I will cherished her forever

7 1 0
                                    

Hi reader, I am sorry sa update na ito. Gusto ko lang I share ang nangyari kay Lola ko. Sobrang sakit, hanggang ngayon. It's been one week since she was gone, it was happened on September 09, 2024. She's gone from my sight, but not in my heart.

When I was a kid, She was my super hero. She save me! tumawid na ako pakabila kasi sinundan ko si Lolo pero meron malaking bus na malapit na akong sagasaan, mabilis pa kay wonder woman na tumakbo si Lola, para iligtas ako and thankfully we're safe. Hindi lang roon, naging super hero ko si Lola. Niligtas niya rin ako mula sa patalim ni Lolo na muntik ng bumaon sa akin. Pero ang pinakamasakit, hindi ko man lang siya naligtas! Hinayaan ko siyang walang kasama sa bundok kasi may klase na ako! Sana may kasama siya!Ang hirap hirap tanggapin, yung super lola ko ay iniwan na ako habang buhay. Iniwan na niya ako, at hanggang ngayon wala parin hustisya! Ang bagal ng mga pulis, naaasar na ako. Ang sakit sakit!

September 9, 9 A.M. My boyfriend called me, sabi niya basahin ko daw chat ng kapatid ko. Nasa school pa ako, naglalakad nauwi narin sana sa Boarding house. No'ng nabasa ko ang chat nila,

Patay na raw si Lola!

Pinatay daw siya! Minurder daw si Lola!

Hindi ako makapaniwala, humagulhol ako, iyak ako ng iyak. Sobrang sakit! Ang hirap paniwalaan. Umiiyak ako habang naglalakad, mabuti kasama ko best friend ko. Hindi ako tumigil sa pag iyak, hanggang sa boarding house hanggang sa byahe pauwi sa bahay. Ang sakit sakit isipin bakit siya pinatay! Bakit ano kasalanan ni Lola?! Ang bait bait ni Lola! Maalaga siya sa mga apo niya!

Nagtungo agad ako sa Bulon, para makita si Lola. Napatunayan ko na totoo, ang daming mga tao na nakikibalita! Ang inisip ko, bakit noong gabi na pinatay si Lola wala kayo?! Kahit ni isa walang tumulong sa kaniya! Kahit narinig naman nila na humihingi ng saklolo si Lola! Ang sama sama ng mga tao doon! Mga walang awa!

Masakit ang tingin ko sa lahat. Nadatnan ko na nakabalot na ang katawan ni Lola, maraming dugo at ang baho na ng bangkay ni Lola. Ang masakit, lumipas ang isang araw na nangyari ang trahedya, pero ni isa walang bumalita sa amin, lumipas pa ang gabi at kinabukasan pa nalaman na wala na si Lola! Sobrang sakit! Hindi ko lubos maisip!

Muntik na akong mahimatay, inalalayan lang ako ng girlfriend ng kapatid ko.

Nabalitaan ko nalang na wala na s'ya! Gusto ko pa siyang samahan! Yakapin at sabihin na mahal ko siya!

Hindi na makilala ang kaniyang mukha, naagnas na, may uod na! Ang sakit sakit! Laman ng balita sa radyo ng nangyari kay Lola. Para akong nakalutang, para akong sinasakal. Sabi ni Lola, kapag wala na siya gusto niya maganda siya, pero iba ang nangyari, may takip na ang mukha niya dahil hindi na makilala.

Nasa akin parin ang picture ng mukha niya, ang sakit sakit tingnan. Kapag may pumupunta sa lamay niya at nagtatanong bakit hindi pinapakita ang mukha niya, pinapakita nalang namin ang picture. Nakakaawa si Lola.

Nalaman ng mga pulis na, may posibilidad na ginahasa si Lola dahil wala na siyang suot na panty, nakakalat lahat ng gamit niya. Ginahasa, ninakawan at pinatay niya si Lola! Napatunayan rin sa outopsy na ginahasa si Lola! Ang sakit sakit ang hirap paniwalaan hanggang sa ngayon.

Lola's Girl kasi ako at nakasama ko si Nanay ng matagal, Lola ko siya pero Nanay ang tawag ko sa kaniya. Kaming dalawa lang sa bundok, sa Bulon. And that time na nangyari ang trahedya, she was alone! Walang tumulong at lumipas pa ang araw bago nila sinabi sa pamilya.

Minurder lang siya! Hindi lang murder, ginahasa siya at ninakawan iyon ang masakit. Bakit ganoon ang kamatayan niya? Bakit sa ganoon pa siya nawala. Yung favorite place ko ay naging katakot takot na lugar sa akin.

Sobrang sakit! Until ngayon hindi parin nahuhuli ang criminal! Kawawa ang sinapit ni Lola, hanggang ngayon humihingi siya ng hustisya!

Sa story na ito, I was with her noong time na sinusulat ko pa lamang ang story na ito, peaceful kasi sa bundok at masarap ang ihip ng hangin, tapos ang sarap sa pakiramdam kasi kasama ko si Lola. Her name is Dionila, my best lola ever. Sa kwentong ito, Iniwan ni Phobie ang lola niya, pero sa totoong buhay ang Lola ko ang nang iwan sa akin habang buhay.

Sana makamtan na ni Nanay Dionila ang hustiya. Justice!

That Childish Girl Is My SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon