Chapter 16
── Poetry[ A/N : 3 songs inserted here hehe ]
"Sisters, help me!" Sabi ni Audrey sa amin habang yakap yakap niya ang unan sa sofa. "Kinakabahan ako sa Poetry!"
"You can do it, girl!" Sabi naman ni Roxy
Nasa Student Council office kami ngayon at nagpa-practice na si Audrey para sa Poetry Contest, siya kasi yung sumali sa section namin.
"Imbis kasi na nasa labas ako, nagme-memorize ako ng poem ko!" reklamo ni Audrey, sabay buga ng hangin.
"Ba't ka pa sumali kung gusto mo palang mag enjoy?" Tanong ni Sly, seryosong nakatingin sa phone
"'Cause i want to?" Eh?
Naka white spaghetti strap lang ako, red na long sleeve polo, denim jeans, at red sneakers. Naka ponytail lang ako ngayon, sling bag, at syempre may eyeglasses. Simple lang ang suot ko ngayon since wala namang sinabi si Lucas na mag preppy look ako ngayon tsaka para mas komportable pa akong makagalaw ngayon.
"Practice ka na ulit, Sister" sabi ni Roxy, tumabi kay Audrey sa sofa. "Kami nalang ni Vien ang audience mo. Judge kami kunwari."
Tumayo si Audrey at huminga nang malalim. "Okay, game" sabi niya, sabay hawak sa kopya ng tula niya. Muli niyang binasa ang bawat linya, mas malakas at mas buo na ang boses niya ngayon.
"What do you think?" Tanong sa amin ni Audrey
"Feeling ko may kulang" Sabi ni Roxy "Gimme your paper"
Binigay naman ni Audrey yung papel niya kay Roxy at may mga binago si Roxy na mga linya.
"Here, try this version" sabi ni Roxy matapos magsulat ng ilang pagbabago sa papel ni Audrey. "I just tweaked some lines para mas may impact. Tingin ko mas lalabas 'yung emotions mo rito."
Tinignan ni Audrey 'yung binago ni Roxy, then she nodded. "Alright, let's try it" sabi niya, huminga ulit nang malalim bago sinimulan basahin 'yung bagong version ng tula niya.
Habang binabasa niya, mas naging smooth 'yung flow ng lines. Mas ramdam ko 'yung emotions ng bawat salita, parang nagiging personal na 'yung bawat linya. Pagkatapos niyang magbasa, tumingin siya sa amin, curious kung anong masasabi namin.
"Its good" sabi ko "Mas ok na 'yung flow kesa kanina"
Napangiti rin si Audrey, clearly more confident now. "Thank you, sisters! I think I'm ready" sabi niya, halatang mas gumaan ang pakiramdam niya.
Habang nagfo-focus si Audrey para sa contest, lumabas muna kami ni Roxy at Sly para mag ikot ikot sa ground floor.
Marami pa rin ang tao, maraming pila sa iba't ibang booth lalo na sa mga palaro. Biglang may binanggit si Roxy sa amin na may karaoke booth daw dito katulad sa mga arcade store. Kaya pumunta kami agad doon at saktong may bakanteng karaoke booth kaya pumasok na kami para hindi maagawan
Kinuha na ni Sly yung songbook at namili na ng kanta. "Suggest nga kayo kanta"
"Yung pang lolo daw" pang asar ni Roxy habang kinukuha yung mic
"Anong pang lolo?!" sabay tanong ni Sly na may halong tawa. "Kunwari ka pa, gusto mo lang kumanta ng mga pang Imelda Papin"
Kung liligaya ka sa piling ng iba~
"Available na ba d'yan yung bagong kanta ng The Juans?" Tanong ko "Yung Rebound?"
"Hindi ko sure, check ko" Sabi ni Sly habang nililipat ang pahina, hinahanap yung ni request ko
BINABASA MO ANG
Secrets and Rivalry
Teen FictionSa Coral Heights International School, laging may tensyon sa pagitan ng dalawang section, Section 1, kung saan puro matatalino at masisipag ang mga estudyante, at Section 5, kilala bilang pasaway at pasimuno ng gulo. Ngunit isang transferee student...