Chapter 29

31 5 0
                                        

Papalabas na ako ng palengke lulan ng tricycle na dala ko nang walang ano anong sumulpot sa harap ang walang iba kundi si Mang Rigor kaya naman kaagad kong tinapakan ang preno.

Malawak ang ngiti nitong hinawakan ang unahan ng tricycle saka yumuko sa akin.

"Baliw ka na ata."

Saad ko rito na siya namang tumawa at sinenyasan akong itabi ang tricycle sa banda kung saan kaunti lamang ang tao.

"Bata, kamusta ka?"

"Mabuti naman po, napadaan po kayo.''

Saad ko saka ako bumaba ng tricycle.

"Nakausap ko na ang aming tagapamuno at nais nila kayong makilala..."

"Kayo nina Tarrah at Trina, hindi ko pa nabanggit sa kanila si Victoria."

"Kailan po ba?"

Aking tanong. 

"Ngayon sana, dahil delikado kung gabi tayo pupunta..."

"Tinawagan ko na si Tarrah at papunta na sila sa sinabi kong lokasyon."

Sabi niya saka ako napahinga ng malalim.

"Huwag kang mag- alala, nag- iwan ako ng tao upang bantayan ang pamilya mo. Andun sila sa paligid ng bahay niyo nagmamatyag."

Saad niya saka na ako tumango.

"Hindi tayo magtatagal."

Wala na akong nagawan kundi sumama sa kanya, gamit ang tricycle ay magkasama naming tinungo ang lugar.

Siya na ang pinagmaneho ko dahil siya naman ang nakakaalam kung saan kami pupunta.

Mag- iisang oras rin kaming bumyahe at sa kalagitnaan nga ng aming byahe kanina ay muli kong naramdaman ang paghapdi ng peklat sa aking kamay.

Kusang bumaling ang tingin sa madilim na kakahuyan at hindi ko man siya kita ay alam kong nandodoon siya nagkukubli at nakasunod sa amin.

Nakarating kami sa isang malawak na kakahuyan at pumasok sa isang maliit at mabatong kalsada.

Napapangiwi pa akong sa tuwing yumayanig ang buong tricycle dahil nag- aalala akong masira ito.

Tiyak na pagagalitan ako ng Tita Ines kapag may nasira rito.

Ilang sandali lamang at tumigil siya sa harap ng isang gawa sa kawayang gate na dalawang tao ata ang taas.

Iginarahe niya ang tricycle sa gilid nito saka na kami bumaba at siya nama'y kumatok ng tatlong beses rito na kaagad namang bumukas.

Sumalubong sa amin ang dalawang lalake saka sila napatingin sa akin.

"Nasa loob na yung dalawa, siya ba?"

Tukoy ng isa sa akin na mukhang kaedaran ko lamang at ang isa nama'y parang kamukha niya ngunit mukhang may edad na.

Sa tingin ko ay magkapatid sila.

"Amaya, siya pala sina Anthony at Henry... magkapatid sila at kasapi ng aming hukbo na lumalaban sa mga aswang."

Napatango naman ako sa kanila ngunit napaatras ako nang akma na sanang makikipagkamay sa akin ni Anthony.

Kaagad nawala ang ngiti sa mukha niya nang dahil doon.

"Huwag ka kasing hahawak bigla Anthony."

Saway ng kanyang kuya na siya namang napanamot na lamang sa kanyang batok.

"Pasensya ka na sa aking kapatid, halika na at naghihintay na sila sa loob."

Hindi naman sa ayaw kong magpahawak, iniiwasan ko lamang ang maaaring mangyari.

Strange Creatures Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon