"Ako na muna. Makinig kayo. Sa pagbisita ko sa unit ni Maricel Lozano," panimula ni Tunying. Siya ang pinakaunang nagsalita sa loob ng saradong conference room. He had been itching to spill everything he had discovered last night. Sariwang-sariwa pa ang lasa ng banana cake sa kanyang bibig. Na kahit nag-toothbrush na siya ay naroon pa rin ang tamis, animo'y nakadikit na sa kanyang dila at mga ngipin. Sa palagay niya ay kulang-kulang isang kilong asukal ang ibinuhos ni Maricel sa cake. Naisip pa niya na kung si Miranda ang napatapat sa tenant noong gabing iyon ay posibleng isinugod na nila ito sa ospital dahil sa diabetes. Ang totoo ay naikwento na niya iyon sa walang kamuwang-muwang na partner, at sinabi pa niya na kailangan nitong magpasalamat sa kanya sapagkat literal na iniligtas niya ang buhay nito mula sa sobrang asukal. "May ilang mga bagay na kahina-hinala sa bahay niya. Una, marumi. Sobrang dumi ng kusina niya para sa isang baker na nagbebenta sa publiko. Naku! Kung nakita n'yo lang! Pangalawa, marami siyang kutsilyo. Nakasabit sa pader, nakahalera. Iba't-ibang uri. Hindi ko alam kung baker ba talaga siya o butcher. At pangatlo, ang cellphone niya."
Kumunot ang noo ng lahat sa bitin na impormasyon ni Tunying. Si Jiho ang hindi nakatiis at nagtanong makalipas ang ilang segundo ng katahimikan. "Anong nakita mo sa cellphone?"
Inilapit ni Tunying ang may kalakihang katawan sa mesa, ipinatong sa mesa ang mga kamay na pinagsaklob. "May natanggap siyang mensahe mula sa isang Lourdes. Nag-uusap sila tungkol sa banana cake na binake ni Maricel. Base sa message nitong Lourdes, may nag-post online ng negative review tungkol sa banana cake ni Maricel at sinabi nitong may langaw daw ang icing ng cake. Dahil sa post na 'yon, nag-cancel ng order ang mga customer ni Maricel. Syempre nagalit si Maricel. Sinugod niya 'yung tao."
"Na-confirm mo ba na si Clarissa Zafra ang nag-post ng bad review?" curious na tanong ni Jiho. He was never a fan of cliffhangers. Alam na niya ang ipinupunto ng matandang detective. Ang nais niya ay direktang sagot, walang paligoy-ligoy.
Napabuntong hininga si Tunying dahil sa mainipin na Kapitan. Sinalubong pa niya ang intense na titig nito. Disbelief in his eyes. Hindi siya makapaniwala na puputulin lang ng binata ang pa-suspense na kwento niya. Ang plano niya sana ay siya mismo ang mag-rereveal na si Clarissa Zafra ang taong nag-post ng bad review at sinugod ni Maricel. Isinandal niya ang kalahating katawan at walang ganang sumagot, "Hinanap ko 'yung Lourdes. Kinumpirma niya na si Clarissa Zafra nga ang tinutukoy niya. Inimbitahan ko na rin siya na magbigay ng official statement dito sa station. Sa palagay ko, papunta na 'yon ngayon dito."
Sumunod na nagsalita si Miranda. "'Yung unit naman ni Elaine Herrera, madumi rin. Nagkalat ang hair treatments, mga gunting, at mga mannequins na ginagamit niya sa paggupit ng buhok. Kapansin-pansin rin ang pagkahilig niya sa mga crime documentaries at movies. Parang obsessed siya sa ganoong genre. Nagkaroon din ako ng pagkakataon na masilip ang laptop niya. Binabasa niya lang naman ang isa sa mga kwento ni CookieButterSpinach." Iba kay Tunying, 'di niya tipo ang magpabitin.
"CookieButterSpinach, username 'yon ni Clarissa," Jiho interjected, eyes narrowing. "Anong kwento ang binabasa niya?"
"Ang title ay..." Sandaling sinulyapan ni Miranda ang hawak na maliit na notebook bago sinalubong ang curious na tingin ng binata. "Cross My Heart, I Hope You Die."
BINABASA MO ANG
LOHIKA 5: Letter from a Psychopath [ONGOING]
Mystery / ThrillerCriminal Profiler Jiwon Natividad is dragged from her vacation by a terrifying serial murder case. Each victim's head is wrapped in packing tape and adorned with a frightening happy face, while their hands and feet are bound with ropes as they lie e...