Sa lugar kung saan nababalot ng yelo ang kapaligiran, ang lugar kung saan halos hindi na maabot ng sinag ng araw.
Sa hilagang polo kung saan
naninirahan ang grupo ng mga kakaibang nilalang na nagtatago at nagkukubli sa tunay na mundo.
Ang lugar kung saan namamalagi ang kaharian ng mga nilalang na kapwa pinagkaitan ng liwanag ng diyos.
Mga nilalang na punong puno ng galit, poot at paghihiganti. Mga naglalayon na maghari sa sanlibutan sa siglong ito.
"Napakasimple ng inuutos sayo. Pero hindi mo pa nagawa!?"
Umalingaw-ngaw sa buong mansyon ang galit na boses ni Mionette sa kanyang alagad na kababalik pa lamang na bigong tuparin ang kanyang utos.
Sa kabilang banda ay si Kier, nakatayo sa isang sulok habang nakaukit ang isang ngiti.
Masaya siyang malamang hindi nagtagumpay ang alagad ni Mionette.
Iisa ang kanilang hangarin ngunit magkaribal sa posisyong ipagkakaloob ng kanilang panginoon, sa oras na mapagtagumpayan nila ang kanilang misyon.
Hindi maikakaila ang kagandahang lalake nito na talagang makakaagaw ng atensyon ng kahit na sino.
Dahilan rin kung bakit marami siyang napapaamo.
Matangkad at may mala porselanang kutis. Matatalim ang mga mata kung tumitig at may napaka antipatikong tingin.
Ang bampirang siyang nangunguna at naglulunsad ng mga kultong nagsasamba kay Satanas at sa ina ng mga halimaw sa impyerno.
Walang iba, kundi si Lillith.
"Ang hirap sayo, hindi ka marunong magtiwala. Sa tingin mo ba hahayaan kong makawala ang batang yun?"
Prenteng sagot ng binata saka uminom sa kanyang gintong baso na naglalaman ng dugo't alak na espesyal na hinanda para sa kanya.
"Kung ganun anong plano mo?"
Saad ng dalaga.
"Hindi naman ako ganun katanga upang sabihin sayo hindi ba? Sa akin ibinigay ang utos at wala nang ibang gagawa nito kundi ako. Huwag na huwag kang makikialam."
"Nagkakaintindihan ba tayo?"
Kasabay noon ang pag-itim ng kulay ng mga mata nito at paglabas ng matalim na pangil. Paraan niya upang magbigay ng paalala sa kanyang karibal na siya ang mas malakas.
Kinalauna'y tumayo na ang binata saka nagbukas ng portal patungo sa altar kung saan naroroon ang altar ng Diyos na kanilang sinasamba.
Ang diyos na magtutupad ng kanyang mga hiling, ang siyang nakatakdang maghari.
Ang lugar ay nababalot ng dilim at tanging sinag lamang na nanggagaling sa mga kandila ang nagbibigay ng liwanag sa paligid.
"Hindi na magtatagal ang ating tagumpay kamahalan... inaalay ko ang buong buhay ko para lamang sa paghahari mo. "
Mula sa madilim na sulok ng altar lumitaw ang pigura ng isang babae. Ang taga payo ng binata na may kakayahang makita ang mangyayari sa pamamagitan ng kanyang mga baraha.
Siya rin ang nagpatunay na totoo ang banal na espiritung ipinadala ng Diyos upang pigilan ang paghahari ng kadiliman sa mundong ibabaw.
Ngunit lingid sa kaalaman ng binata na may isa pang nakikitang propesiya ang tagapayo.
"Kapag natagpuan mo na ang taong hinahanap mo, huwag na huwag mo siyang papatayin."
Saad nito.
"Hindi ba't iyon ang mas nakaiinam na gawin?"
Tanong ng binata sa kanyang tagapayo.
"Banal na espiritu man siya'y taglay niya parin ang kalikasan ng isang ordinaryong tao, madaling matukso. Bakit hindi mo iyon gawin? tutal doon ka naman magaling."
Ilang sandaling nanahimik si Kier, habang isinasaisip ang bagong impormasyon na kanyang nakalap.
Saka ito napangisi.
Sa isip niya'y magandang ideya nga naman ito.
At kung saka-sakaling magtagumpay siya'y isang malaking insulto ito sa banal na Diyos.
Na ang banal na espiritung kanyang ipinadala ay mahina.
"Mas maganda ang suhestyon mo, Demetri. Handa ka bang samahan ako sa aking paglalakabay?"
"Ikinalulugod ko, mahal na prinsipe."
BINABASA MO ANG
Strange Creatures
FantasyThe world has come to end, darkness have come to rule. Humanity's last hope was what they believed God have sent. But as the battle between light and darkness unfolds, a terrifying truth begins to surface.
