Sa loob ng isang malaking kwarto nagpupulong ang grupo ng mga kalalakihan at kababaihan.
"Dumadami na ang bilang ng mga biktima ng mga halimaw na yan. Sa sobrang dami nila ni hindi natin alam kung saan tayo maghahanap."
Saad ni Marko na isa sa mga kasapi ng samahan.
"Hindi lang mga aswang... pati rin ang mga demonyo at mga bampira.. mga lamang lupa.. lahat sila nagsisilitawan na.."
Dagdag pa ng isa.
"Nalalapit na nga ang digmaan sa pagitan ng dilim at liwanag... pero hanggang ngayon hindi pa natin mahanap ang itinakdang babaylan."
Saad ni Kristy na kaisa rin.
"Pinuno... kailangan na nating magmadali bago pa mahuli ang lahat."
Saad ni Moises.
Noo'y napabuntong hininga ang matandang pinuno habang nag-iisip.
"Alam ko ang nararamdaman ninyo. Ako man ay naiinip na... pero hindi natin alam kung papaano natin mahahanap ang babaylan. Kaya sa ngayon sa tingin ko mas mainam na pagtuunan natin ng pansin ang paghahanap sa babaylan."
"Anong ibig mong sabihin pinuno??"
Tanong ng isa.
"Hahayaan muna natin ang mga nilalang sa mga gawain nila ngayon at saka na natin sila pagtuunan ng pansin kapag nahanap na natin ang babaylan."
Natapos ang pagpupulong. Nakatayo ang matandang pinuno sa harap ng isang malaking tela na nakasabit sa pader kung saan nakaguhit ang mga palatandaan sa babaylang hinahanap nila.
Makikita sa imahe ang katawan na nahahati sa itim at puti. May hawak na espada at libro. Hindi matukoy kung ito ba ay babae o lalaki. Pwede ring matanda o bata. Ilang taon na ang ginugol niya sa paghahanap ngunit literal na pumuti na nga ang buhok niya pero bigo parin siya.
Kaya minsan hindi niya mapigilang mag-isip. Papaano kaya kung wala naman talagang babaylan? papano kung wala talagang tagapagligtas? papano kung wala naman talagang ipinadala ang diyos na magsisilibi nilang ilaw sa kadiliman?
Ngunit sa tuwing maiisip niya ang mga bagay na yun nagdadasal na lamang siya upang himingi ng lakas ng loob at pag-asa upang maniwala siyang may pag-asa pa ang sangkatauhan.
Napukaw ang pag-iisip ng matanda nang makarinig ng katok sa kanyang pinto.
"Pasok."
Saka niluwa nun si Moises na may dalang folder na may lamang mga papel.
"Pinuno..."
Naupo ang matanda saka inayang magtsaa ang binata.
"May nahanap ho akong bagong recruit... dati ho siyang sundalo na nakaenkwentro ng grupo ng mga aswang sa Minadanao.. sa tingin ko malaking tulong siya... at nasabi niya ring may isasama pa siyang isa na kasamahan niya."
Tumango naman ang matanda.
"Sigurado na ba ang pagsapi niya? hindi ba siya nagdadalawang isip?"
Tanong niya.
"Opo pinuno... siya mismo ang lumapit sa akin upang magpagawa sana ng pangontra at doon nga niya naikwento sa kin ang nangyari."
"Isama mo siya bukas... sadyang nangangailangan pa tayo ng mga karagdagang kasapi lalo na kapag dumating na araw."
"Opo.. tatawagan ko siya ngayon."
Noon nga'y nagpaalam muna ang binata.
Kinabukasan...
"Pinuno? nandito na sila."
Pumasok ang dalawang lalaki na sa pangangatawan at tindig pa lang mahahalata mo nang sundalo nga.
"Magandang araw... Maupo kayo."
Masiglang pagbati ng matanda.
Tumango lamang ang dalawa.
"Ako nga pala si Gorio.. Pero mas madalas nila akong tawaging Pinuno."
Nakipagkamay siya dalawa na malugod naman nilang tinaggap.
"Norman po... at ito naman po si sir Rigor.. siya po ang namuno sa amin noon nang ipadala kami sa Mindanao."
"Magandang araw po."
Bati rin ni Rigor.
"Kung ganun nakasalubong niyo na ang mga taong dilim?"
Makahulugang tanong ng Pinuno. Noo'y tumango ang dating sarhento saka niya kinuwento ang buong pangyayari.
"Inubos nila ang mga sundalo ko... hindi kami papayag na hindi namin mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nila."
Saad nito habang galit na nakakuyom ang mga kamao.
"Kung ganun tama ang naging desisyon niyo sa pagsali sa samahan namin. Malaki rin ang maitutulong ninyo sa amin gayong bihasa kayo pagdating sa mga armas at pakikipaglaban... Maari niyo ba kaming tulungan upang mas mapabuti ang kakayanang makipaglaban ang ating mga kasapi??"
Nagkatinginan naman ang dalawa saka sila parehong tumango.
"Wala ba kaming magiging inisisasyon?"
Tanong ni Norman.
"Wala namang ganun.. basta bukal sa loob niyo ang sumapi sa grupo. Hindi namin aangkinin ang inyong oras. Malaya kayong mamili kung anong oras kayo paparoon dito at kung kailan niyo gustong sumama sa mga lakad ng samahan... at gusto ko lang ipaalam sa inyo na hindi libre ang serbisyo ninyo."
Napakunot noo naman ang dalawa.
"Ano pong ibig sabihin niyo pinuno??"
Tanong ni Norman.
"Sa bawat araw na nandito kayo ay may kabayaran kayo... allowance para sa inyo at sa pamilya ninyo."
Noo'y namangha ang dalawa.
"Pero may pakiusap ako sa inyo..."
Sabi ng matanda.
"Ano po iyon pinuno??"
tanong ni Norman.
"Kung mag kakilala kayo na interesadong sumapi pwede niyo silang imbitahan... nangangailangan tayo ng karagdagang tao bilang paghahanda sa darating na delubyo."
Napatango naman ang dalawa.
Hindi na kailangang ipaliwanag ng Pinuno ang tungkol sa digmaan sa pagitan ng kadiliman at liwanag dahil alam niyang naiinporma na ni Moises.
BINABASA MO ANG
Strange Creatures
FantasyThe world has come to end, darkness have come to rule. Humanity's last hope was what they believed God have sent. But as the battle between light and darkness unfolds, a terrifying truth begins to surface.
