"We have here The Absinthe Drinker by Pablo Picasso, painted in 1901. The colors used in the painting evoke a sense of gloom and desolation. It captures a poignant moment of human vulnerability and the effects of inner struggles," paliwanag ng docent bago lumipat sa kasunod na artwork na naka-display sa Enigma Gallery.
Rinig niya na patuloy na nagbabahagi ng information at insight ang knowledgeable na tour guide sa iba pa niyang kasamang museum-goer, ngunit nanatili siyang nakatayo sa harap ng The Absinthe Drinker. It annoyed him that it was just a mere replica. Matagal na niyang nais na makita nang personal ang kamangha-manghang artwork ni Picasso. At nang mabalitaan niyang dadalhin sa Pilipinas iyon ay agad niyang isiningit sa kanyang tight schedule ang pagbisita sa museum na paglalagakan nito, ngunit nakaligtaan niya ang pinakamahalagang parte ng balita—na reproduction o replica lamang iyon.
Ang orihinal na painting ay matatagpuan sa Hermitage Museum sa Saint Petersburg, Russia. Malayo at hindi praktikal na paglaanan ng financial para sa isang tulad niyang umaasa lang sa paycheck buwan-buwan.
He was about to leave when he noticed a woman beside him.
Ang mga mata ng babaeng iyon ay napakaganda na animo'y dalawang malalim na salamin. Her eyes were reflecting curiosity, contemplation, and a touch of melancholy. Tila nag-reresonate ang artwork na iyon sa kanyang kaluluwa, nag-rereveal ng emotions na nakatago sa kanyang puso—isang profound connection sa pagitan ng mga experiences nito sa buhay at sa poignant portrayal na nasa harapan niya lang.
BINABASA MO ANG
LOHIKA 5: Letter from a Psychopath [ONGOING]
Mystery / ThrillerCriminal Profiler Jiwon Natividad is dragged from her vacation by a terrifying serial murder case. Each victim's head is wrapped in packing tape and adorned with a frightening happy face, while their hands and feet are bound with ropes as they lie e...