"Kuya pwede hong magtanong? Kilala niyo ho ba si Danica Buenavidez? "
"Pasensya na Maam, pero sa dami ng estudyante rito imposibleng maging pamilyar sa akin ang lahat. "
"Hinahanap ho kasi namin ang kapatid ko, ilang araw na ho siyang nawawala at baka ho matulungan kami ni Danica."
"Ah ganun ba? Ano ho bang kurso niya? Baka ho pwede ko na lang ho kayong samahan. "
"Medical Technology po, 4th year block A po. "
Sagot ni Tarrah habang pinapakita ang
I. D card ng kapatid niya."Maam, excuse me lang po. Pwede ho ba naming makausap si Danica Buenavidez? Importante lang po."
Maya maya ay lumabas ang isang babae mula sa silid. Seryoso ang mukha nito na kaagad dumako ang mga tingin kay Tarrah at sunod na sa amin.
"Gusto ko lang sanang magtanong tungkol sa kapatid kong si--"
"Trina?"
"Oo."
Napahinga ito ng malalim saka niya kami inaya papunta sa labas ng pasilidad kung saan merong sementong lamesa at upuan.
"Ilang araw na siyang hindi pumapasok. Wala kaming alam sa kinaroroonan niya. "
Sabi nito.
"Pero ikaw ang huling kasama niyang pumasok sa condo niya. "
"Oo ako nga, dahil yun sa ginagawa naming project. Bukod dun wala na kaming kahit na anong ugnayan bago at pagkatapos dahil hindi naman kami gaanong pamilyar sa isa't-isa. Naging magkapareha lang kami sa proyektong yun. "
"Nung araw na yun ba, wala kang napansing kakaiba sa kanya? "
Tanong ni Tarrah.
Nung una'y naging tahimik muna siya saka ito napahinga ng malalim.
"Palagi naman siyang tahimik, hindi nga siya nakikipaghalubilo kahit kanino. Pero... "
"Nung gabing yun, parang pinipilit niya akong doon na lang magpalipas ng gabi. "
"Sabi niya, ilang gabi na raw kasing... May kumakatok sa pinto niya. "
"Gusto ko sana siyang pagbigyan kaso hindi naman ako nakapag-paalam sa Mama ko na hindi ako uuwi. "
Doon ay nagkatinginan kaming tatlo.
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi niya pero sa ngayon mananatili muna ako sa gitna. Hangga't wala pang matibay na basehan ayoko munang humusga.
"Maghahating gabi na nung ihatid niya ako sa baba at doon nakasalubong namin yung care taker ng condominium. Pinagsulat niya nga ako ng mga personal na detalye ko sa isang logbook."
"Ganun ba, uhmm maraming salamat sa pakikipagtulungan mo pero sa tingin ko kailangan na naming bumalik sa condo ni ate. "
Saad ni Tarrah, hudyat para kami ay tumayo na rin at nang akma na kaming aalis ay tumayo rin siya at nagsalita.
"Teka... Naireport niyo na ba ito sa mga Police? Hindi ba dapat yun muna ang kailangan niyong gawin? "
"Maraming salamat pero hindi ata sila makakatulong sa ngayon. "
Nang makabalik kami sa condominium, wala na kaming nakitang mga tao. Pati na ang gwardya kanina wala na sa stasyon niya.
Habang naglalakad ay pamasid masid kaming tatlo, ramdam ko ang tila ba pananahimik ng kapaligiran saka ako napatingin kay Tarrah.
"Naniniwala ba kayo kay Danica? "
Tanong ko.
"Hindi ko alam, ang importante ngayon kailangan nating mahanap yung care taker. "
![](https://img.wattpad.com/cover/195797740-288-k523128.jpg)
BINABASA MO ANG
Strange Creatures
FantasiPaano kung ikaw ang nakatakdang tagapagligtas ng sankatauhan laban sa kadiliman? tatanggapin mo ba?