Chapter 33

20 6 0
                                        







Bumagsak kami ni Victoria sa mismong bubong ng aming bahay ngunit kaagad napukaw ang aming atensyon nang makarinig kami ng sigawan sa mga kalapit na bahay.

Kasunod noon ang biglang pag alinsangan ng paligid pati na ang pag alingasaw ng amoy ng dugo at nabubulok na hayop.


Kaagad kaming nagkatinginang dalawa at nang kami ay bumaba ay sinalubong kami ng mga nagtatakbuhang tao.

Madilim ang paligid at tanging sigawan lamang ang naririnig.

Noo'y natanaw ko ang isa sa aming mga kapitbahay saka ko siya hinarang.

Takot na takot ang mukha nito at balot ng dugo ang suot na damit.

Umiiyak siyang nadapa pa sa harap namin at balisang pilit na nagsasalita. 

"Anong nangyayari???"


"Amaya??? Pumasok na kayo sa loob!!! Pumasok na kayo!!! Sina mama, sina mama!!"

Maya maya ay pareho kaming nagulat nang may kung anong bumangga sa kawayang bakod ng katabi naming bahay at doon lumitaw ang isang halimaw, katulad ito ni Krisha.

Ngunit ang isang to ay para nang asong ulol na naglalaway at kaagad na sumugod sa amin kaya naman kaagad na akong tumakbo hila hila sa kanyang damit ang aking kapitbahay papasok ng bahay habang si Victoria ay nilipad ang halimaw sa ere kaya't hindi na namin nakita kung ano nang sunod na nangyari.

"Amaya!! Anong nangyayari sa labas!!"

Sigaw ni Mama saka ko sila hinila palayo ng pinto at dinala sa basement.

"Ang Lola mo nasa kwarto pa!"

Sigaw ni Tita Ines habang tinutulak ko sila papasok ng basement.

"Ako na hong bahala!"

Sigaw ko saka na sinara ang pinto.

Rinig ko pa rin ang sigawan sa labas ang at ang mga angil ng mga nakapalibot na aswang sa paligid.

Pinatay ko ang ilaw saka nakayukong tinungo ang kwarto ng Lola.

Pagpasok ko ay nadatnan ko siyang nagdadasal na kaagad namang tumingala sa akin.

Lumuhod ako sa harap niya saka siya binalot sa tela at itinayo dahil hirap na siyang gumalaw nang dahil sa kanyang katandaan.

"Maya? Bakit maingay sa labas?"

Napailing na lamang ako sa kanya.

"Shhh... wag kang maingay Lola... bababa tayo... dahan dahan lang. "

Saad ko sa kanya saka ko pinatay ang sindi ng kandila.

Balot pa rin sa tela ang Lola at yakap ko siya palabas ng kwarto at dahan dahang bumaba ng basement nang may biglang may kumalabog sa pinto.

Rinig na rinig ko ang kaluskos sa labas na tila ba ay pinipilit nitong buksan ang nakakandadong pinto.

Kaya't hindi na ako nag- atubiling ibaba si Lola sa basement at saka kami pumasok.

Umiiyak sina Mama nang madatnan ko sila habang ginagamot ang sugat ni Fredo na anak ng aming kapitbahay.

"Fredo, anong nangyayari??"

Tanong ko sa kanya.

"Ahh... aray...."

Saad nito habang nililinis ni Mama ang kanyang sugat.

"Anong nangyayari??? Ang daming halimaw sa labas."

Tanong ko. 

"Hindi ko alam... tulog lang ako eh... binabantayan ko si Mama kasi ilang araw nang masama ang pakiramdam niya."

Strange Creatures Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon