Kabanata 36

26 1 0
                                    

Pagkagising ko agad kong hinanap si Luis. Doon ko lamang napansin na nakatali na ang aking mga kamay sa likuran ko banda...hindi pala, sa puno ako mismo itinali!

A-anong..

Pilit kong kinalas ang aking kamay mula sa pagkakatali pero ako lang din ang nasaktan dahil masyadong madiin ang pagkakatali sa akin at lubid pa itong ginamit nila.

Mga peste!

Lumingon lingon ako upang tignan kung nasaan kami. Halatang inilipat pa kami dahil kakaiba na ang lugar na ito. Mas matataas ang talahib ng mga damo dito at wala akong matanaw na kahit na anong bahay man lang. Napakatamihik din ng paligid kaya agad akong nangilabot dahil bigla kong naisip ang Wrong Turn huhu.

Ilang sandali pa ay may narinig na akong mga yabag na papalapit kaya nagpanggap na lang akong tulog ulit. Binuksan ko ng kakaunti ang aking mga mata upang sumilip kung ano ang nangyayari sa paligid ko.

Doon ko lamang napansin na marami pala ang nagdatingan. Agad akong pumikit ulit nang lapitan ako ng isang babae.

"Anong gagawin natin sa taong ito?" tanong niya sa kanyang mga kasamahan habang nakatanaw ito sa akin

"Hayaan mo lamang siya, hihintayin muna natin ang pinuno. Siya ang bahala sa taong iyan" ika ng isa sa kanila

Napairap ako sa isipan ko dahil kung makasabi naman sila ng "taong iyan" akala mo hindi sila tao. Grabe ha!

Umalis din agad ang babae sa harapan ko at saka ito lumapit sa kanyang mga kasamahan. Muli kong binuksan ng slight ang mga mata ko para silipin sila.

Mga nag-uusap na grupo ng kalalakihan, ang ilan ay palakad lakad na para bang nagbabantay at ang ilan naman sa mga kababaihan ay may dalang mga saging at kamote, para bang naghahanda na sa hapunan nila. Papakainin kaya kami? Sana oo

Ilang minuto pa ay nakita ko ang kutsero ngunit..hindi siya nakagapos tulad ko. Malaya itong naglalakad na sumisipol-sipol pa na akala mo'y namamasyal lang. Agad akong nakaramdam ng inis nang mapagtanto ko ang nangyari.

Kaya pala para bang sure na sure sa "daan" kuno na tinatahak niya dahil kasamahan niya ang mga taong nangharang sa amin. Bigla ko tuloy naalala ang binanggit ni Martin, na ang mga tauhan ni Luis ay mga rebelde.

Bakit ba nawala sa isip ko ang sinabi niyang iyon? Kainis edi sana wala kami rito ni Luis

Agad akong nagmulat ng mata at hinanap si Luis ngunit ganon na lamang ang pagtataka ko dahil hindi ko siya mahanap.

Saan naman nila dinala ang isang 'yon? Delikado siya ngayon lalo na at nasa katauhan siya ni MacMac. Baka mahalata nila at mapahamak pa.lalo s Luis.

Rinig ko ang halakhakan ng mga kalalakihan sa isang tabi ngunit hindi na ako nag-abalang lingunin pa sila dahil nag-aalala ako kay Luis.

Luis..nasaan ka?

Lumipas pa ang mga oras at tuluyan nang natakpan ng kadiliman ang buong kalangitan. Rinig ko ang tunog ng kuliglig at ang hagaspas ng malakas na hangin na tumatamasa dahon.

Ilang sandali pa ay may mga dalagita na nagsilapitan sa isang pahabang lamesa sa gitna saka sila naglatag ng dahon ng saging. Bago iyon ay pinadaan muna nila ito sa apoy saka ito tuluyang inilatag.

May apat na kalalakihan ding dumating na may dalang malalaking palayok. Itinaob nila ito sa lamesa at doon ko napansin ang mga bagong laga na saging at kamote.

Ramdam ko ang pagkalam ng aking sikmura dahil kahit malayo ang lamesa ay amoy ko ang mabangong saging at kamote.

Papakainin kaya nila ako? Sana yes

Mi Amado Gobernador General  Where stories live. Discover now