Tapos na eskwela at balik ako sa aking ordinaryong araw. Naglilinis ako ng bahay ni Lola dahil marami nang alikabok.
Nakaupo si Jude sa dating upuan ni Lola habang ito ay sumisiso paabante at paatras.
"Gusto mo na bang sumama sa Kaharian ko?"
Noon ay napahinga ako ng malalim bago siya titigan.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayoko maging asawa mo?"
Isang tawa lamang ang narinig ko sa kanya.
"Ang hirap mo namang ligawan."
Naiiling niyang sabi.
Hindi ko na siya pinansin at maya maya ay umalis na rin siya.
Bit bit ko ang walis at basurahan sa labas upang maglinis.
Itinambak ko sa iisang lugar ang napakaraming dahon saka ako naghukay upang ilibing ang mga ito. Nasabi kasi ni Jude na hindi raw mainam para sa kalikasan ang pagsusunog kaya inililibing ko na lang ang mga ito.
Habang mamahinga sa ilalim ng puno ay may kung ano akong liwanag na naaninag mula sa bintana ng bahay ni Lola.
Kinusot ko pa ang aking mata dahil baka namamalikmata lamang ako ngunit hindi.
Kaya naman tumayo na ako upang tumungo doon. Saglit pa akong napatigil sa hagdan habang nakatitig sa taas.
Papaakyat na ako ng marinig ko ang isang bulong...
Nagtaka ako dahil hindi ito kaboses ng hanging madalas magparinig sa akin.
Halika....
Halika...
Halika...
Paulit-ulit niyang sambit kaya naman agad ko itong sinundan.
Nakita ko ang liwanag na pumasok ng kwarto ni Lola. Nang makapasok ako nawala ang liwanag sa ilalim ng kama ni Lola kaya naman napayuko ako saka sumilip sa ilalim.
Iisa lamang ang nandodoon at isa iyong kahon.
Inabot ko ito kahit na may kasikipan.
Nang makuha ko ay naupo ako sa sahig habang nakatitig rito.
Mukhang may kalumaan na ang isang to na gawa sa isang kahoy.
Marami itong laman ngunit ang isa sa kumuha ng atensyon ko ay isang sulat na hula ko ay gawa ni Lola. Naninilaw na ito at mukang matagal nang naisulat.
Binuksan ko ito at sinimulang basahin...
Mahal kong Ernesto,
Sumulat ako upang ipaalam sa iyo na ako ay nasa mabuting kalagayan. Walang araw at gabing hindi lumilipas na hindi ako nangungulila sa iyong kanlungan sapagkat ikaw lamang ang pumupuno ng kasiyahan sa aking puso.
Alam kong kailangan kong lumayo ngunit hindi parin mawala sa aking isipan na ikaw ang aking pinakamamahal.
Nakaramdam ako ng lungkot at hindi ko alam kung bakit. Sino ba si Ernesto?
Ilang araw na akong nakakaramdam ng sakit ng ulo at madalas rin akong masuka. Marahil ay may bata sa aking sinapupunan.
Wala ka man sa tabi ko ay pinapangako kong aalagaan ko siya at palalakihing mabuti at may takot sa diyos.
Nagmamahal,
Rosa
BINABASA MO ANG
Strange Creatures
FantasiThe world has come to end, darkness have come to rule. Humanity's last hope was what they believed God have sent. But as the battle between light and darkness unfolds, a terrifying truth begins to surface.
