Dear Charles John Gomez

64 13 1
                                    

Dear Charles John Pinalba/Gomez

 

To my Kamahalan,
( Charles John Gomez)

"I hope that you'll read this green notebook someday. This notebook is the only treasure that I could leave to you, my Love. All of my feelings, all of my cares for you, all the pains, and all the times you broke my heart are here in my notebook. I wanted to remember all of this because I have loved you since I was 12."

'Nais kong malaman mo na kahit anong mangyari hindi  mag lalaho ang pagmamahal ko sayo. Hanggang sa kabilang buhay ay ikaw parin '

Page 1

======

Date: May 25 2020

To CJ,

'Pasensya kana Sinta. Pasensya kana dahil ikaw ang napiling mahalin ng puso ko. Hindi ito titigil hanggang tumitibok. Kahit hindi memorable ang una nating pagkikita, yung unang conversation natin ay masaya parin ako at hindi ko iyon makakalimutan kailan man. Dahil sa katangahan ko ay nag tagpo ang landas natin! Sobrang saya ko'

=====

page 2

====

Date:June 03 2020

To CJ,

'Ang bilis lang lumipas ng panahon. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nag tagpo ulit ang landas natin. Kung para sayo ay laruan lang ako at iyong alipin dahil sa aking nagawang kasalanan sa iyo at dahil sa pagiging tanga at pakialamera kong tao kaya ginawa mo akong Slave. Para naman sakin ay isang malaking suwerte dahil mapapalapit ako sayo at maiparamdam ko sayo na mahal kita at hindi ako titigil hangga't ang puso ko ay pumipintig parin sayo. Patawad kong nakaramdam ako ng takot dahil sa mga tingin at pagsigaw mo sakin, umaasa naman ako na sa pag lipas ng panahon ay maglalaho lahat ng takot at pangamba sa puso ko'

=====

Page 3

====

Date: June ** 2020

To my Kamahalan,

'Mahal kong hari kahit ikaw ay nawewerduhan sakin ay ayos lang. Asahan mo na andito lang ako at hindi kita iiwan tuwing kailangan mo ako. Tuwing kailangan mo ang slave mo ay handa akong gawin ang lahat, kahit ang imposible ay gawin kong posible mapaglingkuran lang kita'

====

Page 4

====

Date: ** ** 2020

To my Kamahalan,

'Akala ko maging masaya na ako dahil pumayag ka na maging slave mo ako for a lifetime pero nandoon padin ang lungkot dahil hindi mo rin ako matutunang mahalin dahil saking nakikita ngayon. Kumikislap ang iyong mata habang yakap ang  babaeng ubod ng ganda, saking palagay ay iyong  kasintahan, kusang tumulo ang mainit na likido galing sa mata ko. Nasasaktan ako kahit hindi naman dapat, kusang lumayo ang aking mga paa, palayong palayo sa masayang Ikaw sa piling ng babaeng nag papakislap ng iyong mata'

That Childish Girl Is My SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon