Chapter 15
── School Festival"ROXANNE!! BILISAN MO!!" Sigaw ni Tita Nelyn kay Roxy na nasa kwarto pa
"Wait lang, Mommy!" Rinig naming sigaw ni Roxy
"Ay jusko, ang bagal talaga kumilos ng batang 'to" sabi ni Tita Nelyn, naka pamewang pa
Today is the day na hinihintay ng mga students ng Coral Heights, School Festival na! Excited na 'ko sa mga booths at ganap doon lalo na 'yung mga 50% off na paninda doon, talagang take my wallet ang mangyayari!
Kasama namin si Tita Nelyn at Tito Mike papunta sa school dahil sila ang magbabantay sa booth nila na AromaStitch at Roxy & Co. Kahit busy sila, naisingit pa nilang sila ang mag representa sa booth nila. Dito rin kasi nila ila-launch yung bagong aroma ng damit nila which is Peony at Lily fragrance.
Naka white tshirt ako na naka tuck in sa brown skirt, light brown cardigan, white socks, at white sneakers. May sling bag ako, naka pigtail buns, at eyeglasses, tapos light make up lang.
Gusto ko talaga yung mga ganitong outfit, preppy look lang. Tsaka sabi ni Lucas, ito rin daw 'yung tipo ng outfit na gusto ni Von sa mga babae, preppy look.
Nagsend rin ako ng picture kay Lucas kung ok na 'yung itsura ko and he said..
Lucas Matsui
damn, you're so pretty
von might fall for you right away when he sees you
Ano ba, Lucas! Baka ikaw nalang ipa fall ko d'yan, chariz!
Pumayag nalang din kasi ako sa plano ni Lucas dahil gusto kong gumanti ng malala kay Von. Eto na rin kasi ang way para manahimik na ang dalawang section.
Ako ang sagot sa katahimikan! Charot
Narinig kong bumakas na ang pinto ng kwarto ni Roxy, naka white spaghetti strap, pink long sleeves polo, denim shorts, at white rubber shoes. Naka sling bag at naka pigtails. Ribbon ang ginawang pangtali nito.
Habang nasa byahe, walang imikan sa loob ng kotse. Tanging tunog ng makina at ingay ng mga sasakyan sa kalsada ang naririnig. Si Tita Nelyn ay abala sa pag scroll sa phone niya, habang si Tito Mike naman ay nakatutok sa pagmamaneho. Si Roxy na katabi ko ay naglalagay ng lipstick.
Buti nalang at natapos namin yung mga decoration sa school. Inabot kami ng gabi para matapos lang. Pagtapos namin ayusin yung mga nasira, agad naming pinwesto na yung mga giant mushrooms, signages, logs, at entrance arch sa ground floor. Pinabantay na rin namin sa guard yung mga booths para makasiguradong hindi na 'to masisira.
Maya maya, nakarating na rin kami sa school. Agad naming napansin ang dami ng tao. Lahat nakabihis ng magagara, tipong laban na laban ang datingan! Akala mo pupunta lang sa mall pero sa school event lang ang punta. Hindi ko maiwasang mapansin ang mga iba't ibang kulay ng damit at accessories ng mga estudyante.
Pagkapark namin sa school parking lot, bumaba agad sina Tita Nelyn at Tito Mike at dumiretso sa booth nila para i set up ang business nila doon. Kami naman ni Roxy ay pumunta sa Student Council Office, dahil sabi ni Roxy andoon daw sila Ashtrid.
Tahimik lang kami habang naglalakad papunta sa office ng student council. Napapansin namin na nag eenjoy naman ang mga estudyante. May nag pi-picture sa entrance arc, may nakatambay sa mga booth, yung iba nakaholding hands pa habang naglalakad sila.
Sana all
Nakarating na kami sa Student Council Office, bumungad sa amin si Audrey na pinagbuksan kami ng pinto. Naka yellow tshirt, denim shorts, white sneakers, at naka ponytail lang ang buhok nito.
"Hi girliess!!" Bati ni Audrey at nag beso sa amin
Nakita naman namin si Ashtrid na naka french blue floral puff sleeve long dress at naka lugay ang buhok nito, nakaupo ito sa sofa nagsco-scroll sa phone. Pamilyar din ang suot niya dahil nakita ko 'to sa website ng AromaStitch.
"Hey there" bati naman ni Gizelle sa amin na katabi ni Ashtrid at naka cross arms pa. Naka white polo long sleeve na naka tuck in sa denim shorts at white sneakers. "Musta naman yung sitwasyon sa labas?"
"They're happy naman" Sagot ni Roxy "Oh yeah, i heard may photobooth sila Kelvy"
"Yeah, i want to go there. Punta tayo later doon!" Pag aaya ni Audrey
"Anong oras pala start ng Painting Contest?" Tanong ni Roxy
Kasali pala 'to si Roxy sa Painting Contest
"Later 10 AM, you still have 1 hour to prepare" Sagot ni Ashtrid na nakatutok pa rin sa phone niya
"Mukhang busy ka d'yan sa phone mo, Sister" Sabi ni Audrey
"Nababadtrip ako sa photographer na kinuha nila Auntie" Inis nitong sabi "Look, i'm so ugly sa mga pictures niya"
Pinakita niya sa amin yung phone niya, mga pictures niya na naka white long dress. May katabi 'tong babae na nakasuot na wedding gown. Eto yata yung sinasabi ni Gizelle na umalis siya papuntang taiwan para sa wedding photoshoot.
Anong sinasabi niyang ugly eh ang perpuk nga niya d'yan?!
BINABASA MO ANG
Secrets and Rivalry
Genç KurguSa Coral Heights International School, laging may tensyon sa pagitan ng dalawang section, Section 1, kung saan puro matatalino at masisipag ang mga estudyante, at Section 5, kilala bilang pasaway at pasimuno ng gulo. Ngunit isang transferee student...