Chapter 14

9 3 0
                                    

Chapter 14
── Last Day

"Anong nangyari?" Tanong ni Roxy habang nakatingin sa phone niya "Check your phone sis, nagchat si Audrey"

Nasa taxi kami ngayon ni Roxy, papunta sa school. Hindi muna ako nag drive, pinagawa kasi namin agad ni Roxy after class yung harapan ng kotse dahil nayupi 'to. Hindi na rin namin sinabi kila Tita Nelyn 'yung totoong nangyari, sinabi nalang namin na pina carwash muna namin 'to.

Agad ko namang sinunod ang sinabi ni Roxy, kinuha ko yung phone ko na nasa bag at binuksan ang Messenger.

Audrey | Sexytary
@everyone
wer r u guys??? GO HERE ASAP GUYSS!!!

Gizelle | Miss President Ganda
why? otw na ako

Miguel | Batas
bakit lods?

Audrey | Sexytary
nasira yung mga gawa natin!! T-T

Napakunot ang noo ko at napatingin kay Roxy. "Nasira?"

"Baka naman exaggeration lang 'yan ni Audrey" sagot ni Roxy, pero halata sa tono ng boses niya na nag aalala rin siya. Biglang nag pop up ang isang message mula sa isa naming kaklase na si Andrew

Andrew | Mukhang Balinghoy
Pati mga booth sa ground floor sinira rin

Pati booth, nasira?!

Gizelle | Miss President Ganda
how the heck nasira eh we stayed there kagabi ni sly hanggang 10pm, ok pa 'yan.

"Grabe Hindi na ako magugulat kung Section 5 nanaman may gawa nito." Napahawak nalang ako bigla sa noo "Eto yung ganti nila sa ginawa ni Sly kahapon"

"Pero, paano kung hindi lang sila?" Tumigil siya sa pag scroll ng phone at binalikan ang sinabi ni Gizelle. "Gizelle mentioned na natapos sila ng 10pm. Its saturday, how's that even possible na may makakapasok sa school ngayon?"

"Ano 'to? Conspiracy?" Tumawa si Roxy, pero halata ang kaba sa mga mata niya. "Anyway, malalaman din natin mamaya."

Pagkarating namin sa school, agad kaming bumaba ng taxi at tumakbo papunta sa ground floor. Doon namin nakita ang malaking pinsala, yung mga booth na pinaghirapan namin, wasak na. Punit punit ang mga dekorasyon, at naputol ang ilang bakal na ginamit para iporma 'yung mga stand.

Parang dinaanan ng bagyo yung school sa sobrang gulo kahit maaraw na

"Walang hiya talaga 'yang mga wakwak!" sabi ni Roxy, galit at lumingon sa paligid para pagmasdan pa ang ibang nasirang decorations. "Dalawa lang ang sagot sa problema na 'to?"

"Ano?" Tanong ko sa kaniya

"May nagpaiwan talaga dito para hintaying umuwi sila Gizelle kagabi o may pumunta dito kanina bago dumating si Audrey"

Napaisip ako. "Pero paano nila magagawa 'yun kung may guard?"

"Alam mo naman ang Section 5, diba? Wala 'yang pakialam kung may bantay o wala. May mga koneksyon sila kung gusto nila" sagot ni Roxy, seryosong seryoso na parang tinatamaan ng personal na galit. "Kaya nga hindi ko na sila pinapatos masyado ngayon kasi alam ko, mahirap kalabanin na 'yan."

"Pero bakit naman gagawin nila 'to? Hindi ba't parang sobra na?" tanong ko habang tinutulak ang sarili kong intindihin ang dahilan. "Sa Monday na yung School Festival"

Parang gusto ko pa ring maniwala na hindi ito sinadya o isang malaking aksidente lang. Pero imposibleng hindi sinadya 'to, kupal eh.

"Gusto nilang guluhin lahat. Para wala tayong oras mag recover. Baka gusto nilang mapahiya kayo sa mismong araw ng festival." sagot ni Roxy 

Napatingin ako ulit sa mga nasirang booth. Durog ang dekorasyon, punit ang mga tela, at wasak ang mga stand na pinaghirapan namin. Ang lahat ng excitement para sa festival ay parang nawala, pinalitan ng takot at galit.

Imbis na konti nalang ang aayusin namin, parang back to start nanaman kami.

Agad naman kaming pumunta sa Auditorium kung nasaan si Audrey. Pagkarating namin doon, nakita namin si Audrey nasa stage. Sinisigawan ang kausap sa phone.

"The School Festival is on Monday, and your classmates ruined everything!" Rinig naming sigaw niya.

Habang papalapit kami sa kaniya, kita sa mukha niya na namumula na 'to sa galit at mukhang umiyak pa ito dahil sa pula ng mata niya.

"Wala naman akong kinalaman sa kotse niyo!" inis niyang dagdag, sinisikap kontrolin ang boses. "Pero kung section man namin 'yon, then do a revenge na hindi nadadamay yung gawa namin sa School Festival!"

Ilang segundo siyang huminto at may sinabi ulit 'to sa kausap niya sa phone "I will tell Mommy about this, nakakapikon ka!" sabay pinatay niya ang tawag.

Kita namin sa lapag ang mga sira sirang decorations, mga giant mushrooms na basag, yung entrance arch, pinagtatanggalan na ng mga dahon at bulaklak na dapat magbigay ng welcoming feel. Lahat ng signage na pinaghirapan namin, dinumihan ng black spray paint, parang sinadyang babuyin ang bawat detalye.

"Sister, kalma lang" sabi ni Roxy, nilalapit ang kamay niya sa kanya para pakalmahin siya. Pero bago pa siya makasagot, tumingin siya sa amin nang matalim.

"Kalma? Paano ako kakalma kung ganito 'yung nangyari?" Sinubukan niyang punasan ang luha sa pisngi niya pero halata pa rin ang panginginig ng boses niya. "We worked so hard for this, tapos sisirain lang ng mga wakwak!"

"What's going on?"

Napalingon kaming tatlo sa direksyon ng boses na 'yon, sila Gizelle. Bakas sa mukha nila ang pagka irita, halatang hindi rin sila natuwa sa nangyari. Lumapit si Gizelle, kasama sina Sly at ilang kaklase namin, at agad nilang sinuri ang mga nasirang dekorasyon.

"Anong nangyari dito?" tanong ni Gizelle, obvious sa boses niya na hindi siya makapaniwala. "Who did this?"

"Sinira nila kuya!" sagot agad ni Audrey, sumisigaw halos. "Kita mo ba 'tong lahat? Pinasok nila 'to kagabi at binaboy lahat ng gawa natin."

"How? Hanggang 10 kami natapos ni Sly kagabi" Pagtataka ni Gizelle

"Someone from Section 5 stayed here and wait for you guys na umalis dito" sabi ni Audrey "My brother told me. Ganti daw 'to sa ginawa daw natin na paglagay ng mga pintura sa mga kotse nila at pagbasag ng windshield sa kotse ni Von"

"Sly did that revenge and they deserve it!" Sagot ni Gizelle "Pero wala na tayong magagawa, walang magagawa ang panay iyak at reklamo na'tin ngayon, kumilos na agad tayo"

"Wala man lang tayong gagawin sa kanila?" Tanong ni Miguel

Agad na sumagot si Gizelle "Wala. Uunahin niyo pa 'yang pag ganti niyo kesa dito?"

Tumahimik si Miguel, pero bakas pa rin ang pagkadismaya sa mukha niya. Alam ko na iniisip din niya ang tungkol sa ganti, pero tama si Gizelle. Kailangan muna naming ayusin ang mga nasira bago kami mag isip ng kung ano anong ganti para sa Section 5.

"Revenge can wait. School Festival can't." dagdag ni Gizelle, tumayo nang tuwid at nagsimulang kumilos na. Kinuha niya ang isang sirang bahagi ng entrance arch at tinulungan siyang buhatin ito ng ilang mga kaklase namin.

Napatingin ako kay Roxy, na tumango na lang bilang pagsang ayon. Alam kong pare-pareho kami ng nararamdaman, galit, dismayado, at gusto naming makaganti. Pero tama si Gizelle, hindi puwedeng unahin ang paghihiganti sa ganitong oras. Mas kailangan naming mag focus sa kung paano mabubuo ulit ang lahat bago ang School Festival.

Nagsimula kaming lahat kumilos. Hinanap namin kung alin ang pwede pang ayusin, habang ang iba ay lumabas para ayusin ang mga booths na nasa ground floor. Hindi ko alam kung paano namin matatapos lahat, pero naramdaman kong, sa tulong ng bawat isa, posibleng mabuo ulit ang mga nasira.

Lahat tahimik na nagtatrabaho, parang hindi na rin namin kayang maglabas ng galit o sama ng loob dahil alam naming kailangang tapusin na 'to bago ang araw ng School Festival. Pinulot ko ang mga pira pirasong dekorasyon na nagkalat sa lapag habang si Roxy naman ay inaayos ang basag na giant mushroom.

"Where's Ashtrid?" Bungad na tanong ni Audrey na tinitignan ang paligid kaya napatingin din kami.

Oo nga, ano? Wala si Ashtrid.

"Hindi makakasama si Ashtrid sa'tin ngayon. She went to Taiwan for wedding photoshoot ng tita niya" sabi ni Gizelle habang inaayos ang mga gamit sa stage "Pero babalik rin agad siya bukas"

Ilang oras na ang nakalipas, tahimik at seryoso pa rin ang iba sa ginagawa nila. Halos walang imikan habang abala sa pag-aayos ng mga nasira. Pag check ko ng oras, tanghali na pala—lunch time na.

Nararamdaman ko na ang tyan kong kumukulo na. Gusto ko na kumain...

Huminto ako saglit at nilapitan si Roxy, na nakatuon pa rin sa pag rebuild ng giant mushrooms. "Rox, lunch time na. Gusto mo bang bumili muna ako ng pagkain sa'tin?"

"Sure" Tipid nitong sagot. Tumayo na ako at tumingin sa paligid. Tahimik pa rin ang iba, abala sa kani-kanilang ginagawa. Kita kong halos lahat ay tutok, pero alam kong gutom na rin sila.

Iwan niyo muna si Gizelle d'yan, kumain muna tayo!

Secrets and RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon