Chapter 11
── PreparationTumakbo agad ako papunta sa room namin pagkatapos kong sampalin si Von dahil sobrang hiyang hiya ako sa ginawa ko. Nakakabigla talaga!
Pagpasok ko ng room, nakita ko naman si Roxy na nasa upuan ko. Nakikipagkwentuhan siya kila Audrey at Ashtrid.
"Uy, Vien!" Bungad na bati sa'kin ni Roxy sabay ngumiti 'to. "Ngayon ko lang nabasa yung chat mo. Where's my baon?"
Patay...
"Uh.. Eh..." Hindi ko alam sasabihin ko!
Sabihin ko nalang kaya na kinain ko? Baka magtampo 'to!
"Ba't nagbaon ka pa? Nagsawa kana ba sa meal ng cafeteria?" Tanong ni Audrey habang kumakain 'to ng breadstick.
Sabihin ko kayang natapon sa bag ko? Hindi pwede, andyan bag ko sa upuan. Ang panget ng palusot!
"Ang sarap kasi ng longganisa na niluto nila Mommy" Sagot ni Roxy
Sabihin ko kayang kinain ng dinosaur?
"OMG! I miss Tita Nelyn's cook. Kailan kami makakabisita ulit sainyo?" Tanong pa ni Audrey
O kaya sabihin ko nalang yung totoo? Baka magalit 'yun!
"Tsaka na kayo bumisita don pag free time ni Mommy." Sagot ni Roxy
Agad kong hinila si Roxy papunta sa labas. Magalit na siya kung magalit, hindi ko kayang magsinungaling sa kaniya!
Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa garden ng school namin dahil sa kakahila ko sa kaniya at naghahanap ako ng lugar na kahit papaano tahimik at hindi matao.
"Hey! What's wrong?" Pag aalalang tanong nito.
"Please, Roxy." Sabi ko sa kaniya "'Wag kang magagalit, ha?"
"H-Ha? Why?" Tanong ni Roxy, halatang naguguluhan sa seryosong tono ko.
Huminga ako ng malalim, iniisip ko pa rin kung paano ko sasabihin.
"Kasi.. yung lunch box mo.. natapon siya."
"N-natapon? Paano? Bakit?"
Napansin kong bumilis ang paghinga ko sa kaba. "Kasi.. dumaan ako sa Section 5 para ibigay sa'yo, tapos—"
"Bakit ka nagpunta dun?" Mabilis niyang tanong, halatang nag aalala.
"Well, hindi ka kasi nagrereply sa chat ko tapos cannot be reached ka pa tapos... si Von—"
"Anong ginawa sa'yo ni Von?" She asked
"N-Nagkasagutan kami tapos pilit niyang kinukuha yung lunch box mo" Paliwanag ko "Nag aagawan kami tapos ayun, natapon tas nabasag pa"
Nakita kong napakunot ang noo ni Roxy. "Nag away kayo ni Von? Bakit hindi mo na lang hinintay na magreply ako?" She sounded disappointed sa ginawa ko
"Baka lumamig yung pagkain." Sabi ko "Tapos, nakipagtalo pa siya na bawal daw ako dun sa building nila."
Kita ko sa mukha niya na disappointed talaga siya dahil sinabihan na nila ako una palang na hindi pwedeng tumapak sa teritoryo nila Von pero ginawa ko.
"Please next time, don't go there." Seryosong sabi niya
"Galit ka ba?" Pag aalala ko.
"Kinda" Sagot niya "Kasi sinuway mo kami"
Roxy sighed, tapos umiling nang kaunti, pero alam kong hindi naman siya sobrang galit. "Sorry talaga, Roxy. Promise, hindi na mauulit" halos pagmamakaawa ko na.

BINABASA MO ANG
Secrets and Rivalry
Teen FictionSa Coral Heights International School, laging may tensyon sa pagitan ng dalawang section, Section 1, kung saan puro matatalino at masisipag ang mga estudyante, at Section 5, kilala bilang pasaway at pasimuno ng gulo. Ngunit isang transferee student...