Chapter 6

10 3 0
                                    

Chapter 6
── Cupcake

Tatlong araw na ang nakalipas mula sa nangyaring slime prank, pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari. Hindi pa gumagalaw yung iba naming kaklase para gumanti dahil papalipasin lang muna daw nila ang eleksyon bago sila gumanti. Sa ngayon, kinakabahan ang karamihan dahil ngayon ang araw ng eleksyon para sa Coral Junior Student Council.

Sino bang hindi kakabahan sa araw na 'to? Eleksyon na kasi. Halos lahat yata ng tao dito, busy tapos sobrang ingay at gulo na parang nasa piyesta. Parang eto na yata yung School Festival eh.

Ewan ko ba, pero ang daming posters na nakadikit sa mga dingding, at andaming flyers na nagkalat sa sahig. Parang nung isang araw lang normal pa lahat, pero ngayon, ibang iba na ang environment.

"Vote for Ashtrid!"

"Boto niyo kaibigan ko!"

"Please vote for Alyssa Wong"

"Sabrina Laureta for School Reporter!"

"Pag binoto niyo si Sly, may pa free chicken kayo!"

"Scammer 'yan!"

Napansin ko rin na mabilis ang eleksyon nila. Bumabase nalang sila sa credentials, naging serbisyo nila dito sa school, at sa application form.

Habang naglalakad ako papunta sa classroom, napansin ko agad si Audrey. Literal na wala siyang kapaguran. Takbo dito, takbo doon, hawak hawak ang sangkatutak na flyers ng mga Section 1. Hype na hype siya para sa eleksyon.

"My beloved students! Vote for Sly! President natin 'yan! O kaya si Ashtrid! At syempre, si Roxanne at Aira for VP, pili nalang kayo isa d'yan!" sigaw ni Audrey habang ipinamimigay ang mga flyers sa mga estudyanteng dumadaan. "Hoy bata! Boto niyo 'tong Gizelle Punzalan" Sabi niya sa dalawang estudyanteng dumaan sa harapan niya sabay abot ng flyers

"OMG, Sister Vien!" bigla akong nilapitan ni Audrey at halos isalpak sa mukha ko ang isang flyer. "Nakita mo na ba 'tong mga flyers made by me? It's so cutesy, right? Grabe! I'm so excited! Sino kaya mananalo? OMG OMG OMG sana manalo mga manok na'tin!"

Eto nanaman 'yung hyper niyang ugali.

"Syempre mananalo 'yan sila. Kaya nila 'yan" Sabi ko naman sa kaniya at ningitian siya

Sa gilid, napansin ko rin si Roxanne, parang nag eenjoy habang namimigay din ng flyers. Hindi ko akalaing tutulungan niya ang mga taga Section 1. Ayan siya, kakampi namin instead na tumulong sa Section 5.

"Sister, vote for me ah! I need your support" Sabi ni Roxy sa'kin sabay lapit sa'kin

"Syempre naman, pinsan kita eh." Sabi ko naman sa kaniya. "Hindi mo tinutulungan sila Von ah. Buti hindi ka binantaan ng mga 'yon"

"Hay nako, muntikan na! Buti nalang pumasok si Miss Aurora sa amin kaya ayon, hinayaan nalang nila ako" Paliwanag niya

"Baka makalimutan mo na Section 5 ka" biro ko sa kanya.

"Ok nga 'yon! Iuntog ko ulo ko sa pader para makalimutan ko na talagang nasa Section 5 ako" Tumawa pa siya bago bumalik sa pamimigay ng flyers "Guys, vote niyo ko! Roxanne for Vice President"

Nagpaalam na ako kay Roxy at umalis sa tabi niya. Nakita ko naman si Ashtrid na nasa loob ng room namin, nagsusulat sa blackboard. Nakita naman ako ni Ashtrid at pinapasok sa room.

"Ano 'yan?" Tanong ko sa kaniya habang nagsusulat siya sa board.

"Inaayos ko na yung mga pwesto ng mga stalls. What do you think?"

Pinaghiwalay niya yung booths ng mga brands na iimbitahan ni Ashtrid at ang mga booths ng students. Nakita ko rin na bigatin yung mga ininvite niyang brands, may food stalls, clothing line, jewelry brands, known pastries shop, at iba pa. Nakita ko rin na andito ang business nila Tita Nelyn na AromaStitch at Roxy & Co.

Secrets and RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon