Pagkatapos nga ng aming pag- uusap ay napagpasyahan nga nilang ipaalam sa lahat ang aming plano.
Pinagtipon nila ang lahat sa iisang lugar at doon na nagsalita sa harap nila si Syd.
"Hindi namin kakayanin ito mag- isa kaya't kakailanganin namin ang tulong niyo."
Saglit namang nagbulungan ang mga tao at maya maya lamang ay tumayo ang security guard at nagtaas mg kanyang kamay.
"Ako ho, tutulong po ako."
"Kuya, marunong ka bang gumamit ng baril?"
Tanong naman ni Syd rito saka ito tumango.
"Kung ganun po, kailangan niyo pong magpaiwan rito. Kayo na lang po ang aasahan namin sa pagbabantay."
Saad ni Syd.
"Ako po, gusto ko pong sumama..."
Taas ang kamay ng lalake at pagkatapos niya ay sumunod na rin ang iba.
Nahati sila sa dalawang kupunan at ang iba ay mananatili ng clinic upang masigurado ang siguridad ng mga taong nasa loob.
Nang makompleto ang mga sasama sa amin ay muli kaming nag- usap usap upang ipaalam sa kanila ang plano.
"Amaya, sigurado ka bang sasama ka sa kanila??"
Tanong sa akin ni Mama.
"Opo, kailangan po..."
Sagot ko at kita ko ang pagbuntong hininga niya.
"Huwag ho kayong mag-alala, mag-iingat ako."
Pagkatapos ng kanilang pag- uusap ay nagpasya na kaming magpahinga muna at bukas ng umaga kami lalabas dahil masyadong delikado kapag gabi.
Isa pa, kailangan kong makita ang sitwasyon sa labas.
Iniisip ko pa kung ano na bang nangyari kay Tarrah at sa pamilya niya.
Ganun rin sina Mang Rigor, ate Trina at Krisha.
Sa kakaisip ko hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako at nagising na lamang sa marahang pagyugyog sa akin ni Mama.
"Anak... gising na... umaga na."
Kaagad naman akong napaupo saka nagpalinga linga sa paligid at nakitang naghahanda na ang iba.
Inabutan ako ni Mama ng isang bote ng tubig at biscuit.
"Mag- agahan ka muna."
Pagkatapos ko ngang kumain ay tumayo na ako at nagtungo sa banyo upang maghilamos.
Nang matapos ako ay muli na akong lumabas at kinuha ang aking patalim na binalot ko pa sa tela.
Lumapit ako sa grupo nila at nadatnan silang gumagawa ng kanya kanya nilang armas.
Ang iba ay pinatalim lamang na tubo ng stand ng dextrose ang gamit.
Si Fred naman ay may hawak hawak na palakol na nakita kong nasa loob ng isang salaming katabi ng fire hose sa dingding.
"Amaya, ayos ba?? Pwede na ba to???"
Baling niya sa akin at ganun na rin ang iba.
"Oo, pero mas maigi yan kung sa leeg o sa ulo niyo itatama."
Sagot ko saka sila nagsitango.
Maya maya nga ay tinawag na kami ni Syd at saka kami nagtipon malapit sa pinto.
Bale lima kaming magkakasama sa sasakyan, isang magmamaneho, si Darwin, tatlo pang kalalakihan at si Jane.
Sinama namin siya upang tulungan akong magdala ng mga kakailanganin galing sa grocery store.
BINABASA MO ANG
Strange Creatures
FantasyThe world has come to end, darkness have come to rule. Humanity's last hope was what they believed God have sent. But as the battle between light and darkness unfolds, a terrifying truth begins to surface.
