Kabanata 37

13 1 0
                                    

Agad akong nagmulat nang marinig ko ang pamilyar na hudyat na umaga na. Umalingawngaw sa kabuuan ng kampo ang tilaok ng ilang manok.

Pang apat na araw na namin ngayon dito sa kampo nila Martin. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa bayan dahil wala ni isa sa kanila ang may gustong kumausap sa akin.

Labis na nag-aalala din ako kay Luis dahil hindi ko rin alam kung nasa katauhan pa rin ba siya ni MacMac o ng kung sinoman.

Hindi rin ako basta bastang makakatakas dito dahil una sa lahat nakatali ako sa puno. Mahigpit magbantay ang mga taong ito at isa pa, hindi ko rin alam ang pasikot sikot ng buong kagubatan. Baka imbes na makatakas, ang maging ending eh bumalik ako sa kampo nila dahil lang sa naligaw ako.

Buti na lang ay kahit papaano, kinakalagan nila ako mula sa pagkakatali sa tuwing naiihi ako kasi ang pangit naman tignan na suot ko ang bigay na mamahaling damit sa akin ni Luis tapos ang panghi ko diba?

Agad akong napaupo nang marinig ko ang mga yabag na papalapit sa sentro ng gubat. Ibig sabihin lang noon ay mag-aayos na sila para sa panibagong araw nila. At sigurado din ako na luto na ang nilagang kamote at saging.

Sa ilang araw na nanatili ako rito ay tila ba nasanay na rin ako sa usual na kinakain nila. Sinong hindi masasanay eh kamote at saging ang kanilang pantawid gutom sa umagahan, tanghalian at sa hapunan.

Agad umalingasaw ang amoy ng bagong lagang saging a kamote. Ramdam ko ang pagkalam ng aking sikmura dahil doon. Nag-umpisa nang kumuha ng tig-iisa ang bawat myembro ng kanilang grupo saka sila naghanap ng kani-kanilang pwesto.

Ilang sandali pa ay naglalakad na papalapit sa gawi ko ang isang dalagita na madalas nagbibigay sa akin ng kamote. Talagang ni-request mo sa kanya na kung pwede ay kamote na lang ang ibigay niya sa akin hihi.

"Kain na ho kayo binibini" mahinhing wika ni Rosita na siyang una ring lumapit sa akin noong unang araw ko pa lang dito bilang bihag.

"Salamat" nakangiting sabi ko saka siya pinagmasdang kalagan ako

Hindi na masyadong mahigpit ang pagbabantay sa akin dito kumpara noong nakaraan na ultimo paghikab ko ay bantay sarado.

Siguro ay naisip nila na hindi ko namn alam ang kabuuan ng kagubatan at baka iniisip din kulang wala silang mapapala sa akin kapag may nangyaring masama sa akin kaya medyo lumuwag sila sa akin.

Pagkatapos akong nakalagan ay masaya kong tinanggap ang pagkain saka ito binalatan at kinagatan.

Hindi ko in-expect na sa simpleng ganito ay mabubusog na ako ng todo! Plus the fact na papasikat pa lang ang araw habang kumakain ka ng kamote...like ugh! Maganda palang maranasan 'to

Tahimik lang kami habang kumakain, patingin tingin ako kay Rosita nagbabakasakali na lilingon siya kahit papaano pero hindi eh kaya kinalabit ko na lamang siya.

"Binibini?"

"Uhm ano..diba noon dinala ako dito may kasama akong lalaki? Uhh..alam mo ba kung anong lagay niya at kung saan siya dinala? Nag-aalala lang kasi ako sa kanya" sunod sunod na sabi ko

"Paumanhin mo binibini pero hindi ko ho batid kung saan siya dinala nila pinuno" napangiwi ako nang marinig ko ang pamilyar na tawag nila kay Martin.

Ang lalaking 'yon ay isa pala talagang pinuno ng mga rebelde!

"Ah ganon ba? Ayos lang hehe. Pero, kung sakaling malaman mo kung nasaan siya..maaari mo bang sabihin sa akin? Sadyang naga-alala lang ako sa kanya" sinserong ani ko

"Sige ho binibini, ngunit mananatili itong lihim sa pagitan natin. Hindi ko nais na mapahamak ang aking sarili at ganon din ikaw. Kung kaya hangga't maaari po, mas mainam na tayong dalawa lamang ang makakaalam" napangiti naman ako ng dahil sa sinabi niya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 2 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mi Amado Gobernador General  Where stories live. Discover now