Chapter 24

126 17 1
                                        






Lahat kami ay nagsitayuan saka tinungo ang silid kung nasaan ang ate ni Tarrah. Narinig kasi naming tinawag nito ang pangalan niya.

Kahit masakit ang katawan ko ay pinili ko ring tumayo upang tingnan ang lagay niya.

Napatingala na lamang ako kay Victoria nang hawakan niya ako sa braso at inalalayang maglakad.

Pagpasok namin sa kwarto ay nadatnan naming umiiyak siya habang yapos yapos ni Tarrah.

Siguradong hindi naging maganda ang karanasan niya sa mga kamay ng mga aswang.

"Ate.... Tahan na... Ligtas ka na... "

Nang siya ay tumahan na ay napatingin ito kay Tarrah saka nagsalita.

"Bakit mo pa ako hinanap, di ba usapan natin na kapag nawala ang isa sa atin ay wag tayong maghahanap. Pano kung pati ikaw nakuha nila??? Papano na sina Daddy?? Ikaw lamang ang marunong lumaban sa ating angkan Tarrah. "

"Hindi naman ako napano diba? Ligtas ka na nga ehh. "

Nakangiti niyang sabi sa kanyang kapatid.

"Tapos dinamay mo pa sila....,"

"Wag kang mag-alala hija, kusang loob kaming sumama sa kanya kaya hindi ka na dapat mag-alala."

"Kung gayon, maraming salamat sa ginawa niyo. Utang ko ang buhay ko sa inyo. Ang totoo nawalan na talaga ako ng pag-asang mabubuhay pa ako, kaya maraming salamat. "

Tumango na lamang kami saka dumako ang tingin nito kay Victoria na ngayon ay nakatayo lamang sa gilid ng pinto at nagmamasid sa amin.

"Isa siyang bampira.... "

"Oo tama ka... Siya ang nagdala sayo rito habang nakikipagbuno kami sa mga aswang. Dahil sa kanya nakaalis tayong lahat ng kompleto mabahong pabrika na yon. "

Nagtataka man ako kung paanong alam niya na ang pagiging bampira ni Victoria ay natutuwa pa rin ako na hindi sila nag-aalangan sa kanyang presensya.

Lalo na si Mang Rigor na mukhang nasanay na lang sa mga kakaibang nilalang na kasama niya.

"Ate... Si Danica--"

"Oo siya ang nasa likod ng pag kuha sa akin. "

Saad nito.

"Kinaibigan niya ako at kinuha ang tiwala ko. Tarrah, sa tingin ko may mas malaking problema pa sa likod ng mga nangyayari ngayon."

"Ang paglitaw ng mga aswang... Ang paglaganap ng patayan... Lahat yun may mas malaking rason. "

"Habang nandon ako, dinala niya ako sa isang laboratory kung saan may ginagawa siyang eksperemento na aniya'y inatas sa kanya ng isang makapangyarihang nilalang. Kapalit ng kapangyarihang ipagkakaloob sa kanya. "

"Nabanggit niya nga ang tungkol sa mga bagong lahi na yon. Wala pa akong nakitang ganung lahi ng aswang."

Sabi ni Tarrah.

"Sa tingin ko sira ang ulo ng babaeng yun. "

Komento ni Mang Rigor.






Pagkatapos ng aming pag-uusap ay kinailangan na muna naming iwan ang magkapatid upang mag-usap.




Nang makabalik ako sa silid ay kaagad ko siyang natanaw. Nakatalikod siya sa akin at mukhang nakatanaw sa labas mula sa balkonahe.

Saglit na pumaling ang kanyang ulo, senyales na naramdaman niya ang presensya ko.

Strange Creatures Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon