Chapter 4
── Avrinx"Buti nalang may extra uniform ang clinic. Gosh, ano bang binuhos ng mga 'to sa'yo?" Tanong ni Roxy sa'kin habang tinatanggal yung mga mantsa sa uniform ko
Sinusuklay ko naman ang buhok ko dahil kakagaling ko lang sa shower, naligo.
Refreshing!
Hindi naman kasi ako pwedeng umuwi na ganon ang itsura ko, makita pa ako ni Tita Nelyn.
Nandito kami ngayon nila Roxy at Audrey sa restroom. Buti nalang may shower area 'tong CR nila, nakapag banlaw ako.
Alam ko namang mukha akong basahan pero hindi niyo naman kailangan ipamukha sa'kin!
Kinuha ni Audrey ang phone niya at mabilis na nag-type habang abala si Roxy sa paglilinis ng mantsa sa uniform ko. "Sino chinachat mo?" tanong ni Roxy, hindi pa rin tumitigil sa pagkukuskos.
"Pinapaalam ko lang kila Sly yung nangyari" sagot ni Audrey "Otw na daw si Ashtrid."
Tumigil si Roxy at tumingin sa akin. "Vien, okay ka lang ba? Gusto mo bang lumipat ng school?"
Napahinto ako sa pagsusuklay ko at napatingin kay Roxy. "Ha? Bakit naman ako lilipat?"
"I shouldn't have suggested to Mom na dito ka mag aral. Hindi ko manlang naisip 'to." Sabi ni Roxy na bakas ang pag aalala sa boses. Kita ko sa mata niya ang bigat ng sitwasyon, na parang alam na niya ang kahihinatnan kapag talagang nadamay na ako sa gulo nila
Napabuntong hininga ako at hinawakan ang kamay niya. "Rox, okay lang ako. Hindi ako aalis. Hayaan mo na, ako na bahala"
Napaismid si Audrey. "Wala naman sa usapan ang makipagkasundo, Sister. And let's face it, mahirap sila pakisamahan. They're too freaking stubborn"
"Natatakot ako na baka kung anong gawin nila sa'yo." sabi ni Roxy habang kinukusot ang uniform ko
Narinig namin ang mga yabag sa labas, at tila sabay kaming napatigil.
"Siya na ba 'yan?" tanong ko, hindi ko mapigilan ang kabang nararamdaman.
"Siya na nga" sagot ni Audrey, sinisilip ang pinto. "And she looks pissed."
Bago pa ako makapagsalita, bumukas ang pinto at pumasok si Ashtrid, kasama si Sly.
"Hoy, Sly! Ba't andito ka? CR 'to ng girls! Babae ka ba?" Sigaw ni Audrey sa kaniya
"Oh edi lalabas!" Sigaw nito at bumalik sa labas pero malapit lang naman siya sa pinto huminto para kahit papaano naririnig niya pa rin ang pinaguusapan namin
"What happened?" Tanong sa amin ni Ashtrid
"Mukhang nagsisimula na ang mga wakwak gumanti. Pero hindi tayo ang target, mukhang eto ang target" Sabay turo sa akin ni Audrey
"Ano bang ginawa mo?" Masamang tingin sa akin ni Ashtrid na parang ako may kasalanan.
Girl, nag aabang lang ako ng sundo!
"Nasa gate lang siya, nag aabang ng sundo. Hindi ko kasi siya masasabayan sa pag uwi dahil tinawag ako ni Miss Aurora sa office" Sagot ni Roxy habang iritang tinatanggal ang mantsa sa uniform ko. "Ano ba 'to? Ink ba nilagay dito?"
"Hindi naman tayo pwedeng sumugod agad agad. Hindi rin tayo pwede bumawi for now dahil nag aasikaso na tayo ng Student Council at School Fest" Singit ni Sly
"Edi ano plano?" Tanong ni Ashtrid sabay sumandal sa pader malapit sa pinto
"Siguro hayaan lang muna na'tin bumawi ang mga 'yon. Sabi niyo nga, magiging abala na tayo sa Student Council at School Festival. Mas importante pa 'yon kaysa sa mga wakwak" Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Secrets and Rivalry
Ficção AdolescenteSa Coral Heights International School, laging may tensyon sa pagitan ng dalawang section, Section 1, kung saan puro matatalino at masisipag ang mga estudyante, at Section 5, kilala bilang pasaway at pasimuno ng gulo. Ngunit isang transferee student...