Chapter 23

243 24 8
                                        

Nangangawit na ang aking mga kamay sa paghawak sa aking patalim ngunit sa dami nila parang hindi ata sila nababawasan.

Nagawa naming huwag maghiwalay ngunit sa bilis at lakas nila ay paminsan minsan tumatalsik ako at si Mang Rigor.

"Bata sa taas!!! '

Tumingala ako saka yumuko nang makita ang pagbulusok sa akin ng isa saka ako gumulong sa lupa upang hindi ako madakit nito.

Sinipa ko sa ulo ang isa pang sumubok lumapit sa akin saka ako muling umikot upang muling sipain siya ng paulit-ulit hanggang sa manghina siya at saka ko na ito tinalunan at itinarak ang patalim ko sa leeg niya, saka ito ipinihit hanggang sa maramdaman ko ang pagputol ng kanyang buto rito.

Tumilansik sa akin ang dugo nito saka ako napangiwi at idinura ang konting dugo na napunta sa bibig ko.

"Tang--"

"AMAYA SA LIKOD MO!!!! "

Napalingon ako sa aking likuran ngunit huli na nang magawa akong dagitin ng isa at inilipad ako palabas ng gusali.

Pero dahil sa pagiging handa ko, buti na lamang at meron akong barya sa aking bulsa dahilan kaya hirap siyang ilipad ako sa taas.

Kung di niyo alam, ito ay pangontra laban sa mga mandaragit. Sa di malamang dahilan ay nabibigatan sila rito. Lalo na kung ito ay isang sentimo.

Bahagya pang sumasayad ang paa ko sa lupa kaya naman alam kong hindi pa kami gaanong kataas.

Nang makahanap ng tyempo ay inabot ko ang langis na kanina ay isinuksok ko sa aking medyas saka ko binasag sa paa nitong nakakapit sa balikat ko.

Sa higpit ba naman kasi ng pagkaka kapit niya ay ramdam ko ang kuko niyang tumutusok sa balat ko.

Humiyaw siya sa sakit nang dahil sa pagkakapaso at doon niya na ako nabitawan.

Nagpagulong- gulong ako sa lupa at kahit masakit ang pagkakapbagsak ko ay dali dali akong tumayo saka hinanap ang pinaghulugan ng aking patalim.

Kita ko ang dalawa pang aswang na lumilipad papunta sa akin saka ako tumakbo upang subukang makuha patalim ngunit sa layo nito ay naabutan nila ako.

Muli nanaman akong lumipad sa ere at di tulad kanina, dalawa na silang nag-aagawan sa akin.

Bigla kong naramandaman ang paghapdi ng peklat ko ngunit nabalewala ito ng isipan ko nag dahil sa kalagayan ko ngayon.

Para silang aso na nag-aagawan sa kanilang pagkain.

Napairap na lamang ako habang nakalambitin, nahihilo na rin ako at kahit magpumiglas pa ay di ko magagawang makawala.

Mauubos lamang ang lakas ko.

Pero nagulat ako nang may biglang bumangga sa dalawang aso.

Ang huling nakita ko na lang ay ang pakakawarak warak ng katawan nilang nagsikalat sa ere.

Napapikit na lamang ako ng aking mga mata habang mabilis akong bumulusok sa ere pababa. Sunod ang pagyakap sa akin ng mga braso hanggang sa bumagsak kami sa lupa.

Bukod sa sinadya niyang umilalim sa akin ay mahigpit rin ang yakap niya sa aking katawan dahilan upang ang pagbagsak lamang ang aking naramdaman at hindi ang sakit.

Nang tumigil kami sa paggulong ay kaagad kong itinukod ang dalawa kong kamay sa lupa saka tiningnan kung sino ang nasa ilalim ko.

At doon na bumilis ang kabog ng dibdib ko.

Hindi ako makapaniwalang nakatitig ako sa kanyang mga matang ngayon ay nasisinagan ng liwanag ng buwan.

"V-Victoria????? "

Strange Creatures Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon