Chapter 10
── Lunch BoxPagkalabas ko ng kwarto, napansin kong nakabukas ang pinto ng kwarto ni Roxy. Walang tao sa loob. Baka naliligo na o nasa baba na, kumakain.
Pagka baba ko, una kong nakita si Tita Nelyn na may kausap sa phone niya. Mukhang seryoso ang usapan, kaya hinayaan ko nalang siya at dumiretso na ako sa dining area. Andun si Tito Mike, nakasandal habang nagbabasa ng dyaryo at nagkakape.
"Good morning po" bati ko kay Tito Mike habang paupo ako. Napansin ko naman inabutan ako ng plato at kubyertos ng mga yaya.
"Good morning, Vienna" sagot ni Tito Mike at ningitian ako sabay balik sa pagbabasa ng dyaryo.
Kumuha na ako ng ulam at kain at nagsimulang kumain. Hindi ko napansin agad si Tita Nelyn na tapos na pala sa tawag. Pagpasok niya sa dining area, bumati siya sa akin "Good morning, Vien." at bumati rin naman ako sa kaniya.
"Congrats pala sainyong dalawa ni Roxanne." Bati niya sa akin "She told me this morning na nanalo kayo sa eleksyon"
Nagpasalamat naman ako kay Tita Nelyn. Narinig ni Tito Mike 'yon at binati niya rin ako.
"By the way, nauna na si Roxanne. May meeting pa daw sila ni Ashtrid" dagdag niya. "Nakalimutan nga pala ni Roxanne 'yung lunch box niya. Pwede mo bang iabot 'to sa kaniya? Gusto niya kasi yung ulam kaya nagpabaon siya" sabay abot sa akin ng lunch box ni Roxanne
"Sige po, tita, ako na pong mag aabot" sagot ko. Tinanggap ko ang lunch box na puno ng garlic rice, longganisa, sunny side up, at mga cut cubes ng prutas.
Pagkatapos kong kumain at maligo, inaya na ako nila Tita Nelyn at Tito Mike na sumabay na sa kanila dahil papasok na rin naman sila ng trabaho. Pumasok na kaming tatlo sa kotse at sinimulang ipaandar na ni Tito Mike ang kotse.
Pagkarating ko sa school, agad akong nagpaalam kila Tita Nelyn at bumaba na. Pagdating ko sa classroom, nakita ko agad si Audrey at Sly na nasa harap, nagtatalo.
"Ang dali lang naman niyan eh! Bakit 3 digits yung nakuha mo?!" sabay sigaw ni Sly, hawak hawak ang scientific calculator.
"Huwag kang magmarunong, mali solution mo!" balik naman ni Audrey, mukhang iniinis talaga si Sly.
Pinagmasdan ko naman yung iba kong kaklase, mukhang walang pakeelam sa nangyayari. Parang normal na 'to sa kanilang makita na ganito si Audrey at Sly.
Naalala ko tuloy nung first day, nagkaroon ng konting asaran 'tong dalawa.
"Anong mali?! Eto yung example ni Ma'am. Bakit umabot sa 3 digits sagot mo? 2 lang sagot d'yan" Sabat ni Sly
"Anong 2? Tanga, 419 sagot" Layo ng agwat ng sagot
Lumapit ako sa kanila para awatin "Huy! Umagang umaga, mga bunganga niyo"
"OMG Hi Sister! Jollyyyy Morning~" Biglang naging jolly yung expression ni Audrey sabay yakap sa akin "Pagalitan mo nga si Sly, inaaway ako" Para siyang bata kung magsumbong, naka pout pa!
"Mali mali kasi solution mo" Sabi naman ni Sly
"Tumigil na nga kayo!" sabi ko, sabay tawa. "By the way, si Roxy ba dumaan dito?" tanong ko
"Nope. Nasa office daw kasama si Sister Ash" sagot ni Audrey habang nakayakap pa sa akin.
Maya maya, tumunog na ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase. Bumitaw na ng yakap si Audrey at umupo na kami sa mga upuan namin. Pero biglang sinabi saamin ni Sly na hindi daw papasok si Miss Aurora kasi nasa meeting din kasama nila Roxy at Ashtrid. Kaya naisip ko munang mag-scroll sa phone ko habang naghihintay.
BINABASA MO ANG
Secrets and Rivalry
Teen FictionSa Coral Heights International School, laging may tensyon sa pagitan ng dalawang section, Section 1, kung saan puro matatalino at masisipag ang mga estudyante, at Section 5, kilala bilang pasaway at pasimuno ng gulo. Ngunit isang transferee student...