Chapter 5

12 3 0
                                    

Chapter 5
── Finalist

Habang papasok kami ni Roxy sa school, ramdam ko na parang may mga mata na nakatuon sa amin. Nakita ko ang ilang estudyante na nakasandal sa poste ng guard house, nagbubulungan. Patingin tingin sila sa amin

Problema ng mga 'to sa amin?

"Don't mind them, mga section 5 'yan" Bulong sa'kin ni Roxy

Hindi na lang namin sila pinansin at dumiretso na kami sa room ng Section 1. Pagdating namin, tila tahimik pa ang room, hindi pa masyadong matao. Napansin kong wala pa sina Ash, Audrey, Gizelle, at Sly. Tumambay muna si Roxy sa room habang naghihintay na magsimula ang klase. Umupo siya muna sa upuan ni Audrey.

"Sister, excited ka na ba sa eleksyon?" Bungad na tanong sa akin ni Roxy

"Excited? Medyo. Kinakabahan ako" sabi ko sabay napahawak sa batok. "Pwede bang mag back out?"

"Anong back out? Naur! You're already on the line up, girl" Sagot ni Roxy na para bang wala nang ibang pwedeng gawin kundi ipagpatuloy 'to.

"What if hindi ko kayanin?" tanong ko.

"Kaya mo 'yan! Panay sali ka nga ng mga events, eto pa kayang pagiging Year Level Representative" Sagot nito habang nag aapply ng foundation powder. "Nga pala, ok na ba 'yung form mo?"

"Tignan mo nga kung tama" sabay labas ko ng envelope at inabot iyon sa kanya, hoping na walang mali.

Inusisa naman niya yung form ko "Tama naman lahat, okay na 'to. Pasa mo nalang kay Miss Aurora mamaya"

Maya-maya, dumating sina Sly at Audrey. "Hi mga sisterets ko!! Anong chika?" tanong ni Audrey, habang umupo siya sa tabi ni Roxy.

"Etong sister niyo, kabado. Gusto mag back out" Sabi ni Roxy sabay turo sa akin

"Ay bakit naman? Hindi na pwede, nasa lineup kana" Sagot naman ni Audrey, halatang naguguluhan sa'kin.

"Gusto mag back out pero sinagutan yung form. Kumpleto kana ng requirements mo, ok na 'yan." Sabi ni Roxy

Hindi ko alam kung anong purpose ng pag aya nila sa'kin as Year Level Representative, i take lang yung spot para walang Section 5 na kumuha o gusto nila akong bigyan ng responsibilidad agad agad.

Eh paano kung gusto ko ngang mag back out?!

"By the way, anong nangyari sa uniform mo?" curious na tanong ni Audrey sa akin.

"Ginawa ko na lang siyang eco bag" sagot ko, at tumawa naman si Sly

Anong nakakatawa? Hoy, ang ganda naman kaya!

"Sumuko na ba kakakuskos?" tanong ni Sly, habang natatawa.

"Ikaw kaya magkuskos!" sagot ko, medyo naiirita pero nakangiti. Si Roxy, sabay hampas sa braso ni Sly "Buti nga, hindi ginawang basahan!"

"Pinagsabihan ko pala si kuya kahapon tungkol sa ginawa nila kay Sister Vien, and guess what? He. Did. Not. Care. Take it as a welcome gift daw" Iritang sabi ni Audrey

"Geez, pati pinsan ko idadamay nila" Inis na sabi ni Roxy "Saan pala sila Ashtrid and Gizelle?"

"Nasa principal's office, nag uusap about sa school festival" sagot ni Audrey.

Sana approve ang Mystical Forest Theme. Magdodrop out ako pag hindi hmp!

Biglang nagbell na. Dumating na si Miss Aurora na kasunod lang ni Ashtrid at Gizelle, at tumahimik ang classroom. Nagsidatingan na rin ang iba naming kaklase. Lumabas na rin si Roxy para pumunta sa room niya.

"Good morning, everyone!" bati ni Miss Aurora. Agad kaming sumagot, "Good morning po!" "Ngayon, ia-announce ko ang mga pangalan ng mga official candidates para sa student council election ng junior high."

Secrets and RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon