Bakasyon na. Ngunit wala akong ibang maisip na gawin. Gusto ko sanang magtrabaho kaso hindi ako pinahintulutan ng aking ina. Nasabi niyang kailangan ko raw magpahinga upang makapaghanda na sa aking pagkokolehiyo.
Kaya heto ako nakatanga sa harap ng aking bintana habang nakatitig sa bilog na buwan.
Ilang sandali lang ay naisipan ko nang magpalit ng pantulog saka naghanda sa aking pagtulog nang walang ano-ano'y nakaamoy ako ng isang kakaibang amoy.
Napakabango nito na nakahuhumaling kaya nang dahil dito ay wala sa sarili ko itong sinundan.
Hanggang sa napadpad ako sa harap ng isang malaking puno malayo na sa aming bahay.
Napamulat ako habang palingalinga sa paligid. Hindi ko ininda ang lamig ng lupa dahil wala akong sapin sa paa.
Muli kong sinubukang hanapin ang amoy ngunit wala na ito. Para bang pinaglalaruan lang ako. Pero isa lang ang tumatak sa isipan ko. Amoy ito ng isang babae at hindi ko alam kung bakit nagawa niyang pasunurin ako nang wala sa sarili.
Akala ko ay tuluyan na itong nawala ngunit bumalik ang halimuyak nito na ngayon ay mas lalong pinaigting. Animo'y napakalapit lamang nito sa akin.
"Bata, nawawala ka ba?"
Isang malamyos na tinig ang nagsalita mula sa likuran ko.
Ipinihit ko ang aking sarili paharap sa nagsalita saka bumungad sa akin ang isang napakagandang babae.
Parang wala sa sarili akong nakatitig sa kanya habang pinipilit ang aking bibig na magsalita ngunit bigo itong magbanggit na kahit na isang tinig.
Ngayon lamang ako kumilos ng ganito. Anong klaseng nilalang ba siya at parang nawawala ako sa sarili ko?
Ngunit hindi ako dapat magpadaig sa kung ano mang mahikang ipinapataw niya sa akin.
"S-Sabihin mo... ano ka?"
Nanghihinang sambit ko.
Sumilay sa mukha niya ang isang nakakapang-akit na ngiti habang dahan dahan siyang humahakbang palapit sa akin.
"Nawawala ka ba?"
"Anong ginagawa mo sa madilim na gubat na ito? at wala ka pang sapin sa paa."
Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Pinipilit kong ihakbang paatras ang aking mga paa pero hindi ko magawa.
"Ikaw... sinundan kita."
Noo'y pagtataka ang gumuhit sa kanyang mukha saka siya mas lalong lumapit sa akin at doon ko lang napakatitigan ang kanyang mga mata. Kakaiba ang mga kulay nito. Kulay ginto at mas lalo pang nanindig ang mga balahibo ko nang makita ko ang pangil niya.
"Papanong naamoy mo ako eh isa ka lamang di hamak na tao? nakapagtataka dahil wala naman akong intensyon sayo. Paalis na sana ako kanina nang matanaw kitang nakatayo sa kalagitnaan ng gubat."
Laking gulat ko nang sa isang kisap ng aking mata ay wala na siya sa harapan ko.
"Napakabango ng dugo mo."
Nanindig ang aking balahibo nang maramdaman ko siya sa aking likuran kung saan halos magdikit na ang bibig niya sa tenga ko.
"B-Bampira..."
Pabulong kong sabi.
Oo tama. Sila lang naman ang may kakayahang makaamoy ng dugo nating mga tao.
Isa pa, ang mga pangil niya. Ngunit nagtataka ako sa kulay ng mga mata niya.
Makalipas ang ilang saglit ay muli kong naramdaman ang akibg katawan. Naigalaw ko nang muli ang aking mga paa kaya naman kaagad akong lumayo sa kanya.
Nanatili lamang siya sa kinatatayuan niya habang nakatitig parin sa akin.
Tama nga si Lola, napakaganda nga nila.
Nakatitig lamang siya sa akin....
"Kalimutan mo na ako... umuwi ka na."
Hindi iyon utos... dahil naramdaman ko ang kakaibang enerhiyang nanggagaling sa mga titig niya.
Hipnotismo... kaso mukhang hindi gumagana sa akin.
"Pasensya na... pero kung wala ka nga naman talagang intensyon sa akin aalis na ako."
Gulat ang mukha niyang tumitig sa akin at akma na sana akong hahakbang paalis nang bigla niya akong hinila pataas at ganoon na lamang ang takot ko nang isabit niya ako sa pinakatuktok ng malaking puno.
"T-Teka!!!! ibaba mo ako! ang taas nito!!!"
Tila wala siyang naririnig na nakatayo lamang sa harapan ko.
"Sabihin mo... ano ka ba talaga? bakit hindi tumalab ang aking hipnotismo sayo????"
Tanong niya habang seryosong nakatitig sa akin.
Napahinga na lamang ako ng malalim saka ako napahalukipkip.
"Tao... Tao ako. Hindi ba halata?"
Halos maihi na ako sa takot nang bigla siyang lumapit sa akin habang hawak ang kwelyo ng pantulog ko.
"Sinungaling. Hindi ka isang normal na tao at alam kong alam mo yun."
Napalunok na lamang ako habang nakatitig sa mukha niya.
Grabe ang ganda niya talaga. Para siyang dyosa. Kaya naman hindi na ako nagtataka sa sarili ko kung nagkakaganito ako.
Nasa kalagitnaan ako ng aking pagkahumaling sa kanya nang marinig ko ang paghinga niya ng malalim habang nakaguhit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
"Alam kong maganda ako, pero kailangan ko talaga ang sagot mo bata."
Saad niya habang pailing-iling.
Sa hiya ko ay napayuko na lamang ako.
"P-Pasensya na... uhhh ano... ang totoo hindi ko din alam. Pinanganak na akong may ganitong kakayahan."
Sagot ko.
Alam kong hindi tayo dapat nagtitiwala sa mga taong hindi pa natin lubos na kilala. Pero iba ang pakiramdam ko sa kanya. Sa tingin ko ay mabuti siya. Kahit kailan hindi pa nagkamali ang guts ko.
"Kakayahang tulad ng?"
Tanong niya.
Bago sumagot ay napahinga muna ako ng malalim.
"Kakayahang makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong tao lamang."
Matapos noon ay isang iglap lang ay naramdaman ko nang muli ang malamig na lupa. Naibaba niya na pala ako.
Muli ko siyang hinanap at natagpuan siyang nakatayo sa malaking sanga ng puno.
Nakatitig lang siya sa akin saka niya itinaas ang kanyang kanang kamay at ganun na lamang ang pamimilipit ko nang makaramdam ako ng mainit sa aking pulsuhan na parang may nagbabagang kahoy na idinikit rito.
"Ahhhh..."
Napatitig ako rito habang unti unting gumuhuhit rito ang isang simbolo.
"Aray..."
Tumingala ako sa kanya.
"A-Anong ginagawa mo sakin??"
Halos maiyak na ako sa sakit ng sugat.
"Proteksyon mo. Simula ngayon, hindi na ako aalis sa tabi mo."
BINABASA MO ANG
Strange Creatures
FantasyPaano kung ikaw ang nakatakdang tagapagligtas ng sankatauhan laban sa kadiliman? tatanggapin mo ba?