Chapter 17
── Mama?"Sure ka ba dito? Baka mamaya, pagdudahan niya 'to" Reklamo ko kay Lucas
"Hindi 'yan. He'll like that" Sabi niya "Favorite niya 'yan e"
Nasa kusina kami ni Lucas ngayon ng Cafe Del Cia, ang shop niya. Tinuturuan niya kasi ako kung paano mag bake ng cupcake, ibibigay daw namin kay Von.
Mahilig daw kasi si Von sa mga baked goods tulad ng cupcake. Pretty points daw sa'kin 'to lalo na't ako ang nag bake. Bacon Maple Cupcake yung ginawa namin kasi ayon daw ang favorite niya. Tinikman ko naman 'to bago ako maglagay ng mga toppings, masarap naman siya
Hoy! Walang halong churva chenelin 'to ah! Siguro with a little bit of love lang ehe
Anim na yung ginawa ko para incase gusto niya pang kumain o kaya gusto niya bigyan yung mga tropa niya. Gumawa rin ako ng apat na butter croissant, ibibigay ko kay Majinbooboo. Andoon na kasi siya sa school.
"Paano pag nagtanong 'yon kung ba't ko siya binigyan ng cupcake?" Tanong ko kay Lucas habang naglalagay ng bacon bits sa cupcake
"Hmm.. Sabihin mo nalang na its a apology gift" Sabi nito habang ina-assemble yung box na paglalagyan
Sana tanggapin niya
Nilipat na namin yung mga cupcake sa box at niligay namin ng ribbon at tag na may nakalagay na "Sorry :("
"Lucas, anong gagawin ko pag hindi niya nagustuhan?" Pag aalala ko
Ihihinto ko talaga 'tong plano pag hindi niya nagustuhan. Parang joke time lang 'to eh!
"Magugustuhan niya 'yan, trust me" Sabi nito at nilagay na niya yung box ng cupcake at ang butter croissant sa paper bag na plain. Hindi na namin ginamit yung mismong paper bag ng cafe nila, baka mahalata pa kasi kami.
Umalis na kami sa cafe, sumabay nalang ako kay Lucas para mabilis kaming makarating ng school. Binaba nalang ako ni Lucas malapit sa school para walang makahalata saamin at dumiretso na siya sa parking lot ng school.
Hindi ako sumabay kay Roxy kasi sinabi ko sa kaniya na mauuna na ako. Biglang nag chat si Lucas na may plano siya, kaya nauna na ako sa kaniya. Pagkadating ko sa school, dumiretso agad ako sa Student Council office. Andoon daw sila Roxy at si Majinbooboo
Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala na finally, makikita ko na 'yung idol ko!
Idol! Wait for me!
Pagkapasok ko, nakita ko ang ibang officers ng Student Council na nasa meeting table. Kasama nila si Majinboboo, at ang dalawa pang sikat na streamer na si Ate Leira o mas kilala bilang Pixeleira, at si Ate Yuna o mas kilala bilang Yunadoodle na mukhang sila ang magiging shoutcasters daw ulit ng tournament. Tahimik akong umupo sa sofa para hintayin silang matapos, habang nakikita ko sina Audrey at Roxy na nagseselfie sa table ng adviser.
Biglang nag pop yung chat ni Lucas sa phone ko
Lucas Matsui
Hey! Im with Von right now
What time balak mong ibigay yung cupcake?Vienna Maxenne Rodriguez
pupunta ba kayo sa tourna ng esports? don ko nalang ibigayLucas Matsui
Yeah sureVienna Maxenne Rodriguez
ocakes bossing don ko nalang iabotLucas Matsui
Alright. See you later! 😁Habang patagal nang patagal, mukhang napapaniwala na ako sa sinasabi niya na nagbago na siya. He's very gentleman, soft spoken pa. Ibang iba talaga siya kay Von.
BINABASA MO ANG
Secrets and Rivalry
Teen FictionSa Coral Heights International School, laging may tensyon sa pagitan ng dalawang section, Section 1, kung saan puro matatalino at masisipag ang mga estudyante, at Section 5, kilala bilang pasaway at pasimuno ng gulo. Ngunit isang transferee student...