Ang dali ng araw, ngayon ang pagtatapos namin ng high school.
Mag-isa akong naglalakad-lakad sa hallway ngayon na walang katao-tao dahil lahat sila nasa covered court nagsasaya.
Nakasuot pa ako ng puting toga habang hawak ko sa kanang kamay ang aking diploma.
Naisipan ko lang na magpahangin.
Nakarating ako sa pinakalikod na parte ng paaralan kung nasaan ang mga lumang room.
Malapit nang mag alas syete ng gabi kaya sobrang dilim na. Pero may ilaw naman na nanggagaling sa maliliit na poste kaya kahit papano nakikita ko pa naman ang paligid.
Bago paman ako makaapak sa unang baitang ng hagdan patungo sa tatlong lumang room na magkakatabi ay naramdaman ko na ang kanyang mabigat na presensya.
Nanindig ang nga balahibo ko habang parang may malamig na hangin ang gumagapang mula sa aking batok pababa sa buo kong katawan.
Gaya ng pinangako ko, tutulungan ko siya at ito na ang tamang panahon.
Nakapapangilabot ngunit hindi na sa akin bago ang ganitong pakiramdam.
Nang makatayo ako sa tuktok ng hagdan ay doon ko na siya natanaw habang nakatayo sa dulo ng pasilyo.
Naririnig ko ang mahihinang paghikbi niya at habang papalapit ako ay unti-unti nang nagiging malinaw sa akin ang kanyang pigura.
Nakatalikod siya mula sa akin.
Huminto ako limang hakbang mula sa kanya saka ako nagsalita.
"Bakit ka umiiyak??"
Mahinahon kong tanong.
Noo'y tumigil ang malakas na hangin pati na ang mga huni ng mga kuliglig sa paligid.
Naging tahimik ang paligid habang dahan dahan siyang pumipihit palingon sa akin habang nakalutang.
Ganun padin ang itsura niya, ang mukha niya sa araw-araw na nakikita ko siya. Pati na rin ang lungkot sa mga mata niya.
"N-Nakikita mo ako?"
Gulat at garalgal ang kanyang boses na tanong.
"Oo. "
Sagot ko.
"Papano?-- teka... araw araw kitang nakakasalubong.. nakikita mo talaga ako?"
Tumango na lang ako bilang tugon.
"Tapos hindi ka man lang naglakas loob na kausapin ako?"
Masama ang loob niyang tanong sa akin.
"Pasensya na, naghanap lang kasi ang ako ng tamang pagkakataon. Pero ngayon nandito na ako. Ano ang maitutulong ko?"
Saglit siyang natigilan saka siya naglakad palapit sa akin. Isipin niyo na lang na naglalakad siya sa ibabaw ng hanhin.
Sobrang lapit nun na kitang kita ko ang mga sugat sa kanyang nabubulok na mukha. Pati na ang mabaho niyang amoy.
Pero hindi ako nagpatinag, bagkus ay pinagmasdan ko pa siya.
"Hindi ka ba natatakot sakin?"
Tanong niya.
"Hindi... dahil alam kong mabuti ka."
Sagot ko.
"Alam mo bang pwedeng pwede kitang sapian ngayon? aagawin ko ang katawang lupa mo nang sa ganun ay mabuhay akong muli."
"Sa ganung paraan mo lang ako matutulungan."
Saglit akong tumahimik saka ako lumayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Strange Creatures
FantasiaThe world has come to end, darkness have come to rule. Humanity's last hope was what they believed God have sent. But as the battle between light and darkness unfolds, a terrifying truth begins to surface.
