Nagising ako sa marahang pagyugyog sakin ni Mama.
"Amaya, gising na..."
Nang makita niyang gising na ako ay tumayo na siya upang bumaba.
Pagmulat ko ng aking mga mata, napaupo ako habang papikit- pikit na inilibot ang aking mga mata sa aming silid.
Pano niya kaya ako naipasok rito kagabi???
At doon meron akong naramdamang malambot na bagay na nakakulong sa aking palad at napangiti ako nang makitang bulaklak ito.
Di ko mapigilang mapangiti nang maalala ang nangyari kagabi.
May tinatago rin palang ganong ugali si Victoria.
Siguro ganun talaga kapag matagal ka nang nabuhay sa mundong ito. Isa pa, hindi siya normal, kaya siguro nahihirapan siyang makipaghalubilo sa akin at sa iba pa.
Masaya ako na kahit papano ay nakikita ko na sa kabila ng pagiging bampira niya ay may natitira pang katangian ng isang tao ang meron sya.
Tumayo na ako upang maghilamos at magsipilyo pero bago yun ay nilagay ko muna sa loob ng vase ang bulaklak na alam ko namang malalanta kinalaunan ngunit nais ko pa ring itago dahil bigay niya ito sa akin.
Pagbaba ko, kaagad akong binungad ni Krisha ng mahigpit na yakap saka niya ako hinila upang maupo sa hapag.
"Maya samahan moko mamili ah?"
"Oo naman."
"Kayong dalawa wag kayong makikipaghalubilo sa hindi niyo kakilala ah. Mamaya pagkatapos niyong mamili palengke uwi kaagad."
Utos ni Tita saka kami parehong tumango.
"Kaya pinasamahan kita kay Amaya dahil kilala kita, mamaya kung anu- ano pa atupagin mo."
"Mas may tiwala ka pa kay Amaya kesa sakin mama ah."
****
Gamit namin ang tricycle ng tito ay tinungo namin ang palengke habang si Krisha ang nagmamaneho.
Naiwan ito ni tito ng yumao ito simula nun ay ginagamit na lang ito ni Krisha sa tuwing may inuutos sa kanya ang tita tulad ng pamamalengke.
Pagdating ng palengke, amoy na amoy na namin ang naghalong amoy ng mga tinda nila doon.
Dala dala ko ang bayong habang nakasunod lamang ako kay Krisha na siyang may hawak ng listahan at pera.
Bago kami mamili ng mga karne ay umakyat muna kami kung nasaan ang mga gulay at prutas.
Habang nakikipagtawaran ang kaibigan ko sa tindera ng prutas ay minabuti ko munang mamili ng magagandang klase ng prutas.
Nang walang ano anong may bumangga sa aking balikat, dahilan upang mabitawan ko ang mansanas na hawak ko.
At doon ko naramdaman ang paghapdi ng peklat ko, dahilan upang mapatingin ako sa paanan ng mga taong naglalakad sa palengke.
Nanindig ang balahibo ko nang makita kong halos lahat sila ay hindi dumidikit ang talampakan sa semento.
Kaagad akong tumayo at doon ko na napansing ang iba sa kanila ay hindi naman namimili, padaan daan lamang.
Pasimple akong yumuko habang kunwaring inaamoy ang peras saka sinalubong ang titig ng isang babaeng nakatayo sa di kalayuan at matalim na nakipagtitigan rin sa akin.
Hindi ako kailanman bumitaw sa titig niya, saka ako nagsambit ng maikling engkantamyento upang ipaalam sa kanya na hindi ako natatakot sa kanya.
"quae spectat et senties dolorem"
BINABASA MO ANG
Strange Creatures
FantasyThe world has come to end, darkness have come to rule. Humanity's last hope was what they believed God have sent. But as the battle between light and darkness unfolds, a terrifying truth begins to surface.
