Chapter 22
── ThroneBack to normal na ulit ang lahat matapos ang isang linggong school festival. Maraming nagpopost sa CHIS Secret Files na ayaw pa nilang pumasok, gusto pa nilang i extend ang festival.
Maski ako, tinatamad pang pumasok! Inaantok pa ako
Papasok na kami ni Roxy sa school nang may napansin kami sa building ng Section 5, nagkukumpulan ang mga estudyante doon.
"Bakit andaming tao dun?" bulong ni Roxy habang itinuturo ang dami ng estudyanteng nagkukumpulan malapit sa Section 5 building.
Pinuntahan naman namin ni Roxy 'yon. May mga janitor na buhat buhat ang kung anu anong materials na ginamit nung school festival. Mga bakal, entrance arc, mga giant mushrooms at logs, at tinatambak lahat sa building ng Section 5. Parang naging warehouse ang buong area nila.
"Ba't dito nilagay yung mga gamit?" Pagtataka ni Roxy
Rinig na rinig naman namin ang boses ni Catherine na sumisigaw sa mga janitor. Kitang kita na nagtataka na 'to sa nangyayari.
"Hindi 'to basurahan! Bakit dito niyo tinatambak 'yang mga gamit?! Ano 'to, gusto niyong gawing warehouse ang building namin?" galit na galit niyang sigaw, pero wala siyang nakukuhang sagot mula sa mga janitor na patuloy lang sa pagbubuhat.
"Hello? Talk to me!" Sigaw pa nito pero wala paring imik sa kaniya ang mga staff "Bingi ba kayo?"
Maya-maya, biglang may malakas na sigaw mula sa likuran malapit sa amin
"TABI!"
Napalingon kami at nakita namin si Von, kasama ang ilan sa mga tropa niyang wakwak. Nagsitabi naman ang mga estudyanteng nakaharang sa daan nila, nagbibigay ng espasyo. Diretso lang ang lakad nila, parang walang gustong humarang.
Sino ba namang gustong bumangga sa mga 'yan?
Ako lang, ok? Ako lang. charot
Pagdating nila sa harap ng building, agad na hinarap ni Von si Catherine. "Anong nangyayari dito, ha?" tanong niya, nakakunot ang noo at halatang iritado.
"Ask them!" sabay turo sa mga janitor na abala pa rin sa pagbubuhat. "Ginawang basurahan building namin!"
Sa sobrang gigil ni Von, hinawakan niya ang kwelyo ng isa sa mga janitor. "Who told you na dito itambak yan?!" Sigaw nito
Ayaw kong mag assume pero mag a-assume na ako...
Section 1 ang nag utos nito for sure...
"Section niyo may gawa niyan, ano?"
"Ay kalabaw!"
Nagulat nalang ako dahil sa boses na 'yon na bumulong sa'kin kaya agad akong napalingon. Nakatayo lang 'to malapit sa'kin at seryosong tumitingin sa harap kung saan si Von.
"L-Lucas" bulong kong tawag sa kaniya. Sumenyas naman siya na tumahimik muna.
Kakausapin mo 'ko tas sabay papatahimikin?!
Pero baka nga tama duda niya, section 1 ang gumawa nito. Nakaramdam naman ako ng vibrate sa phone ko at agad na binuksan 'yon, sila Gizelle may chat sa group namin
Gizelle | Miss President Ganda
@Vienna Maxenne Rodriguez hey, get out there before someone from section 5 see you there.Too late! Lucas already saw me
Sly | Kasing pogi ni Kiko Matsing
vien, alis na. baka ikaw pag initan ni von dyan
BINABASA MO ANG
Secrets and Rivalry
Подростковая литератураSa Coral Heights International School, laging may tensyon sa pagitan ng dalawang section, Section 1, kung saan puro matatalino at masisipag ang mga estudyante, at Section 5, kilala bilang pasaway at pasimuno ng gulo. Ngunit isang transferee student...