Chapter Two

183 26 2
                                    

[Chapter 2 - You're my Slave ]

Phobie's POV

"Lola, ayos na ba ito?"  I asked her. Tinuro ko pa ang suot kong damit, naka t-shirt ako ng itim tas naka jacket din ng itim at itim din na pantalon.

"Jusko Inday mukha kang pupunta sa lamay at ang init init naka jacket ka pa d'yan." sabi ni Lola at binatukan ako. Ngumuso naman ako, ang sakit eh. Ano ba dapat? Wala pa naman kaming uniform eh.

"Okay lang po ito Lola! tara Ihatid mo na ako." sabi ko at sinuot ang itim kong backpack. Ayos lang siguro to? Hindi naman siguro akong magmukhang elementary students no?

"Aba na bata ka! College ka na Inday tas mag pahatid ka pa? hindi kana grade one." sabi ni Lola at binigay n'ya sakin ang hinanda n'yang lunch ko na nasa tupperware at naka lagay sa maliit na bag. Tssss! si Lola ginawa akong grade one? Pwede naman akong kumain sa restaurant ah.

"Okay Lola, ako nalang pupunta sa School mag-isa. Baon ko po?" sabi ko sabay lahad ng kamay.

"Ito singkwenta para sa break time n'yo at ito beynti para sa pamasahe mo, sa tricycle ka nalang sumakay apo para tipid" Sabi ni Lola at binigay sakin yung seventy pesos. Malaki na'to! Di naman ako magasto eh. Niyakap ko si Lola't nag paalam na.

Sumakay ako ng tricycle papunta ng School. Hindi naman ako na bored sa byahe dahil may naka sabay ako na babaeng mas madaldal pa sakin. Grabe ang hyper n'yang tao, malakas tumawa at natatawa kahit sa maliit na bagay. I like her!

"Alam mo ba ang cute mo? type sana kita pero naalala ko babae rin pala ako." sabi n'ya sakin sabay tawa kaya natawa narin ako at ang iba pang kasabay namin sa tricycle. She's really funny, kapag kasama ko to siguro mapuno ng hangin ang t'yan ko.

"Iba ka din eh, sino nga pala ang pangalan mo? kanina pa tayo usap ng usap hindi ko pa alam pangalan mo." Ngiti n'ya sakin.

"I am Phobie Dela Cruz."I smiled.

"And, I'm Jennifer Julian." sabi n'ya sabay lahad ng kamay. Nag shake hands naman kaming dalawa at muling nag usap.

"Manong Driver para!? May balak ka pa yata na dalhin kami buong byahe!" Malakas na sigaw n'ya sa driver.

"Ayy sorry Ma'am,  Akala ko sa lamay kayo pupunta at hindi dito sa paaralan." sabi ng Driver. Pilosopo rin eh!  Naka itim kasi kami pareho ng babaeng ito.

"Aba! Manong dahil sa sinabi mo hindi kami mag babayad" Sigaw ni Jennifer saka hinila n'ya ako. No choice din naman ako kundi tumakbo ng mabilis.

Narinig pa namin na tinawag kami ni Manong Driver at galit pa ito. Hindi nalang namin pinansin. Nong naka pasok na kami sa gate ay sabay kaming natawa sa aming kalokohan.

"Astig mo doon ah" sabi ko pa. Grabe ang lakas kong humingal!

"Loko kasi hindi n'ya ba nakita na naka backpack tayo means students tayo" sabi n'ya pa. Natawa kami ulit at napa aper sa isa't isa.

"Ayos! Best friend na tayo hah?" sabi n'ya habang nakangiti

"Sure!" Tugon ko naman.

Napatigil kami dahil sa nag tilian ang mga estudyanti rito. Grabe ang ingay nila, parang bubuyog kapag nag bubulungan.

" WAAHH! Charles!"

That Childish Girl Is My SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon