Chapter 9

498 60 10
                                    

Ilang araw na ang lumipas simula nung gabing nakasalubong ko sa gubat ang babaeng bampirang yun.

Nakatitig lang ako sa markang nakaukit sa pulsuhan ko. May mga oras nga na bigla na lang itong kumikirot sa di ko malamang dahilan. Pero ipinasawalang bahala ko na lang ito dahil ang sabi niya proteksyon raw ito.

Napapaisip ako kung para saan at kung bakit? Pero siguro malalaman ko rin kapag nakita ko siyang muli.

Nakatunganga lang ako dito sa kwarto ko at walang magawa. Natapos ko na din ang lahat ng gawaing bahay.

Wala si Mama dahil nasa palengke pinamimili yung mga gulay na pinitas niya.

Ngunit nabasag ang katahimikan nang marinig ko ang boses ng bestfriend ko.

"Amaya!!!!! Nasan ka??? "

Kaya naman tumayo na ako at tamad na tinungo ang sala kung nasaan siya.

Bumungad sa akin ang nakaswim suit at shorts na si Krisha at may hawak pang salbabida.

Saglit kong inaral ang kabuuan niya saka nagtatanong na tumingin sa kanya.

"Sexy ko diba? Hahahaha tara dun tayo sa falls!"

Umiling naman ako saka naupo sa sofa at ikinulong ang sarili ko sa aking mga binti.

"Ayoko tinatamad ako."

Sagot ko habang nginunguya ang gilid ng aking bibig.

"Maya naman ehh! Lika na... Papakilala kita dun sa mga pinsan kong taga maynila!"

"Ayoko. Mamaya lunurin mo nanaman ako."

Natawa naman siya saka niya ako tinapik.

Naligo na rin kasi kami doon dati at dinaganan niya ako kaya muntik na akong malunod.

"Di mo pa ba nalilimutan yun? Hahahaha ang tagal na nun ehh. Sige na Maya oh... Minsan lang ako mangulit eh."

Napatingin naman ako sa kanyang mukhang nagmamakaawa saka ako napahinga ng malalim sa katotohanang di ko siya kayang tanggihan.

"Magpapalit lang ako."

Kaagad niya naman akong hinalikan sa pisngi na ikiningiwi ko.

"Kadiri ka."

Sabi ko bago tumayo at tinungo ang silid ko. Iniwan ko siyang tumatawa habang ako ay umiiling sa kakulitan niya.

Nagpalit na lang ako ng short at t-shirt saka na ako lumabas.

"Lika na." yaya niya saka niya ako hinila palabas.

Pero bago pa tuluyang makalabas ay ipinatong ko sa balikat niya ang tuwalyang bitbit ko paglabas ng kwarto ko kanina.

Nakatingin siya sa akin habang papasampa ako ng aking bisekleta.

"Maya naman ehh."

Reklamo niya pero walang imik lang ako habang hinihintay siyang maupo sa harapan ko.

Mabilis ang papatakbo ko at pareho kaming tumatawa. Ngayon ko lang naalalang matagal na palang panahon simula nung ginawa namin to.

Binaybay namin ang papaitaas na kalsada na patungo sa falls at habang papataas ay unti unti ko nang nararamdaman ang bigat ni Abby.

"Kris, ang bigat mo."

Reklamo ko kaya napilitan kong itinigil ang bisekleta saka siya bumaba.

"Haha dami ko kasing kinain kanina. Maglakad na lang tayo."   

Habang naglalakad sa mabatong kalsada sa gitna ng kagubatan ay walang ano anong muli kong naamoy ang napakabagong amoy niya

Strange Creatures Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon