Chapter II - She Who Came Straight Out of a Crime Novel

235 9 3
                                    

Jiho had a bad day and dealing with such nuisance just added to his irritation

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jiho had a bad day and dealing with such nuisance just added to his irritation. Bukod sa magfoforty-eight hours na siyang walang tulog, nakatakas pa kagabi ang number one drug lord ng Hostaria na halos tatlong buwan nilang ginawan ng surveillance.

He rolled down the window beside him and was about to shout at the man, when a detective ran towards his direction and hastily said, "Sir, may natagpuang katawan sa Mt. Milagrosa. On the way na 'yung team." He identified him as Detective Basco.

Basco was the youngest team member of SVCU or Special Violent Crimes Unit. Binuo ang unit na iyon mula noong ma-transfer sa Hostaria ang bagong promoted na si Lieutenant Jiho Lim, apat na buwan na ang nakalipas. Bagamat marami ang nagtaas ng kilay, si Jiho ang tumayong team captain. At dahil hindi nalalayo ang murang edad ni Basco kay Jiho, silang dalawa ang malimit na magkasundo at magkasama sa mga lakad. The rest of the team found it challenging to keep pace and socialize with them beyond work due to the age difference and the contrasting energy levels of Jiho and Basco, who were much younger.

"Sakay!" Jiho commanded and waited for Basco to get inside his car before he drove back down.

Mt. Milagrosa, a mystic peak, cradled secrets in its ancient woods. It was a place of miracles, leaving all who ascend forever touched by wonder. Iba't-ibang uri ng mga punongkahoy ang matatagpuan doon, kabilang na ang sagradong puno ng banyan.

Tuwing sunset, ang bundok ay nagpapakita ng kamangha-manghang aura. Ang sinag ng araw, sa paglubog nito, ay tila hinahaplos ang bawat tuktok ng mga naglalakihang punongkahoy na animo'y sinisilaban sa shades ng crimson at gold. It was a sight that has drawn pilgrims and seekers of miracles for centuries.

Nasaksihan nina Jiho at Basco ang breathtaking view na iyon ng Mt. Milagrosa habang sila ay papalapit pa lang sa nasabing bundok. Ang araw ay tila nagbabasbas ng liwanag sa buong kabundukan, pinapaboran ito. Ngunit kabaligtaran ng gandang kanilang nasaksihan ang nadatnan nila sa loob ng mismong bundok.

Umalingawngaw sa buong paligid ang police siren ng police car na nakaparada sa gilid ng matarik na kalsada. Tila nakalimutan ng kung sinumang nagmaneho noon na patayin iyon dahil sa pagmamadali na masilayan ang bangkay sa loob ng gubat. Balot ng nakakakilabot na aura ang buong paligid, malayo sa magandang imahe nito sa labas.

Sinalubong sina Jiho at Basco ng isang uniformed police officer at sinamahan patungo sa mismong crime scene. Ang crime scene na kanilang nadatnan ay nakakapangilabot. Ramdam ng dalawang binata ang pagtayo ng mga balahibo nila sa katawan nang tuluyan nilang masilayan ang bangkay.

 Ramdam ng dalawang binata ang pagtayo ng mga balahibo nila sa katawan nang tuluyan nilang masilayan ang bangkay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
LOHIKA 5: Letter from a Psychopath [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon