Chapter 34

14 6 0
                                        


Lahat kami ay nakatutok sa harap ng malabong t.v na ngayon ay tanging static lamang ang nakikita.

Nawalan na rin ng signal ang aming mga cellphone at ang huling balitang natanggap namin ay nagbibigay raw ng anunsyo ang pamahalaan alas dose ng gabi.

Ilang minuto rin ang aming hinintay nang lumitaw na ang imahe sa loob ng t.v at doon, nakatayo ang aming Presidente.

"Ito ay isang agarang anunsyo mula sa Pangulo ng Republika."

"May kumpirmadong ulat ng malawakang pag-atake ng mga nilalang na tinatawag na aswang sa ilang lalawigan at lungsod."

"Ang banta ay itinuturing na aktibo at mapanganib.
Inaatasan ang lahat ng mamamayan na manatili sa loob ng kanilang mga tahanan. I-lock ang lahat ng pinto at bintana."

"Pansamantala, kung maaari ay maghanap kayo ng ligtas na lugar hanggang sa maabot kayo ng rescue operation na isasagawa namin sa mas lalong madaling panahon."

" Iwasan ang paglalakbay at huwag lumabas maliban kung may opisyal na utos.
Ang mga pwersa ng pamahalaan ay kasalukuyang naka-deploy. Ang mga evacuation at containment protocol ay ipinatutupad."

Saglit siyang tumigil saka siya tumingin ng diretso sa telibisyon na tila ba ay nakikipag- usap siya sa amin.

"Mga kababayan, ikinalulungkot kong sabihin ito ngunit tayo ay nasa gitna ng gyera ngayon. Hindi ko alam kung saan nagsimula ang lahat, kalahati ng populasyon ang naglaho at inaamin kong hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod pang araw."

"Ganun paman, patnubayan natin ang isa't- isa at huwag nating pababayaang maubos tayo ng mga halimaw na yan."

"Alam ko, hindi tayo pababayaan ng Diyos."

Pagkatapos nun ay bumalik na sa dating static ang t.v at naiwan kaming lahat na tahimik.

"May rescue operation raw? Kung ganun kailangan lang nating maghintay sa kanila."

Saad ng isa sa mga nurse.

"Nasa probinsya tayo, isang isla... bago paman sila makarating rito siguradong patay na tayo."

"Kung hindi tayo kakainin ng mga halimaw sa labas, mamamatay naman tayo sa gutom!"

Rinig naming sambit ng lalakeng muntik nang sumuntok sa matanda kanina.

"Eh anong gusto mong gawin natin????"

Tanong sa kanya ng isang ginang.

Noo'y natahimik siya at napasabunot na lamang sa kanyang buhok.

Nakatayo lamang ako sa may gilid saka nilibot ng aking tingin ang kabuuan ng mga taong nasa loob ng clinic.

Lalake, babae, mga bata at matanda.

Hindi katulad ko ay hindi sila marunong lumaban.

At hindi rin isang ordinaryong aswang ang mga nasa labas. Siguradong mauubos kami kapag sinubukan naming lumaban.

Maya maya ay naramdaman ko ang paghapdi ng palad ko, hudyat na malapit sa akin si Victoria at nang lumingon ako sa dulo ng pasilyo ay nandodoon siya at nakatayo.

Kaya kaagad akong naglakad palapit sa kanya saka kami pumasok sa isang silid na kami lamang dalawa.

Balot na balot siya ng dugo, punit punit na ang kanyang maganda damit at napansin ko na tila siya ay nanghihina.

Kaya't hindi ko mapigilang maluha saka ko siya niyakap.

"Pasensya na, nadadamay ka pa sa kaguluhan. Hindi ka naman dapat kasali eh."

Strange Creatures Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon