Tumalon mula sa itaas ng puno ang mga mala asong nilalang at nag- umpisang sugurin kami.
Gamit ang aking bolo na pinahiran ko ng langis ay iwinawasiwas ko ito sa kung sino mang magtangkang lumapit sa akin.
Rinig ko ang pagtakbo nila sa maputik na talahib at nang may lumitaw bigla sa mataas na talahib ay umilag ako saka siniguradong tatama sa leeg niya ang patalim na hawak ko.
Umuusok ang sugat nito sa leeg na bumagsak sa harap ko saka ko ito muling tinaga sa leeg nito hanggang sa maghiwalay na ang ulo niya sa kanyang katawan.
Hinanap ng mata ko Victoria na nilipad ang isa sa kanila at saka ibinagsak sa isang puno dahilan upang masaksak ito ng nabaling sanga.
Muli akong yumuko nang makita ang lalake sa palengke na patungo sa kinaroroonan ko.
Ilang beses akong umilag sa bawat paghawi niya ng matatalim niyang kuko at malalaking bisig.
At nang masangga ito ng isa kong braso ay ihinawi ko ang hawak kong bolo sa kanyang dibdib saka siya sinipa palayo sa akin.
Ako naman ang tumalon sa ibabaw niya saka hinawakan ng dalawang kamay ang aking bolo upang maisaksak sa kanya.
Ngunit napigilan niya ang aking braso saka niya ako tinapon paalis sa ibabaw niya.
Nagpagulong gulong ako sa maputik na tubig na hanggang talampakan lamang saka muling tumakbo patungo sa kanya nang muli akong tumilapon sa pagkakabangga ng isa pa sa kasamahan niya, kaya ngayon ay dalawa na silang pumapaikot ikot sa akin.
Unang sumugod ang kasama niya mula sa ilalim at siya naman ay mula sa itaas, kaya naman tumakbo ako palayo sa kanila at patungo sa malaking punong kahoy.
Isang malaking hakbang ang ginawa ko saka tumakbo sa puno upang makaiwas sa aswang na humahabol sa akin sa ibaba, at mala akrobatikong pumaikot sa ere at sinipa ang ulo ng lalake.
Bumangga sa malaking puno ang kasamahan niya habang siya ay malakas na bumagsak sa lupa.
Ginamit ko na ang pagkakataong yun upang bumagsak sa likuran niya, hawak ang kanyang buhok ay itiningala ko siya saka iginilit ang patalim sa kanyang leeg.
Bumaba ako mula sa ibabaw nilang ngayon ay parehong wala nang buhay at magkapatong sa ilalim ng puno.
At upang masigurado ngang patay na ang nasa ilalim niya ay sinipa ko siya paalis sa ibabaw nito saka ito sunod namang ginilitan na parang baboy.
Napalinga ako sa paligid saka tumambad sakin ang mga pira pirasong katawan ng mga kasamahan nila.
Kung maliwanag lamang ay siguradong kitang kita ang mga dugong nagkalat sa putikan.
Nagulat ako nang bumagsak sa harap ko ang kalahati ng katawan ng isa pa at kasunod na roon si Victoria na balot ng dugo ang mga kamay ngunit wala man lang kahit na anong mantsang makikita sa suot niya kulay puting kamesita.
Napapitlag ako nang itaas niya ang kanyang kamay saka ito inilahad sa harap ko na akin namang ikinalulugod na tinanggap.
Tinuro ko siya sa bahay ng lola upang doon maglinis.
Pinaghugas ko siya ng kamay saka na ako nagpalit ng damit at kumuha ng basang tela upang punasan ang mukha niyang may ilang talsik ng dugo.
Tanging ilaw ng lampara lamang ang nagbibigay ng liwanag sa buong bahay ngunit malinaw sa akin ang bawat pagsunod ng kanyang mga mata sa aking mga kilos.
"Wala na ba talaga akong magagawa sa pagiging mapusok mo??"
Hindi gaya dati, mababa ang tono ng boses niya at kalmado.
BINABASA MO ANG
Strange Creatures
FantasyThe world has come to end, darkness have come to rule. Humanity's last hope was what they believed God have sent. But as the battle between light and darkness unfolds, a terrifying truth begins to surface.
