Chapter Three

103 24 0
                                    

[Chapter 3 - Drunk]

Phobie's POV

Bumaba na ako sa tricycle, kagagaling ko lang sa School. Three days na simula ng naging slave ako ni Charles. I love it, being called the slave of him.

After no’ng nag linis ako ng condo n’ya ay hindi na kami nagkita ulit, dahil busy ako sa School. Ako pa nag sisipag ata ako para sa future namin. Ackkkk!

Tumalon talon ako habang nag lalakad papasok sa bahay ng Lola ko. Kinuha ko ang susi sa secret taguan namin ni Lola sa ilalim ng bato. Saan kaya si Lola? Ang tahimik tas naka lock ang bahay.

Pumasok na ako at dumeretso sa kwarto. Naligo narin ako at bumihis dahil ang init talaga, mabuti ng fresh. Bumaba ulit ako dahil sa nagugutom na ako.

No'ng nakarating ako sa Kitchen ay may nakita akong papel na naka patong sa mesa. Love letter na ito? Kanino naman galing?

Kinuha ko ito at binasa,

--

                          June 7 2020

Dear inday apo ko,

              Sa mga oras na ito ay wala na ako. Mahal kita Apo ko, kung mababasa mo man ang goodbye sulat ko ay paalam.

Tumulo ang luha Ko kaya pinunasan ko! Si Lola talaga! wahhhhh! Paano na ako?

          Apo ko napaiyak ba kita? haha sorry ha? nagbibiro lang kasi ang Lola mong maganda.

Wah! Sabi na nga ba eh! Kainis naman si Lola!

        Mawawala ako ng isang Buwan Apo. May bounding kami ng mga Lola kong amiga. Nasa refrigerator na ang kunsumo mo sa isang buwan at kung kulang ay nag iwan ako ng pambili mo ng pagkain at nasa locker yung isang buwan mong baon na pera at pamasahe. Ma mimiss kita!

                 
Nagmamahal,

Ang maganda mong Lola

Ngumuso ako at tinago ang sulat sa ilalim ng aparador. Hyss grabe naman si Lola, bakit isang buwan talaga? Ang lungkot tuloy dito dahil wala s'ya. Pumunta muna ako sa sala's para nanood ng TV, pero natigil ako sa pag lakad ng may narinig akong katok. Nag madali akong buksan ang pinto sa inaakalang bumalik si Lola, pero nagkakamali ako dahil ang hindi ko Inaasahang tao ang bumungad sakin. Kumabog naman ang puso dahil sa presensya n'ya, at dahil sa malamig n'yang titig.

"B-Bakit mo alam ang bahay ko? at b-bakit ka nandito?" Kinakabahang tanong ko. Assual ang sungit ng mukha n'ya, para s'yang babaeng may regla.

"Tssss, None of your business. I just need you Slave, Follow me." Malamig na sabi n'ya at tumalikod. Ganoon lang iyon? Sinara ko naman ang pinto at sumunod sa kan'ya. Jusme tumutunog na ang kuliglig!

"Get in." He said coldly, tss cold as ice as always. Sumakay naman ako sa kotse n'ya. Halos mapatalon ako dahil sa suot at itsura ko. Kasi naman naka pajama ako at may design na barbie at t-shirt na pink na may hello Kitty tas yung sleeper ko may design na pikachu, tas yung buhok ko naka two hairs. Wahhh! mukha akong bata nakakahiya. Wahhh! Tas umalis ako na hindi  na lock ang bahay! bakit  kasi sumunod ako bigla? Parang meron s'yang hipnotismo na napa sunod n'ya agad ako sa isang iglap.

That Childish Girl Is My SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon