Chapter 3

986 74 5
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sa isang malawak at masukal na bukid. Nakatago sa likod ng isang damo ang ngayo'y nakaabang na sundalo sa kung ano mang hayop ang salarin sa pagkakapatay sa kanyang mga sundalo.

Ang kumander na namumuno sa isang battalion na ipinadala dito sa probinsya upang tugisin ang di kilalang grupo na pumatay sa halos isang daang sundalo na ipinadala noong nakaraan.

Kasama ang kanyang natitirang lima pang bata pawisan silang natago sa mga damuhan.

"Sir sir... come in sir. May nakikita na ho ba kayo??"

Radyo sa kanya.

"Negative.. wala pa akong nakikitang paparating."

Sagot niya.

"Sir.. nakita mo ba yung mga katawan ng mga kasamahan natin??"

Nanginginig sa takot na tanong ng katabi niyang sundalo.

"Nakita ko... Isang mabangis na hayop siguro."

Sagot niya kahit na sa loob loob niya hindi niya rin alam kung ano ang sumalakay sa kanila.

Papababa na sila kanina ng bundok upang sana bumalik sa campo para sa mga karagdagang supply nang bigla na nagkawatak watak ang kanyang mga sundalo. May kung anong kumuha sa kanila at rinig nila ang mga palahaw ng mga ito. Dahil madilim na wala silang maaninag hanggang sa hindi niya namalayan lilima na lang ang natira sa mga sundalo niya.

"Hindi kaya ay aswang ang nakaengkwentro natin sir??"

Napatingin siya rito.

"Kalokohan yan."

Sagot niya.

"Sir, usap-usapan ang probinsyang ito sir... ilang batalyon na nga ng  mga sundalo ang ipinadala rito ngunit kahit isa sa kanila walang bumabalik. Yung ibang bangkay na nakuha katulad din nung mga nakita nating katawan ng mga kasamahan natin sir. Hindi lang basta hayop ang may gawa nun sir."

Noo'y nanatiling tahimik ang kumander. Ang totoo may parte sa kanyang naniniwala sa sinabi ng kasama niya. Ngunit hindi niya lubos maisip na totoo ito.

Anim na lang sila... at kung nagawa ng hayop na yun na patumabahin ang sobra sa sampu niyang mga sundalo ibig sabihin nanganganib ang buhay nila.

"Radyuhan mo ang iba... Bababa na tayo.. tatakbo tayo hanggang sa makarating tayo ng ilog.  "

Kaagad na sinunod ng sundalo ang utos ng kumander saka sila nag-umpisang umatras palabas ng damuhan habang nakatutok ang mga baril nila sa direksyon kung sila nanggaling.

Sininyasan ng kumander ang limang lumapit sa kanya at huwag hihiwalay.

"Maging alerto kayo."

Saad ng kumander.

Strange Creatures Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon