Chapter 25
── Accusation
Finally, Friday na! Time to chill from all the school stress.Wala rin naman kaming masyadong ginawa kahapon sa bahay after ng nangyari sa building ng Section 5. Pagkarating namin, sumunod agad sina Gizelle, Miguel, at Ashtrid para ikuwento sa amin yung mga pangyayari.
Apparently, may nagbukas daw sa circuit breaker box, yung janitor daw, at hindi pa tapos sina Gizelle sa plano nila. Kaya ayon, may naamoy at may pumutok na tunog na talaga namang nagpatakbuhan sa lahat. Hindi naman daw sila nasaktan dahil saktong malayo sila sa mga wires.
Sinabi rin nila Ashtrid na nakakandado pa yung pinto ng Section 5 at hindi matanggal yung tali doon. Narinig nilang nagtitilian yung mga wakwak sa loob dahil daw sa daga, kaya ang ending, sinira nila yung pinto para lang makalabas ng building.Buti nalang di nila alam na ako ang pasimuno ng buong plano, at kailangan ba nila talagang malaman? Syempre, hindi!
After ng kwentuhan, nag merienda kami sandali, tapos umuwi na rin sila.
Ngayon, tahimik lang kami dito sa room, naghihintay na tumunog ang bell. Si Sly, knock out na tulog. Si Gizelle, seryosong nagbabasa ng libro. Si Ashtrid, ilang minutong sinusuklay yung buhok niya. Si Audrey naman, abalang abala sa laptop, may mga documents daw siyang ginagawa. At ako? Wala, nag sc-scroll lang ng chismis sa CHIS Secret Files.
Ano ba kasi pinaggagawa ng mga wakwak ng CHIS? nagkasunog sa so-called kingdom nila? May putok yung isa nilang kaklase napunta pa sa section namin!
Comments:
Marissa Alcantara - Ciandrei Flores yung paninda niyong tawas ibenta mo dito oh
Isabella Monteverde - i know naman na malakas backer niyo pero sana bumawi nalang kayo sa hygiene
Maverick Inocencio - si Catherine Naomi Ang yan for sure
⤷ Catherine Naomi Ang - im always fresh
⤷ Daisy Chua - fresh from the smokey mountainsShout out po kay Louisa Somsri ng THM-A ang ganda niyo po talaga
Comments:
Louisa Somsri - faith newsgrabe yung mixed signals na pinaparamdam mo saken pero sige tuloy ang laban
Comments:
Sofia Claveria - mixed signals na nga, tuloy pa rin? ano ka, immune?
Isaiah Sebastian Dimagiba - tigil mo na yan
its true pala na the more you avoid the dilemma, the heavier it really gets. bakit ba kasi temporary ang happiness?? why do we need to go through endless pain? parang break time lang 'tong kasiyahan natin eh, apaka bilis!! Ang hirap narin mag open up ngayon especially with the situation with my friends and family, kaya eto sa confession nalang takbuhan ko. pagod na ko, ang hirap mag exist sa mundong ibabaw
Comments:
Daisy Chua - its okay to feel tired and lost. take things one day at a time. we're rooting for you!
Louisa Somsri - chair up po
Gizelle Punzalan - Life can feel overwhelming, but don't forget that there are people who still care about you, even if it doesn't feel that way right now.
Iba rin talaga 'tong si Gizelle. Kahit nonchalant, care bear pa rin.Maya maya, tumunog na yung bell, sakto yung hinihintay namin. Nag ayos na kami ng pwesto pagpasok ni Miss Aurora sa room, at tinago na rin ni Audrey yung laptop niya.
"Good morning, class" bati ni Miss Aurora kahit medyo matamlay 'to. Bumabati naman kami.
Pero bago pa nakapagsalita ulit si Miss Aurora, may kumatok bigla sa pintuan. Binuksan niya naman 'yon, bumungad yung teacher namin sa English at adviser ng Section 5, si Miss Junelyn.
"Ilan sila, ma'am?" rinig kong tanong ni Miss Aurora.
"Ah, sige ma'am, wait lang po" sagot ni Miss Aurora habang tumango at humarap sa amin.
Pagbalik ni Miss Aurora, nag ayos siya ng seating arrangement namin. Nilipat si Audrey sa likod ko, pati yung katabi ni Sly pinalipat din. At hindi ko alam kung bakit, pero pinaghiwalay niya si Ashtrid at Gizelle. Halata sa mga mukha namin ang pagka confused. Anong meron?
BINABASA MO ANG
Secrets and Rivalry
Teen FictionSa Coral Heights International School, laging may tensyon sa pagitan ng dalawang section, Section 1, kung saan puro matatalino at masisipag ang mga estudyante, at Section 5, kilala bilang pasaway at pasimuno ng gulo. Ngunit isang transferee student...