Trenta minuto rin siguro ang inabot ng aming byahe. Narating namin ang isang bahay na nakatago sa dulo ng gubat.
Kung aakalain mo ay mukha na siyang abandunado na aking pinagtataka.
Ngunit nang makababa na kami ay nakita ko ang malamlam na ilaw na nangamgagaling mula sa loob nito.
Nakasunod lamang ako sa dalawa hanggang sa makapasok kami sa bahay at bumungad sa akin ang walang lamang bahay na tanging gasera lamang ang nagbibigay ilaw.
Maya maya pa'y binuksan ni Tarrah ang isang pinto na merong madilim at paibabang hagdan.
Habang pababa kami ay di maiwasang mapangiwi ako sa pagngitngit ng hagdan na sa kalumaan na ay maaring magiba sa kahit anumang oras.
Napahinga na lamang ako ng malalim nang makababa na kami at muling pumasok sa isa pang pinto na di tulad sa nauna ay merong hagdang semento at may ilaw sa gilid.
Mukhang bagong gawa at may pintura pa.
Gusto ko sanang magtanong kaso medyo inaantok na ako kaya't nanatili na lamang akong tahimik.
Bumungad sa akin ang napakalawak na kwarto na punong puno ng magagarang parapernalya na ginagamit ng mga doktor sa isang hospital.
At mula sa upuan, sopistikadang lumingon sa amin ang ate na kaagad namang tumayo at sinalubong kami.
"Buti nakarating kayo."
Lalapit na sana siya upang yakapin ako nang hilahin siya ni Tarrah at saka ito umiling.
"Off limits sya ate."
Saway nito.
"Ay??? Bakit?? Ayaw mo?? Wag mo namang ipagdamot yung girlfriend mo sakin Tarrah."
"Ate hindi ko nga sya girlfriend, well I wish... pero hindi pwede."
Napatingala na lamang ako sa kisame saka inabala ang sarili ko sa pagtingin tingin sa paligid at mga magagarang kagamitan sa loob ng kwarto.
"Mabuti naman at napaunlakan niyo ang aking imbitasyon, gusto ko lang sanang ipakita sa inyo ang laboratoryo ko."
"Kinagagalak naman naming makita ka at makita ang laboratoryo mo Trina. Pero bakit??? Ano ang kinalaman namin dito sa lugar na to??"
Tanong ni Mang Rigor.
"Maupo muna kayo."
*****
"Naalala niyo yung lugar kung saan niyo ako natagpuan??? Naniniwala ako na hindi lang iyon basta hideout."
"Isa rin 'yong laboratoryo kung saan isinasagawa ni Danica ang pagko- cross breed ng tao sa aswang o sa kahit na anong klase ng halimaw. Yung mga nakaengkwentro ninyo nung gabing yun, sila ang naging resulta."
"Tinawag niya itong Ethiopian Rabies, rabies na nakuha niya sa isang lobo na nanggaling pa sa bansang Ethiopia, Africa."
"Rabies?? Posible ba yun??"
Tanong ni Tarrah.
"Hindi ba't nakakamatay yun kapag napunta sa tao??"
Dagdag pa ni Mang Rigor.
"Tingnan niyo to."
Binuksan niya ang computer kung saan pinapakita ang microscopic view ng kung anong bagay.
BINABASA MO ANG
Strange Creatures
FantasyThe world has come to end, darkness have come to rule. Humanity's last hope was what they believed God have sent. But as the battle between light and darkness unfolds, a terrifying truth begins to surface.
