Chapter 2

1.1K 81 2
                                    

Kinabukasan....

Maaga akong gumising siguro mga alas kwatro pa lang. Nagsuot ako ng jacket at ng jogging pants saka ako nagsimulang tumakbo papunta sa bahay ni Lola.

Dala ko ang isang plastic bag na naglalaman ng iba't-ibang klase ng tsokolate na binili ko kahapon.

Medyo malayo din ang bahay dito ni Lola.

Nang makarating ako ay kaagad akong tumungo sa likurang banda ng bahay. Nakatayo ako sa harapan ng isang nakaumbok na lupa. Halos kasing tangkad ko lang ito na napapaligiran ng mga halaman na namumulaklak.

"Anong kailangan mo kaibigan?"

Napangiti ako sa kanya. Siya ang kaibigan kong si Jude. Halos kasing liit lang siya ng isang anim na buwang sanggol pero magkaedad lang talaga kami.

"Gusto lang kitang makita Jude."

Sabi ko tsaka inilapag ang dala ko sa paanan ng kanyang bahay na lupa.

Kaagad siyang tumalon mula sa tuktok ng kanyang bahay tsaka naupo habang kumakain ng tsokolateng dala ko.

Naupo na rin ako sa harap niya.

"Diretsuhin mo na lang ako, anong kailangan mo?"

Nakangiti niyang tanong kaya naman napakamot ako sa ulo ko.

"Ang totoo kailangan ko ng tulong mo. May estudyante sa eskwelahan. Sa tingin ko iniengkanto siya."

Sabi ko saka siya napatango.

"Paano mo nasabing engkanto?"

Tanong niya.

"Wala sa sarili siyang naglalakad habang kinakausap ang isang puno."

Sagot ko.

"Hmm.. hindi lahat nang naeengkanto ganun ehh."

Sabi niya habang nakapalumbaba.

"Anong gagawin ko?"

Tanong ko.

"May pasok ka ngayon hindi ba?"

Tanong niya saka ako tumayo.

"Sa tingin ko nasa ika huling estado na siya ng pang-aakit. Ngayong araw mismo kukunin na siya ng kung ano man yun. Pumunta ka sa mismong puno mamaya at banggitin mo lang ang mga katagang ito..."

"Jude, Jude, gwapong Jude. Lumitaw ka."

Napataas kilay ako sa sinabi niya.

"Pakiusap wag mo akong piliting magsinungaling."

Binato niya naman ako ng maliit na bato.

"Wala ka namang magagawa. Kailangan mo ang tulong ko hindi ba?"

Sabi niya habang nakapamewang.

"Kahit na labag sa kalooban ko. Sige."

Sabi ko.

Isang dwende si Jude. Nakilala ko siya noong katorse anyos pa lang ako. Nagwawalis ako noon dito sa bakuran ni Lola nang makita ko siya. Patalon talon siya sa mga tanim ni Lola habang sinasabuyan niya ito ng mga pampataba.

Nang makita niya ako sobrang nagulat siya. Sabi niya pa muntik na raw siyang atakihin sa puso. Akala niya raw magtatatalon ako habang sumisigaw pero nakipagngiti ako sa kanya bagay na ikinamangha niya.

Sa tana ng buhay niya raw kasi kahit kailan hindi pa siya nakatagpo ng tao na hindi takot sa kanya. Muntik niya pa raw akong gawing asawa niya pero naisip niya. Minsan lang siyang makahanap ng tulad sa akin kaya simula nun kinaibigan niya ako. Si Jude ay yung tinatawag nating puting duwende. Nagdadala siya ng proteksyon at suwerte sa bahay. At dahil mahilig siya sa halaman tinutulungan niya raw si Lolang payabungin at gawing malulusog ang mga halaman nito. Kaya pala kahit na hindi namin maalagaan masyado ang mga tanim kusa lang silang namumunga at yumayabong.

Strange Creatures Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon