Chapter 27

3 0 0
                                    

Chapter 27
── Prank Gone Wrong?

"Imposibleng nagka patis yung mga inumin namin dito, chinecheck namin 'yan bago namin i serve" sabi ng tindera dito sa cafeteria. 

Nireklamo kasi ni Audrey sa kanila yung iced tea na nainom ko, lasang patis. Sabi ko sa kaniya, kahit wag na pero wala eh, gusto niyang i push. Nanghihingi pa nga ng refund.

"Pero ate, lasang patis nga yung iced tea ng sister ko." Reklamo ni Audrey "Just give us refund, maybe half of its price para matapos na po"

Ba't kasi sinabi ko pang ako bumili? Nanghingi pa tuloy ng refund, hindi naman ako bumili neto!

"Audrey, tara na. Hayaan mo na" Pag aaya ko sa kaniya na umalis sa cafeteria

"Sister, sayang yung binayad mo d'yan" Sagot niya

"Hayaan mo na. B-Baka nasagi ko lang ng kung sino man na may patis sa meal nila, tara na" Palusot ko sabay hatak sa kaniya paalis sa cafeteria. Pinipigilan ko talagang sabihin na si Lucas at Von yung dahilan. Hindi muna namin tinapon yung iced tea dahil may naisip na kalokohan 'tong si Audrey.

Pagdating namin sa room, agad tinawag ni Audrey si Sly, bitbit ang Iced Tea na may patis. "FATHER SLY!!"

"Oh?" Sly.

"Iced tea oh." sabay abot ni Audrey kay Sly ng Iced Tea.

Aba ang loko, ang bilis lumapit ni Sly sa amin, parang excited pa. Pag pagkain talaga, alam na this!

Kinuha niya yung cup na hawak ni Audrey, at walang kaabog abog, ininom niya agad. Akala mo uhaw uhaw kung makainom, kala mo first time makainom eh.

Pero ayun na nga...

Bigla niyang binuga yung iced tea! Letseng buhay 'to, diretso pa samin ni Audrey!

"What the hell, Sarabia?!" sigaw ni Audrey habang napapalayo, parang mapapraning dahil sa ginawa ni Sly. "EWWW!!"

"Sly, ano ba yan?!" reklamo ko rin. Juice colored, pati ako nadamay. Basang basa na yung uniform ko at amoy patis pa.

Kailangan ko na yata ng damit ni Tita Nelyn pero uniform version naman.

"Kadiri! Ano 'to?!" halos maduwal si Sly habang nagpupunas ng bibig. 

"Ano ba 'tong nilagay niyo?! Lasang patis, p*cha!" dagdag niya.

"I SMELL LIKE FISH SAUCE NOW!" si Audrey, parang galit na galit na. "Why did you have to spit it on us?!" 

"Kasalanan mo eh! Ba't mo kasi binigay sa'kin?" depensa ni Sly. "Tingnan mo, dinamay mo pa si Vienna!"

Girl, ako nga unang nabiktima niyan! Sila Von sisihin mo!

"Ugh! I hate you!" sigaw ni Audrey, sabay hampas kay Sly. Literal, nasaktan ata kasi napangiwi pa tapos bigla na lang siyang nag walkout.

"Bat kasalanan ko pa?" reklamo ni Sly habang nakatingin pa rin sa'kin. "Siya tong nagbigay ng iced tea na lasang patis, tapos hate niya pa ako."

Napairap na lang ako. "Deserve mo rin yun, Sarabia. Masyado ka kasing matakaw"

"Parang kasalanan ko pa talaga... Grabe kayo" sabay kamot ng ulo ni Sly.

Pumunta naman agad ako sa clinic para manghingi ng uniform. Mukhang nagtataka na yung nurse dito ba't panay hingi kami ng extrang uniform sa kaniya.

"Next time, hindi ko na kayo bibigyan ng uniform ah" pagsusungit ng nurse. Pumunta naman agad ako sa restroom para mag ayos at makapagpalit ng uniform bago mag start ang klase. Kasabay ko rin si Audrey na nagpapalit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 4 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secrets and RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon