip ng iba.
"Actually," sinulyapan ni Jiwon ang magkapatid na nakakulong, at nagpatuloy siya, "I think I know who did it. Kailangan ko lang ng supporting evidence para malinaw ang lahat at maipasa na namin itong case sa prosecution."
"Bakit hindi ka bumalik sa crime scene?"
"Red District?"
"Sa crime scene ka lang makakakuha ng ebidensya," sagot ng influencer na animo'y hindi iyon alam ng profiler.
Sa precise moment na iyon ay tila may nagbukas na ilaw sa ulo ni Jiwon. "You're right. Sa crime scene... at sa vicinity around that area." She abruptly stood up and took her car key and bag. "This is the perfect time to go back there at maghanap ng sasakyan na nakaparada malapit sa Love Motel around the time of the crime. I just need to find one."
BINABASA MO ANG
LOHIKA 5: Letter from a Psychopath [ONGOING]
Mystery / ThrillerCriminal Profiler Jiwon Natividad is dragged from her vacation by a terrifying serial murder case. Each victim's head is wrapped in packing tape and adorned with a frightening happy face, while their hands and feet are bound with ropes as they lie e...