[Chapter 31- Charles's birthday]
Phobie's POV
September 27 2020 at the mountain of love*
Ang Lugar daw na ito ay para sa mga nagmamahalan na may paalam. Yeah! There's tragic story about behind this fascinating place. And I want to know the story. Masaya ako! Sobrang saya ko na nakasama s'ya ngayong kaarawan n'ya pero hindi na dapat lumagpas pa.
"Kamahalan, sana ngayong araw ay tumagalog ka. Gustong gusto kong marinig na nagsasalita ka ng tagalog." Nakangusong sabi ko. Napangiti rin siya agad saka tumango.
"Ang lawa na ito ay ang Lawa ng pagmamahal. Dito nagsimula ang pag-ibigan ni Mommy at ni Tito Charlie. Sabi ni Mommy itong lawa na ito ang saksi ng kanilang pagmamahalan." kwento n'ya sakin. I normalized na sa lahat ng pangyayari ay merong nakasaksi.
Nandito kami ngayon sa kalagitnaan ng malawak na Lawa habang naka sakay sa bangka. Nalungkot naman ako dahil may unang lalaki palang inibig si Tita at ang lugar na ito ay puno ng alaala nilang dalawa.
"Pero anong nangyari sa kanila?" Usisa ko. Naging malamig naman ang mukha n'ya habang nakatingin sa malayo.
"R-Ramdam ko na hindi ni Mommy nakalimutan ang lalaki na iyon, dahil habang nag kwe-kwento s'ya sakin ay may ngiti ang kan'yang labi at may kinang ang kan'yang mga mata. Kasal man s'ya kay Daddy ngunit hindi madadaya ng kan'yang mata ang tunay na laman ng kaniyang puso." Patuloy n'ya, kahit ako ay nakaramdaman ko ang sakit sa kwento n'ya. Ang sarap pakinggan ng boses niya habang nagsasalita ng tagalog.
Hindi pala talaga mahal ni Tita Cims si Tito Gino dahil ang totoong mahal n'ya ay si Tito Charlie ang first love n'ya? Saan na kaya si Tito Charlie? Kasal na rin kaya s'ya sa iba?
"Pero bakit sila nag hiwalay ni Tito Charlie kung nagmamahalan naman sila?" Malungkot na tanong ko at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang kamay.
"P-Pinagkasundo lang si Mom at Dad ng mga magulang nila sa kasal na hindi rin nila gusto. Kahit masakit man kay Mom ang lahat pero kusa naman siyang pinalaya ni Tito Charlie. Nakakalungkot lang dahil hindi sila tinadhana pang habangbuhay. Kahit na kay Tito Charlie s'ya nagsimula ay nasa iba parin ang wakas ni Mom. Mapaglaro talaga ang tadhana." Tugon n'ya at sa pagkakataon na ito ay nagkatitigan kami. Tila tinutusok tusok ng paulit ulit ang puso ko.
"S-Saan na si Tito Charlie?" Patuloy na tanong ko habang nakatitig sa kan'yang mata.
"A-Ang sabi sakin ni Mommy kaya daw pala pinalaya s'ya ni Tito dahil daw alam ni Tito na maiiwan n'ya din si Mom at ayaw niyang mangyari iyon dahil ang gusto niya kapag naiwan na niya si Mommy ay may mag aalaga parin sa kan'ya at may magmamahal. They was so inloved but they let themselves to be free from the tied of each other." Patuloy n'ya hindi ko naman alam kung ano ang gawin ko dahil kusang pumatak ang luha saking mata habang nakatitig parin sa mata n'ya na puno rin ng kalungkutan.
"A-Ano ang ibig mong sabihin?" Namamaos na tanong ko
"After no'ng kasal ni Mom at Dad ay n-nawalan rin ng buhay si T-Tito Charlie dahil sa kan'yang sakit sa puso." Tugon niya na kinatigil ng mundo ko. May sakit s'ya!? Bakit ang sakit sakit rin tanggapin? may ganoon palang kwento ng pag-ibig si Tita! Ang sakit namang paniwalaan.
BINABASA MO ANG
That Childish Girl Is My Slave
Novela JuvenilPhobie Dela Cruz is the girl has a childish attitude, she fell in love with Charles John. She's willing to do everything for Charles sake, to the point she have to agree that she will be slave of him. Charles John Pinalba (Gomez) is afraid to love a...