Chapter Twelve

60 18 0
                                    

[ Chapter 12 - My heart ]

Phobie's POV

Naka nguso ako habang sumisilong kami ni Kamahalan dito sa maliit na tindahan. S'yempre nasa holding hands parin na ganap kanina ang nasa isip ko. Saglit lang iyon, kasi ng dumating kami rito ay binitawan n'ya agad ang kamay ko. Ramdam ko parin ang mahigpit n'yang paghawak, o sadyang assuming lang ako? Ang lambot lambot pa nga ng kamay niya. Feeling ko tinamaan ako ng kidlat dahil dahil kuryente kanina.

"Why are you pouting? Para kang bata na ninakawan ng candy." Narinig kong sabi n'ya kaya mas lalo ko pang hinabaan ang pag nguso.

"K-Kamahalan basa naman tayo! minsan naiinis narin ako sa ulan, pero minsan lang. Bahagi narin kasi s'ya ng buhay ko. Minsan ayaw ko rin sa kaniya kasi palagi niya tayong binabasa." Naka ngusong sabi ko. Narinig kong natawa s'ya ng mahina. Masanay na siguro ako sa tawa niya, parang musika pakinggan.

"Tsk. You're like a child." He said, mag katabi lang kami at mag kadikit ang balikat namin. S'yempre kinilig naman ako, hindi ko lang pinahalata.

"Kasi naman, wala akong dalang jacket. Baka magkasakit ka naman Kamahalan tas sukahan mo ulit ako." Naka ngusong sabi ko. Napa'tsk'.naman siya.

"Childish Girl?"  Tawag n'ya.

"Yes, Your Majesty?" Ngiting tanong ko.

"Could you tell me a story about yourself, I just wanna know." Sabi n'ya. Namula naman ang pisngi ko. And now is he interested? Dapat na ba akong mag party mamaya?

"H-Hmmm." Sabi ko at tumingin sa kan'ya.

"If where are you from? Why do you know how to speak bisaya by the way? I am just curious, don't get me wrong." Sabi niya at nag iwas ng tingin. Kakaiba talaga siya ngayon, nakakapanibago.

Paktay ka Phobie! ano namang ipalusot ko? ayaw kong malaman n'ya ang tungkol sakin baka malaman n'ya ang sekreto ko. It couldn't be!

"K-Kasi t-taga Negros Occidental ako. H-Hindi naman talaga ako taga Capiz at hindi kita kilala kasi hindi naman umabot sa Negros ang kasikatan mo." Diretsong pag sisinungaling ko. Masyado yatang halata ang palusot ko. Iyon naman kasi ang lumabas sa bibig ko.

"Ahh." Sagot niya, na parang hindi kumbinsedo. Napangiti naman ako sa tuwa dahil hindi s'ya nag hinala sa sagot ko. Muntik na akong madapa dahil sa naalala ko kanina ang leksyon sa simbahan. Bawal ang mag balat kayo' hindi puwede ang sinungaling sa langit.

"K-Kamahalan, ah ano kasi hindi po ako taga Negros, taga Capiz talaga ako. Doon sa kabundukan, kaya hindi parin kita kilala noon pa man!" Diretsong sabi ko. Sorry kung nag sinungaling ako, hindi ko lang puwedeng sabihin sa kaniya ang totoo! Baka layuan n'ya ako at maging wolf s'ya ulit sakin at kapag nangyari iyon hindi ko na s'ya mapaglingkuran.

"Si Mama lang ang taga Negros." Dagdag ko pa at ngumiti pero pinagpapawisan na talaga ako ng malamig.

"Tsk."

"Kamahalan--totoo ang sinasabi ko kaya don't mad at me." Sabi ko at humarap sa likuran para punasan ang pawis sa noo ko.

"Are you hungry? Let's eat" Sabi n'ya

"A-Ahhh hindi pa naman ako gutom-- saka umuulan pa ayaw ko namang maulan tayo baka mag kasakit ka." Sabi ko at ngumiti sa kan'ya. Nanatili lang siyang tahimik na parang may malalim na iniisip. Hindi na kami nag usap hanggang sa tumila ang ulan.

That Childish Girl Is My SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon