Tantya ko ay nasa sampu hanggang kinse ang bilang nila at nang isa isa na silang sumugod ay kanya kanya na rin kami ng galaw.
Dahil sa madilim ang paligid at tanging sinag lamang ng buwan ang nagbibigay ng liwanag sa amin.
Pinulupot ko ang tali ng aking patalim saka ko ito binuhusan ng dala kong langis.
Nakakabingi ang putok ng baril kaya't bahagya akong humiwalay at sinugod ang isa na nag- aakmang lapitan si Tarrah na kasalukuyang nakikipagbuno sa dalawang aswang.
Mabilis kong hinagis ang isa ko pang patalim sa kanyang leeg saka ko siya sinipa palayo kay Tarrah.
Umuusok ang leeg nitong bumagsak sa lupa habang naglulupasay sa hapdi ng sugat nito.
Kinuha ko ang pagkakataong yun upang hatawin nang ng tuluyan ang kanyang leeg hanggang sa tuluyan itong maputol.
Nagliliparan ang pira- pirasong katawan ng mga aswang sa ere at nang tumingala ako ay namangha akong makitang walang kahirap hirap na pinaghihila ni Victoria ang mga labi ng aswang na hawak niya.
Napangiti ako ng bahagya ngunit napukaw ako sa ginagawa ko nang makita ko si Anthony na kagat kagat na ng isa sa mga ito at hinila palayo sa amin.
Kaya't kaagad akong tumakbo at sinundan sila.
Paulit- ulit niyang pinaputukan ang mala asong humihila sa kanya ngunit hindi niya ito matamaan at masyado rin silang mabilis kaya't hindi ko sila maabutan.
Kaya't doble pa sa bilis ang ginawa kong pagtakbo hanggang sa magawa ko bang makalapit sa kanila saka ko hinagis ang boteng may lamang langis sa mukha ng aswang, dahilan upang mabitawan niya ang paa ni Anthony saka ito tumakbo palayo na aking kaagad na hinabol.
Kung akala niya ay makakatakas siya ay nagkakamali siya.
Dahil sa hirap na siyang makakita ay bumagal na ang takbo niya kaya't iniba ko ang direksyon ng aking pagtakbo upang siya ay salubungin.
Tila nagulat siya sa biglang paglitaw ko sa kanyang harap kaya naman tumigil siya sa kanyang pagtakbo, ngunit huli na dahil masyado na akong malapit sa kanya.
Hinawi ng mabilis ang patalim sa kanyang katawan ng paulit- ulit hanggang sa magkapira- piraso na ang kanyang kamay at paa habang pilit na umaatras palayo sa akin.
Akma ko na sana siyang hahawiin sa leeg nang may biglang tumalon sa aking likuran at ako ay sinugod.
Bumagsak ang likod ko sa lupa habang nasa ibabaw ang napakapangit na nilalang na pilit akong sinasakmal.
Maya maya pa ay nagulat ako nang merong bumagsak sa likuran niya.
Kita ko ang pagtagas ng dugo sa kanyang dibdib na tumulo pa sa akin.
Kita ko ang mahaba at matalim na kukong nakatarak sa kanyang dibdib.
Nang tumingala ako ay nakita ko ang napakalaki at mala- paniking pakpak sa ibabaw namin at nagulat ako nang umangat ang katawan ng aswang ko at ang paulit- ulit na pagtarak ng mahahabang kuko ng nilalang na yun sa kanyang dibdib hanggang sa ito ay tuluyan nang malagutan ng hininga.
Tinapon ng nilalang na yun ang labi nito sa tabi at halos manindig ang aking mga balahibo nang makita ko na ang kabuuan niya.
Katulad siya ng mga aswang na nakaharap namin noon sa pabrika.
Di hamak na mas malaki ito sa mga normal na aswang.
Parang aso ang mukha niyang naglilimahid sa di maipaliwanag na langis ang kanyang katawan.
BINABASA MO ANG
Strange Creatures
FantasyThe world has come to end, darkness have come to rule. Humanity's last hope was what they believed God have sent. But as the battle between light and darkness unfolds, a terrifying truth begins to surface.
