Chapter 2
── Wakwak"Palit nalang kasi tayo ng section!"
"Hindi nga pwede!"
"Dali na! Ako nalang sa Section 5"
"'Wag makulit, sister!"
"Please. Baka mapaano ka pa don"Kanina ko pa pinipilit si Roxy na magpalit kami ng section dahil hindi na talaga maganda kutob ko simula nung binigyan nila ako ng heads up tungkol sa mga Section 5 lalo na nung narining ko sila kanina sa classroom.
"No! You think i will let you be part of those sc*mbags?" Inis na sabi nito sa'kin
Andito kami ngayon sa gate para hintayin yung sundo namin. After lunch break kasi, pinauwi naman na agad kami ng mga teachers dahil nga hindi pa naman start ng discussion.
"Paano ikaw? Alam ba ni tita 'to?"
"Of course not. Luckily, wala akong binabanggit sa kaniya about those creatures. If ever lang talagang nalaman 'to ni Mommy, i'm dead. We're both dead"
"Edi bigyan mo nalang ako ng imformation sa mga wakwak na 'yon" Nakikiusap na sabi ko, na halatang nag-aalala na.
Nakikiwakwak na this girl kahit hindi ako alam kung ano 'yon.
Ready na yung kamao ko sa mukha nila pero sorry good girl ako, magagalit si Sister Roxanne.
Roxy sighed. "Fine. I'll give you some details. Pero kailangan mong tandaan na hindi 'to biro. Ibinibigay ko lang 'to para alam mo nangyayari, hindi para makisali ka dito"
"Yes, Bossing!" Tuwang tuwa pa si gaga
"Ang Wakwak, galing daw 'yon sa mga kuwentong bayan na ibig sabihin ay yung mga aswang na mahilig maghasik ng gulo kaya ayon ang tawag namin sa kanila. Kilala sila sa pagiging malalakas mang abala at magpasaway." Paliwanag nito "Kapag sinabi mong Wakwak, alam mo nang madami silang kalokohan at gulo. Hindi mo rin alam kung ano ang gagawin nila, masyado silang matalino at planadong planado sa mga ginagawa nila"
Pagtapos nitong magpaliwanag, agad namang nakarating yung sundo namin at pumasok na. Tinuloy naman agad ni Roxy ang kwento niya.
Kinuha niya yung phone niya at may pinakita siya sa'king mga pictures.
"Eto si Von Jericho Yuchengco" Sabay pakita sa'kin ng picture ni Von na mukhang nasa beach dahil sa background niyang nasa dagat, naka short sleeve polo na pang summer, at nakalagay naman ang kamay niya sa bulsa.
"Siya ang class president ng section 5. Ang problema nga lang dito ay ang pagiging dominant. Kapag siya ang nag command, hindi mo na pwede pang i question pa. Sumunod ka kaagad" Kwento nito "If ever someone mess up on you, expect galing kay Von yung utos na 'yon"
Tinitigan ko siyang mabuti dahil familiar yung mukha niya
Eto yata yung sumigaw ng pangalan ko kanina sa cafeteria.
"'Wag mong titigan, baka mahulog ka" Asar nito
Not gonna lie, ang pogi n-.... ako... Pogi ako...
Vienna, umayos ka.
"Also, kapatid yan ni Audrey. 'Wag kang maalala, you're safe with Audrey dahil hindi 'yan magkasundo kahit sa bahay. Hindi rin naman papayag si Von na madamay si Audrey sa gulo but Audrey is very stubborn. She will do everything just to protect her friends" Dagdag niya
"Next, Maverick Inocencio" Pagpapatuloy niya at pinakita sa'kin ang picture niyang nakasandal sa kotse na Audi "Competitive 'to. Everytime may event dito, siya lagi ang pambato. Class escort ng Section 5 kaya tuwing may pageant, siya lagi nakakaharap ni Sly. May times na dinadaya niya yung contest"
"Next, Royce Isidro" Nakaakbay naman siya sa babaeng mukhang japanese. "Girlfriend niya 'tong kaakbay niya. Malakas backer nito kaya walang natatanggal sa section nila. Marami siyang koneksyon dahil sa papa niya. Muntik na niyang mapatay si Sly dahil nagkainitan sila ng ulo dati"
BINABASA MO ANG
Secrets and Rivalry
Fiksi RemajaSa Coral Heights International School, laging may tensyon sa pagitan ng dalawang section, Section 1, kung saan puro matatalino at masisipag ang mga estudyante, at Section 5, kilala bilang pasaway at pasimuno ng gulo. Ngunit isang transferee student...