Chapter 28

64 11 0
                                        


Dalawang araw makapalipas ang pag- alis ni Krisha, mukhang seryoso nga siya sa pagsali sa hukbong sandatahan.

Wala na kaming nagawa kundi panoorin siyang sumakay sa truck ng mga sundalong nagsusundo sa mga bagong recruit.

Umiiyak ang kanyang Ina at Lola at wala na akong ibang nagawa kundi yakapin at patahanin sila dahil hindi na rin naman magbabago ang naging desisyon ni Krisha.

Sa lumalalang problemang dulot ng mga aswang sa tao ay talagang kailangan nila ng tulong galing sa amin.

Karamihan sa amin ay nagsitigil na sa pag- aaral at nanatili na lamang sa bahay kung saan kami ligtas at yung iba naman ay katulad rin ni Krisha na nagsakripisyo para sa kani- kanilang pamilya.

Bawat sulok ng lugar ay may nakabantay na mga sundalo at mahigpit mang pinagbabawal ang paglabas kapag gabi.

Yung iba na walang magandang bahay ay nakikitira muna sa mga magagandang loob na handang magpatuloy sa kanilang maganda at konkretong bahay.

Pasalamat rin kami at kahit papano ay ligtas naman kami sa bahay nina Krisha dahil gawa rin ito sa semento.

Isa pa, naglagay na rin ako ng mga pangontra sa paligid. Makakalapit sila ngunit hinding hindi nila ito magagawang pasukin.

Sa pamamagitan ni Mama ay nagpaabot na rin ako ng pangontra sa mga kalapit naming bahay.

Dahil alam nilang ako ang nagmana sa kakayahang pang- albularyo ni Lola ay madali lamang silang sumunod.

Ang lahat ay naglagay ng karagdagang siguridad sa paligid ng kanilang bahay.

Kanya kanyang diskarte na lamang upang masiguradong sa oras ng aming pagtulog sa gabi ay magiging ligtas kami.

Araw araw kaming nakikinig sa radyo at balita, nag- aabang sa susunod na hakbang ng gobyerno.

Ang huling rinig ko ay kasalukuyan nilang pinag- aaralan ang pagbibigay ng bakuna sa mga tao.

Hindi nito mapoprotektahan ang tao laban sa aswang ngunit nagtataglay raw ito ng lason na maaaring makapatay sa aswang.

Ngunit napapaisip ako, dahil kailangan mo pa ring masaktan upang malason ang aswang.

Walang kasiguraduhan na mabubuhay ka pa sa isang kagat at kalmot lang. Sa oras na mamatay ang aswang ay wakwak na rin ang buo mong katawan at siguradong nagkalat na ang iyong laman.

Wala na ba talagang paraan upang maprotektahan ang mga tao??

Ito na lang ba ang naiisip nilang paraan?

Buhay para sa buhay?

****

Isang linggo matapos ang balita, nagkaroon na ng anunsyo sa bawat baranggay. Ang pagkakaroon ng malawakang pagpapaturok ng bakuna.

Syempre, marami ang pumayag. Dahil sabi nila, wala naman itong masamang dulot sa tao, kung sakaling isa sa kanila ang di palarin at maging pain sa gutom na aswang ay kinalukugod raw nilang magsakripisyo, kung ang kapalit naman nito ay mababawasan ang mga halimaw sa paligid.

"Amaya? Hinihingi na ng kapitan ang listahan ng pangalan sa ating pamilya para sa bakuna bukas."

Saad sa akin ni Tita.

"Hindi ko po alam, pwede po bang huwag muna? Hindi natin alam kung ano ang bakunang iyon. "

Sagot ko.

"Ang sabi nila, wala naman raw epekto iyon sa tao."

Ganun ring sabi ni Mama.

"Pasensya na po, pero hindi po ako papayag muna na magpaturok ang isa sa atin. Gusto ko munang masiguradong ligtas ang bakunang yun."

Strange Creatures Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon