Chapter 30

19 5 0
                                        

Ang dami ko nang naranasang kakaiba at di maipaliwanag sa buong buhay ko.

Ngunit nang mga oras na iyon ay tila ba ngayon ko lamang muling naranasan ang ganun.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi ko maialis sa isipan ang madre.

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang takot lalo na nang hawakan niya ako at ang nakakapagtaka pa ay hindi siya napaso nang dahil sa paghawak niya sa akin.

Kahit si Victoria ay mukhang nabigla rin sa nangyari dahil pagkatapos nun ay bigla na lamang siyang naging tahimik.

"Amaya, okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik."

Saad sa akin ni ate Trina

Naglalakad na kami ngayon palabas ng gate.

Gaya kanina, nasa kakahuyan si Victoria at nagmamasid.

"Nagtataka lang ako dun sa Madre, hindi siya napaso nang hawakan niya ako."

Sabi ko saka silang lahat nagkatinginan. 

"Oo nga eh, di kaya may kapangyarihan siya?"

Tanong sa akin ni Tarrah

"Kilala mo ba siya??"

Baling ni ate Trina kay Mang Rigor.

"Wala akong masyadong alam sa kanya eh, ang alam ko lang tinutulungan niya sila sa paghahanap sa babaylan."

"Babaylan??"

Tanong ni ate Trina.

"Oo, ewan ko, may paniniwala kasi silang may ipinadala ang Diyos na gagabay sa atin kapag nangyari na raw ang pananakop ng kadiliman."

"Ang totoo, medyo alangan ako sa paniniwalang yun nila."

Saad ni Mang Rigor.

"Isang psychic ang madreng yun, nanghuhula siya gamit ang mga baraha."

"Ang alam ko pinadadala siya ng simbahan upang mag- imbestiga sa mga paranormal."

Dagdag niya pa.

"Kung ganun may kakayahan siya, baka yun ang dahilan kung bakit hindi siya tinatablan ng silyo."

Saad ni ate Trina.

"Isa siyang alagad ng Diyos, Amaya. Kaya't hindi ka dapat mag- alala... hindi ka dapat natatakot sa kanya."

Saad ni Mang Rigor sa akin kaya naman ako ay tumango.

Ngunit kahit sinabi niya yun ay hindi pa rin mawala sa dibdib ko ang kaba.

Muli kong sinipat ang malaking bahay at nanindig ang aking mga balahibo nang makita ko siyang nakatayo sa may bintana at nakatitig sa akin habang ang bibig niya ay gumagalaw na para bang may ibinubulong ito sa hangin.

Kasunod nun ang biglang pag tahimik ng kapaligiran, ang kaninang maingay na kuliglig ay nagsitahimik pati na ang tunong ng mga nagbabanggaang sanga at dahon.

Napahawak ako sa aking batok nang dahil sa biglang pananakit nito.

"Amaya?? Okay ka lang???"

Kaagad naman akong tumango kahit na ang totoo ay sobrang sakit ng batok ko.

Hindi na lamang ako umimik at pumasok na lamang sa tricycle at nanatili sa loob hanggang sa magpasya na kaming umalis. 

Habang papalayo kami ay ramdam ko na ang unti unting pagkawala ng sakit at ng malalamig kong pawis.

****

Pagdating ko ng bahay, nadatnan ko sina Mama na nanunuod ng balita.

"Amaya, buti dumating ka na!"

Strange Creatures Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon