Chapter 9

11 3 0
                                    

Chapter 9
── Junior Student Council

"Attention all students, please proceed to the auditorium for the announcement of our new Junior Student Council Officers." Sabi ng isang teacher na nasa gate, naka megaphone.

Jusko po, eto na! 

Agad naman kaming pumunta ni Roxy sa Auditorium kasama ang ibang estudyante. Naririnig ko ang iba na hindi interesado malaman kung sino ang mga nanalo. Ang iba naman, excited.

"Sana pagtapos neto, uwian na"

"Sino kaya President?"

"Sana bumalik si Ashtrid as President, ayoko na yung Section 3 maghandle."

"Diretso cafeteria nalang tayo, pre"

"Sana manalo si Von" Asa ka!

Pagpasok namin ng Auditorium, agad namin nakita si Audrey na nasa unahan kaya doon nalang kami pumwesto. Sakto dahil may bakante pa sa row nila. Pag-upo namin sa tabi ni Audrey, agad siyang tumingin sa amin at nagpakawala ng ngiti.

"Hi, girlies!!" Masiglang bati ni Audrey sa amin. Nakita namin na katabi niya sila Ashtrid, Sly, Gizelle, at iba pa naming kaklase. "Are you guys excited? Kasi ako, excited! OMG, i am excited to work with all of you. First time kitang makakatrabaho, sister Vien!" 

Eto nanaman ang lola niyo!

"Kinakabahan ako kay Kuya pati kay Sister Ash" bulong ni Audrey habang inaayos ang upuan niya.

"Same" sagot ni Roxy "Sana naman hindi siya yung manalo"

Sana nga..

"Last talaga na update na binigay sa'kin ni Miss, nag tie talaga sila ni Kuya. Meaning, ligwak na si Father Sly" Pag aalala ni Audrey "Father Sly, you'll be missed"

Agad kaming nagulat sa saway ni Sly na "Hoy! Pinatay mo naman agad ako"

"Eh kasi naman, hindi ka na namin makakasama sa student council" Malungkot na sabi ni Audrey kay Sly

"Ashtrid still there." Sabay turo ni Sly kay Ashtrid na nasa tabi niya, nakikipag kwentuhan kay Gizelle "Ayaw niyo 'yun? Labanan ng mag ex?"
 
OMG! Mukhang magandang laban itech!

Muntik na akong matawa sa sinabi ni Sly, pero pinigilan ko sarili ko. Grabe, kala mo eksena lang sa teleserye 'tong student council election. 

"Hindi na ako magtataka pag nagkainitan 'yan, mag ungkatan ng past" Biro ni Sly

"Tigilan mo nga 'yan, Father!" natatawang sabi ni Audrey, sabay kurot sa braso niya. "Baka maging totoo pa!"

"Hindi malabo!" dagdag pa ni Roxy 

Nagsimulang dumilim ang ilaw at napansin ko agad na bumukas na ang stage lights. Tahimik na tumayo ang emcee, si Miss Aurora, na hawak ang mga envelope ng resulta. Biglang naging tahimik ang buong auditorium, parang lahat nag-aabang kung ano ang mangyayari.

"Good morning, students. The moment you've been waiting for has arrived. Today, we will announce the results of the Coral Junior Student Council elections." Tumigil si Miss Aurora sandali, siguro para pasuspense.

Ma'am, announce mo na agad!

"Before we proceed with announcing the new Coral Junior Student Council Officers, I would like to first recognize those who have already secured their spots in the Student Council. These students have shown exceptional determination and commitment to their respective positions" sabi ni Miss Aurora habang tinitignan ang mga students sa auditorium. May konting buzz sa paligid, ramdam ang excitement at kaba ng lahat.

"First, for the position of Secretary, let us welcome Ms. Audrey Yuchengco from Grade 10 Section 1 Diamond!" 

Agad siyang tumayo at lumapit sa stage, naglalakad na parang nasa Dress To Impress lang. Nang marating niya ang stage, sinabitan siya ng sash ng Principal namin, binigyan ng certificate, at syempre, may kasamang picture taking. Nag-wacky pa si Audrey sa photo, kaya naman napatawa ang audience.

'Wag kalang mag pose 28!

"Next, for the position of School Historian, we have Mr. Miguel Kashiwagi from Grade 10 Section 1 Diamond!" Tumayo si Miguel at naglakad papunta sa stage. Kalmado pero halata ang excitement sa mukha niya. Pagkatapos siyang sabitan ng sash at bigyan ng certificate, at ngumiti para sa picture.

"Now, for the Student Activities Committee Head, from Grade 9 Section 4 Aguinaldo, congratulations to Mr. Kelvy Lim!" Lumapit naman si Kelvy na parang medyo kinakabahan pero nagawa pa rin niyang ngumiti habang inaabot ang certificate.

"And finally, for the position of Grade 10 Representative, let us call on Ms. Vienna Maxenne Rodriguez from Grade 10 Section 1 Diamond!"

Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Tumayo ako nang maayos at naramdaman kong nakatingin ang buong auditorium sa akin. Narinig ko namang nagcheer sila Ashtrid for me. Pagkarating sa Stage, kinuha ko ang sash at certificate mula sa Principal at ngumiti sa camera para sa picture.

Officially a Year Level Representative na talaga ako!

Pumunta naman ako agad sa dulo ng stage kung saan nakatayo sila Audrey.

Secrets and RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon