Trina
Nakatitig ako sa kaibigan ni Amaya na ngayon ay gising na at takot na nakasiksik sa sulok.
Inaamin ko na bumalik ang takot ko kanina nung nakita ko siya, naalala ko yung panahong kinuha ako nina Danica.
Pero nung nakita ko kung paano siya kumilos ay nawala rin naman, tao pa rin siya na may katawang halimaw.
Hinila ko ang aking upuan palapit sa kanya saka nagsindi ng sigarilyo at naupo sa harap niya.
"Hindi ka pa yata kumakain."
Alam ko dahil wala akong naaamoy na dugo ng tao sa kanya at yun rin siguro ang dahilan kung bakit nasa matinong pag- iisip pa siya.
Siguro ay tinitiis niya lang ang gutom.
"M-Maya..."
Hirap niyang sabi at kanina niya pa binabanggit ang pangalan ni Amaya.
"Huwag kang mag- alala, bukas pupunta siya... kailangan niya lang munang umuwi."
Sabi ko.
"Matagal na ba kayong magkaibigan ni Amaya?"
Kita ko naman ang pagtango nito.
Di ko alam pero, nasisiyahan akong kahit papano ay naiiintindihan niya ako.
Dahil madalas ako ritong mag- isa.
Sanay naman ako, kaso minsan eh nababagot rin ako.
"Kailangan kong pag- aralan ang dugo mo, upang makagawa ako ng gamot na makakapagbalik sayo sa dati."
"At kailangan ko ring pag- aralan ito dahil sa importanteng bagay."
Saad ko
Napangiti ako nang walang pag- aalinglangan niyang itinaas ang kanyang kamay.
"Ang dali mo namang kausap, mamaya na natin gawin yun."
"Sa ngayon lalabas tayo dahil kailangan mong kumain."
Pagkasabi ko nun ay kaagad siyang napaatras at tumalikod na parang bata.
"Hindi mo naman kailangang kumain ng tao, tuturuan kitang maghanap ng makakain mong hayop."
Sabi ko saka hinubad ang aking lab coat.
Masama ako nitong tinitigan saka tumingin sa ibang direksyon.
"Isa rin akong aswang, kaya't alam ko ang nararamdaman mo."
Sabi ko at dahil doon ay napatingin siya sa akin.
"Halika, kailangan mong kumain kung hindi mamamatay ka."
Sabi ko saka ako naglakad palabas ng operating room.
Akala ko ay magmamatigas pa siya ngunit naglakad rin naman siya palabas ng silid saka sumunod sa akin.
Tinahak namin ang hagdan pataas, palabas ng bahay at nang tuluyan na kaming makalabas ay pinakita ko na sa kanya ang tunay kong anyo.
Di tulad sa ibang aswang, katawang tao pa rin naman kami. Ngunit ang tenga namin ay nagmimistulang sa paniki na at nagkakaroon kami ng malalaking pangil na ihahalintulad rin sa paniki.
Humaba ang aking mga kuko at ang biyas ko ay naging baluktot.
Kita ko ang bahagya niyang pag- atras na tila ay natakot sa nakikita niya ngayon.
"Uy, mas pangit ka pa sa akin ah."
Pagbibiro ko.
"Sundan mo ako..."
Sabi ko sa kanya saka ako bumwelo bago talunin ang malalaking puno papasok ng madilim at masukal na gubat.
Kita ko ang pagtubo ng kanyang pakpak saka mabilis na lumipad at sumunod sa akin.
Rinig na rinig ko ang bawat paghampas ng kanyang pakpak sa hangin at napangiti dahil ito lamang ang unang beses na may makakasama ako sa paghahanap ng pagkain.
Madalas kasi, naghihintay lamang ako sa dala ni Tarrah.
Ewan ko, simula pa pagkabata ay ganun na ang trato sa akin ni Tarrah.
Ayaw niyang nahihirapan ako sa paghahanap kaya't siya ang naghahanap para sa akin.
Maya maya pa ay natanaw ko na sa di kalayuan ang isang baboy ramo kaya't tumigil ako at ganun rin siya.
Lumambitin siya sa sanga ng kahoy kung saan ako nakatayo.
Mabilis akong tumalon patungo sa kinaroroonan nito at hinawakan ang leeg nito't hiniwa gamit ang matalim kong kuko.
Lumapit siya sa akin at nakatitig sa baboy na ngayon ay nag- aagaw buhay na sa harap naming dalawa.
Ngunit imbes na kainin ito ay tinitigan niya lamang ito na aking ikinabuntong hininga.
Kaya't wala na akong nagawa kundi hiwain ang dibdib ng baboy, dahilan upang kumalat ang laman nito saka ko kinuha ang puso nito saka inabot sa kanya.
Iniwas niya ang kanyang ulo sa kamay kong hawak ang mainit- init pang puso ng baboy kaya naman umangil ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"Huwag nang matigas anga ulo mo, kung gusto mong makabalik sa dati kailangan mong kumain dahil kailangan ko ang dugo mo."
"Isa pa, nangako ako kay Amaya na ako ang bahala sayo."
Sabi ko.
Ilang sandali pa ay dahan dahan na siyang lumapit sa kamay ko saka kinagat ang karne.
Parang masama pa sa loob niya habang dahan dahan niya itong kinakain.
Muli akong dumukot sa laman ng baboy at kinuha ang iba pang laman loob nito at binigay sa kanya.
Labag man sa loob niya ay walang reklamo na lamang niya itong tinanggap hanggang sa maubos niya ito.
Pagkatapos niyang kumain ay niyaya ko siyang maligo sa sapa kung saan malapit rito.
Kita ko ang pag- iwas niya ng tingin sa akin nang maghubad ako sa kanyang harap.
"Babae ka rin naman, bakit ka naiilang. "
Natatawa kong sabi sa kanya bago ako lumusong sa hanggang dibdib na tubig.
Habang nakalubong sa tubig ay pasimple ko siyang pinagmasdan.
Nakaupo lamang siya sa gilid at nagpapalinga- linga sa paligid na animo'y nagbabantay at nakikiramdam.
Ano kaya ang hitsura niya kapag tao siya???
Kasing ganda rin kaya siya ni Amaya??
Ang sabi ni Amaya, magkababata sila at magpatid ang turingan kaya't ganun na lamang ang pag-aalala niya rito.
Pero isa lamang ang natitiyak ko, katulad ni Amaya ay siguradong mabuti rin siyang tao.
BINABASA MO ANG
Strange Creatures
FantasyThe world has come to end, darkness have come to rule. Humanity's last hope was what they believed God have sent. But as the battle between light and darkness unfolds, a terrifying truth begins to surface.
